Nag-aalis ang Google ng content sa mga resulta ng paghahanap na lumalabag sa aming mga patakaran sa produkto at content. Kung may content na gusto mong maalis sa mga resulta ng paghahanap pero hindi ito lumalabag sa aming mga patakaran, posibleng mayroon kang iba pang opsyon.
Alisin ang content sa source
Sa pangkalahatan, ang pinakamainam mong opsyon ay alisin ang content sa source nito.
Makipag-ugnayan sa may-ari ng website
Bagama't mapipigilan naming lumabas ang content sa aming mga resulta ng paghahanap, hindi namin ito maaalis sa mga website na nagho-host nito. Kinokontrol ito ng taong nagmamay-ari ng site. Para alisin ang content, ang pinakamainam mong opsyon ay makipag-ugnayan sa may-ari ng site. Alamin kung paano makipag-ugnayan sa may-ari ng website.
Alisin ang content sa sarili mong site
Kung nasa iyong site ang larawan, alamin kung paano i-block ang content mo sa mga resulta ng Google Search.
Alisin ang content na in-upload sa isang platform ng social media
May mga resource ng tulong ang karamihan ng mga platform ng social media tungkol sa mga patakaran sa pag-aalis ng larawan, privacy ng content, at mga proseso sa pag-recover ng account ng mga ito.
- Tingnan ang help center ng platform ng social media. Narito ang ilang help center ng mga sikat na platform:
- Maghanap ng mga keyword batay sa iyong sitwasyon. Halimbawa:
Mag-alis ng larawan
Mag-ulat ng larawan o tanggalin ang larawan
Pagpapanggap o Mga pekeng account
Mga patakaran sa pag-aalis ng larawan
Privacy
Mawalan ng access sa account
Alamin kung paano mag-alis ng mga resulta sa web sa Google Search.