Puwede kang matuto pa tungkol sa isang larawan o mga bagay sa paligid mo gamit ang reverse na paghahanap ng larawan. Halimbawa, puwede kang kumuha ng larawan ng halaman at gamitin ito para maghanap ng impormasyon o iba pang katulad na larawan.
Ang makikita mo kapag naghanap ka
Puwedeng kasama sa iyong mga resulta ang:
- Mga resulta ng paghahanap para sa mga bagay na nasa larawan
- Mga katulad na larawan
- Mga website na may larawan o katulad na larawan
Mga tugmang browser
Magagawa mo ang reverse na paghahanap ng larawan sa karamihan ng browser, gaya ng:
- Chrome
- Firefox
- Safari
Mag-upload ng larawan
- Sa iyong computer, magbukas ng web browser, tulad ng Chrome o Safari.
- Pumunta sa Google Images.
- I-click ang Paghahanap gamit ang larawan
.
- I-click ang Mag-upload ng larawan
Pumili ng file o Mag-browse.
- Pumili ng larawan mula sa iyong computer.
- I-click ang Buksan o Piliin.
Mag-drag at drop ng larawan
Mahalaga: Para mag-drag at drop ng mga larawan, kakailanganin mong gumamit ng Chrome o Firefox.
- Sa iyong computer, magbukas ng browser, gaya ng Chrome o Firefox.
- Pumunta sa Google Images.
- Sa iyong computer, hanapin ang file gamit ang larawan na gusto mong gamitin sa paghahanap.
- I-click ang larawan.
- Pindutin nang matagal ang mouse, i-drag ang larawan, at pagkatapos ay i-drop ito sa box para sa paghahanap.
Maghanap gamit ang URL
- Sa iyong computer, magbukas ng web browser, tulad ng Chrome o Safari.
- Pumunta sa website na may larawan na gusto mong gamitin.
- Para kopyahin ang URL, mag-right-click sa larawan.
- I-click ang Kopyahin ang address ng larawan.
- Pumunta sa Google Images.
- I-click ang Paghahanap gamit ang larawan
.
- I-click ang I-paste ang URL ng larawan.
- Sa kahon ng text, i-paste ang URL.
- I-click ang Paghahanap gamit ang larawan.
Hindi nase-save sa iyong history ng pag-browse ang mga URL na ginamit mo sa paghahanap. Posibleng i-store ng Google ang mga URL para gawing mas mahusay ang aming mga produkto at serbisyo.
Maghanap gamit ang larawan mula sa isang website
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome browser.
- Pumunta sa website na may larawan na gusto mong gamitin.
- Mag-right-click sa larawan.
- I-click ang Maghanap sa Google para sa larawan. Makikita mo ang iyong mga resulta sa bagong tab.