Puwede kang matuto pa tungkol sa isang larawan o mga bagay sa paligid mo gamit ang reverse na paghahanap ng larawan. Halimbawa, puwede kang kumuha ng larawan ng halaman at gamitin ito para maghanap ng impormasyon o iba pang katulad na larawan.
Ang makikita mo kapag naghanap ka
Puwedeng kasama sa iyong mga resulta ang:
- Mga resulta ng paghahanap para sa mga bagay na nasa larawan
- Mga katulad na larawan
- Mga website na may larawan o katulad na larawan
Ang kailangan mo
- Ang pinakabagong bersyon ng Google app
- Ang Google app
o ang Chrome app
Maghanap gamit ang isang larawan mula sa mga resulta ng paghahanap
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google app
o Chrome app
.
- Pumunta sa Google Images.
- Maghanap ng larawang gusto mong gamitin at i-tap ito.
- Para maghanap gamit ang larawan:
- Pindutin nang matagal ang larawan, pagkatapos ay i-tap ang Hanapin sa Google ang larawang ito.
- O, kung maghahanap ka gamit ang English, sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Biswal na hanapin ang larawang ito
.
Maghanap gamit ang isang larawan mula sa website
Mahalaga: Para maghanap gamit ang isang larawan sa website sa Chrome app, kailangan mong itakda ang Google bilang iyong default na search engine.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google app
o Chrome app
.
- Pumunta sa website kung nasaan ang larawan.
- Pindutin nang matagal ang larawan.
- I-tap ang Maghanap gamit ang Google Lens.
- Piliin kung paano mo gustong maghanap:
- Gumamit ng bagay sa larawan: Kung available, sa bagay, i-tap ang Piliin
.
- Gumamit ng bahagi ng larawan: I-tap ang Pumili ng bahagi ng larawan
, pagkatapos ay i-drag ang mga sulok ng kahon sa paligid ng iyong napili.
- Gumamit ng bagay sa larawan: Kung available, sa bagay, i-tap ang Piliin
- Sa ibaba, mag-scroll para mahanap ang iyong mga kaugnay na resulta ng paghahanap.
Maghanap gamit ang isang larawang naka-save sa iyong telepono
Mahalaga: Sa ngayon, hindi available ang feature na ito sa mga Android tablet.
- Sa iyong Android phone, buksan ang Google app
.
- Sa ibaba, i-tap ang Discover.
- Sa search bar, i-tap ang Google Lens
.
- Kumuha o mag-upload ng larawang gagamitin sa iyong paghahanap:
- Para kumuha ng larawan: Itutok sa isang bagay ang iyong camera at i-tap ang Hanapin
.
- Para mag-upload ng kasalukuyang larawan: I-tap ang Picker ng larawan
at pumili ng larawan.
- Para kumuha ng larawan: Itutok sa isang bagay ang iyong camera at i-tap ang Hanapin
- Piliin ang bahaging gusto mong gamitin para sa iyong paghahanap:
- Gumamit ng bagay sa larawan: Kung available, sa bagay, i-tap ang Piliin
.
- Gumamit ng bahagi ng larawan: I-tap ang Pumili ng bahagi ng larawan
, pagkatapos ay i-drag ang mga sulok ng kahon sa paligid ng iyong napili.
- Gumamit ng bagay sa larawan: Kung available, sa bagay, i-tap ang Piliin
- Sa ibaba, mag-scroll para makita ang iyong mga resulta ng paghahanap.
Tip: Para makakuha ng mga mas partikular na resulta, pumili ng mas maliit na bahagi sa larawan.