Notification

Users can now migrate Google Podcasts subscriptions to YouTube Music or to another app that supports OPML import. Learn more here

Maghanap gamit ang isang larawan sa Google

Puwede kang matuto pa tungkol sa isang larawan o mga bagay sa iyong paligid gamit ang Google Lens. Halimbawa, puwede kang kumuha ng larawan ng halaman at gamitin ito para maghanap ng impormasyon o iba pang katulad na larawan.

Ang makikita mo kapag naghanap ka

Puwedeng kasama sa iyong mga resulta ang:

  • Mga resulta ng paghahanap para sa mga bagay na nasa larawan
  • Mga katulad na larawan
  • Mga website na may larawan o katulad na larawan

Ang kailangan mo

Maghanap gamit ang isang larawan mula sa mga resulta ng paghahanap

  1. Sa iyong Android phone o tablet, pumunta sa Google.com.
  2. Maghanap ng larawan.
  3. I-tap ang larawan.
  4. Sa kaliwang bahagi sa ibaba, i-tap ang Google Lens .

Maghanap gamit ang isang larawan mula sa website

Mahalaga: Para maghanap gamit ang isang larawan sa website sa Chrome app, dapat mong gawing iyong default na search engine ang Google.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, pumunta sa Google app Google app o Chrome app Chrome .
  2. Pumunta sa website kung nasaan ang larawan.
  3. Pindutin nang matagal ang larawan.
  4. I-tap ang Hanapin ang larawan gamit ang Google Lens.
    • Para hanapin ang isang bahagi ng isang larawan, i-drag ang mga sulok ng box sa paligid ng iyong napili.
  5. Sa ibaba, mag-scroll para makita ang mga kaugnay na resulta ng paghahanap.
  6. Para pinuhin ang iyong paghahanap, i-tap ang Idagdag sa paghahanap mo.
  7. Maglagay ng mga keyword.

Maghanap gamit ang isang larawan mula sa iyong device

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google app Google app o ang Chrome app Chrome .
  2. Sa search bar, i-tap ang Google Lens .
  3. Kumuha o mag-upload ng larawang gagamitin sa iyong paghahanap:
    • Para kumuha ng larawan: Itutok sa isang bagay ang iyong camera at i-tap ang Hanapin .
    • Para mag-upload ng kasalukuyang larawan: Sa ilalim ng "Mga Screenshot," pumili ng larawan.
  4. Piliin ang bahaging gusto mong gamitin para sa iyong paghahanap:
    • Para hanapin ang isang bahagi ng isang larawan, i-tap ang larawan, pagkatapos ay i-drag ang mga sulok ng box sa paligid ng iyong napili.
  5. Sa ibaba, mag-scroll para makita ang iyong mga resulta ng paghahanap.
  6. Para pinuhin ang iyong paghahanap, i-tap ang Idagdag sa paghahanap mo.
  7. Maglagay ng mga keyword.

Tip: Para makakuha ng mga mas partikular na resulta, pumili ng mas maliit na bahagi sa larawan.

Mga kaugnay na resource

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1420659131135231197
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
100334
false
false