Paano gumamit ng mga dual SIM sa iyong Google Pixel phone

Kung mayroon kang Pixel 3a o mas bagong Pixel phone, puwede kang gumamit ng dalawang SIM: isang pisikal na SIM card at isang eSIM. Puwede mong piliin kung aling SIM ang gagamitin para sa partikular na pagkilos, tulad ng pagmemensahe o pagtawag. Tinatawag na Dual SIM Dual Standby (DSDS) ang opsyong ito.

Puwede kang gumamit ng 2 profile ng eSIM nang magkasabay kung:

  • Pixel 7, Pixel 7 Pro, o mas bagong telepono ang mayroon ka.
  • Pinapayagan ng iyong carrier ang feature na ito. 

Batay sa iyong device at carrier, puwede kang magkaroon ng 2 eSIM o isang eSIM at isang pisikal na SIM.

Gumagana sa ilang mobile carrier ang DSDS at eSIM. Para malaman kung gagana ang mga ito sa iyong telepono, magtanong sa mobile carrier mo. Kung sa Japan mo binili ang iyong Pixel 3a, hindi ito puwedeng magkaroon ng dalawang SIM.

Makakakonekta sa mga 5G network ang Pixel 4a (5G) at mga mas bagong telepono na nasa dual SIM mode.

Alamin kung paano i-set up ang eSIM sa iyong Pixel phone gamit ang aming tutorial na may sunod-sunod na hakbang.

Mahalaga: Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 11 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.

Magdagdag ng eSIM bilang pangalawang SIM
Sa isang teleponong gumagamit na ng SIM card pero hindi pa gumagamit ng eSIM:
  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Network at internet.
  3. Sa tabi ng “Mobile network,” i-tap ang Magdagdag Idagdag.
  4. I-tap ang Mag-download na lang ng SIM?.
  5. Kapat tinanong ng "Gumamit ng 2 SIM?," i-tap ang Oo. Mag-a-update ang iyong telepono.
  6. Pagkatapos mag-update ng iyong telepono, buksan ulit ang app mo na Mga Setting.
  7. I-tap ang Network at internet at pagkatapos ay Mobile network.
  8. Para itakda ang mga kagustuhan sa tawag at text, i-tap ang iyong mga network.
Tip: Para itanong ng telepono mo ang iyong kagustuhan sa network sa bawat pagkakataon, i-tap ang Tanungin ako palagi.
Gumamit ng 2 profile ng eSIM

Para i-enable ang 2 profile ng eSIM sa iyong kwalipikadong device:

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Network at Internet at pagkatapos ay Mga SIM.
  3. I-tap ang Mag-download na lang ng SIM?
  4. Sundin ang mga tagubilin.
Magdagdag ng SIM card bilang pangalawang SIM
Sa isang teleponong gumagamit na ng eSIM, pero hindi pa gumagamit ng SIM card:
  1. Ilagay ang SIM card. Alamin kung paano maglagay ng SIM card.
  2. Kapat tinanong ng "Gumamit ng 2 SIM?," i-tap ang Oo. Mag-a-update ang iyong telepono.
  3. Pagkatapos mag-update ng iyong telepono, buksan ulit ang app mo na Mga Setting.
  4. I-tap ang Network at internet at pagkatapos ay Mobile network.
  5. Para itakda ang mga kagustuhan sa tawag at text, i-tap ang iyong mga network.

Tip: Para itanong ng telepono mo ang iyong kagustuhan sa network sa bawat pagkakataon, i-tap ang Tanungin ako palagi.

Baguhin ang mga kagustuhan sa dual SIM sa iyong Google Pixel phone

Mahalaga: Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 11 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.

Puwede mong piliin kung aling SIM ang gagamitin ng iyong telepono para sa data, mga tawag, mga text message, at higit pa. Awtomatikong gagamitin ng iyong telepono ang SIM na iyon.

Itakda ang default na SIM para sa data, mga tawag, at mga text message
  1. Buksan ang iyong app na Mga Setting.
  2. I-tap ang Network at internet at pagkatapos ay Mga SIM at pagkatapos ay iyong network.
  3. Para sa bawat network, itakda ang iyong mga kagustuhan:
    • Data: I-on ang Mobile data.
      Mahalaga: Isang SIM lang ang puwedeng maging default para sa data. Kung may na-set up ka na, makakatanggap ka ng notification.
    • Mga tawag: I-tap ang Kagustuhan sa Tawag. Pagkatapos, piliin ang iyong mga default na carrier, o i-tap ang Tanungin ako palagi.
    • Mga text: I-tap ang Kagustuhan sa SMS. Pagkatapos, piliin ang iyong mga default na carrier, o i-tap ang Tanungin ako palagi.
Gumamit ng pangalawang SIM habang tumatawag (Pixel 8 o Pixel 8 Pro at mas luma)
Mga tawag: Kung nasa tawag ka, hindi ka makakatanggap ng tawag sa kabilang SIM sa parehong pagkakataon. Mapupunta sa voicemail ang mga tawag sa kabilang SIM.
Data: Karamihan ng data ay mapupunta sa default na SIM para sa uri ng paggamit na iyon. Exception: Habang nasa isang tawag, ang lahat ng data ay mapupunta sa SIM na nagsasagawa ng tawag.
Para gumamit ng data habang tumatawag sa isang SIM na hindi karaniwang ginagamit para sa data:
  1. Buksan ang iyong app na Mga Setting.
  2. I-tap ang Network at internet at pagkatapos ay Mga SIM.
  3. I-on ang Data habang tumatawag.
Gumamit ng pangalawang SIM habang tumatawag (Pixel 8a lang)

Baka gusto mong gamitin ang parehong SIM nang magkasabay. Halimbawa, puwede kang magkaroon ng isa para sa negosyo at isa para sa personal na paggamit. 

Puwede mong gamitin ang parehong SIM para sa mga tawag nang magkasabay. Kung nasa tawag ka at aktibo ang iyong unang SIM, puwede mong gamitin ang pangalawang SIM para tumawag o sumagot. Samantala, maho-hold ang unang tawag.

Para magamit ang feature na ito:

  • Dapat mong i-on ang mobile data ng parehong SIM.
  • Dapat mong i-on ang awtomatikong paglipat ng data para sa pangalawang SIM. 
  • Dapat suportahan ng iyong carrier ang Pagtawag gamit ang Wi-Fi para sa pangalawang SIM. 

I-on ang mobile data

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Network at internet at pagkatapos ay Mga SIM.
  3. I-tap ang pangalan ng iyong unang SIM.
  4. I-on ang Mobile data.
  5. Ulitin para sa pangalawang SIM.

I-on ang awtomatikong paglipat ng data para sa pangalawang SIM

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Network at internet at pagkatapos ay Mga SIM at pagkatapos ay iyong network.
  3. I-tap ang pangalan ng iyong pangalawang SIM.
  4. I-on ang Awtomatikong lumipat ng mobile data.
  5. I-tap ang Gamitin ang Pagtawag gamit ang Wi-Fi.

Makatanggap o gawin ang tawag sa parehong SIM

  1. Gawin o makatanggap ng tawag sa alinmang SIM.
  2. Sa pangalawang SIM, i-dial o sagutin ang telepono gaya ng dati. Maho-hold ang unang tawag.
    Tip: Lilipat sa "Backup na Pagtawag ng [Carrier]" ang display name ng carrier ng pangalawang SIM.
  3. Para magpalipat-lipat sa pagitan ng 2 tawag, mag-swipe pataas at i-tap ang Lumipat

I-off ang awtomatikong paglipat ng data

  1. Buksan ang iyong app na Mga Setting.
  2. I-tap ang Network at internet at pagkatapos ay Mga SIM at pagkatapos ay iyong network.
  3. I-tap ang pangalan ng iyong SIM.
  4. I-off ang Awtomatikong lumipat ng mobile data.

I-off o ihinto ang paggamit ng SIM 

Mahalaga: Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 11 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.

Pansamantalang mag-off ng SIM

Para pansamantalang mag-off ng SIM:

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Network at internet at pagkatapos ay Mobile network.
  3. Piliin ang SIM na gusto mong i-off.
  4. I-tap ang Gamitin ang SIM.
Tip: Makakakonekta sa mga 5G network ang Pixel 4a (5G) at mga mas bagong telepono na nasa dual SIM mode.

Alamin kung paano baguhin ang iyong mga kagustuhan sa dual SIM.

Mag-delete ng eSIM o humingi ng password para mag-delete ng eSIM

Mag-delete ng eSIM

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong mobile device.
  2. I-tap ang Network at internet at pagkatapos ay Mobile network.
  3. Piliin ang eSIM na gusto mong i-delete.
  4. I-tap ang I-delete ang SIM.

Humingi ng password para mag-delete ng eSIM

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong mobile device.
  2. I-tap ang Seguridad at pagkatapos ay Advanced at pagkatapos ay Kumpirmahin ang pag-delete ng SIM.
Tumigil sa paggamit ng SIM card

Para ihinto ang paggamit ng SIM card, alisin ito sa telepono.

  1. Sa maliit na butas sa kaliwang gilid ng telepono, ipasok ang Tool sa pag-aalis ng SIM.
    Tip: Sa Pixel 3 (2018), nasa ibabang gilid ng telepono ang slot ng SIM card.
  2. Itulak nang madiin pero dahan-dahan hanggang sa lumabas ang tray.
  3. Alisin ang tray at ang SIM card.
  4. Dahan-dahang itulak ang tray pabalik sa slot nito.

Matuto pa tungkol sa kung paano gumamit ng SIM card.

Mag-ayos ng mga problema sa mga dual SIM

Mahalaga: Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 11 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.

Hindi gumagana nang magkasama ang ilang kumbinasyon ng network ng SIM. Kung makakakita ka ng notification na nagsasabing “Hindi available ang boses” o “Mga pagkaantala sa boses,” nagkakaproblema sa paggana nang magkasama ang mga network sa iyong dalawang SIM. Para humingi ng tulong, makipag-ugnayan sa iyong mobile carrier.

Hanapin ang mga identification number ng iyong telepono

Kapag nakipag-usap ka sa iyong carrier, baka kailangan mong magbigay ng mga numero ng ID ng Pixel gaya ng numero ng IMEI 1, IMEI 2, o EID. Alamin kung paano hanapin ang mga numero ng ID ng iyong Pixel phone.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8383508922799098315
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false