I-set up ang Google Assistant sa iyong device

Makakahanap ka ng impormasyon at makakagawa ka ng mga bagay sa tulong ng Google Assistant mo. Tanungin ito at sabihan itong gumawa ng mga bagay.

Matuto pa tungkol sa bagong Google Assistant.

Mga wikang puwede mong gamitin

Sa mga Android device, available ang Google Assistant sa Arabic, Bengali, Chinese (Simplified), Chinese (Traditional), Danish, Dutch, English, French, German, Gujarati, Hindi, Indonesian, Italian, Japanese, Kannada, Korean, Malayalam, Marathi, Norwegian, Polish, Portuguese (Brazil), Portuguese (Portugal), Russian, Spanish, Swedish, Tamil, Telugu, Thai, Turkish, Urdu, at Vietnamese. May mga paparating pang wika. 

Ang kailangan mo

Para magamit ang Google Assistant, mangangailangan ka ng device na may:

  • Android 5.0+ na may hindi bababa sa 1.0GB na available na memory o
  • Android 6.0+ na may hindi bababa sa 1.5GB na available na memory
  • Google app 6.13 o mas bago
  • Mga serbisyo ng Google Play
  • 720p o mas mataas na resolution ng screen
  • Wika ng device na nakatakda sa isang wikang nakalista sa itaas
Suriin kung mayroon ang iyong device ng mga kinakailangan nito

Tingnan ang bersyon ng iyong Android

Tingnan ang bersyon ng iyong Google app

  1. Sa iyong device, buksan ang Google app Google Search.
  2. Sa Home screen, i-tap ang Menu Menu at pagkatapos ay Mga Setting at pagkatapos ay Tungkol Dito.
  3. Hanapin ang numero ng bersyon sa itaas.
  4. Kung mas luma sa 6.13 ang iyong bersyon, pumunta sa page ng Google app, pagkatapos ay i-tap ang I-update.

Tingnan kung mayroon kang mga serbisyo ng Google Play

  1. Sa iyong device, pumunta sa page ng mga serbisyo ng Google Play.
  2. I-tap ang I-install. Kung makikita mo ang "I-uninstall" o "I-deactivate," mayroon ka nang Mga Serbisyo ng Google Play.

Magsimula ng pag-uusap

  1. Sa iyong device, pindutin nang matagal ang button ng Home o sabihin ang "Hey Google." Kung naka-off ang Google Assistant, hihilingin sa iyong i-on ito.
  2. Magtanong o magsabi ng command.

Tip: Sa mga device na gumagamit ng Android 8.0 at mas bago, puwede mo ring kausapin ang Google Assistant kapag naka-lock ang iyong device sa pamamagitan ng pagsasabi ng "Hey Google." Alamin kung paano kontrolin kung anong impormasyon ang ipinapakita sa iyong lock screen.

Iba pang paraan para makipag-ugnayan sa iyong Assistant

Mag-type
  1. Sa iyong device, pindutin nang matagal ang button ng Home.
  2. I-tap ang Keyboard Mag-type.
  3. Maglagay ng tanong o command at pagkatapos ay Ipadala Send Arrow.
Buksan ang Google Assistant app

Una, kunin ang Google Assistant app.

  1. Sa iyong device, buksan ang Google Assistant app Assistant (iOS).
  2. Magtanong o magsabi ng command.
I-squeeze ang telepono mo (Pixel 2, 3, 3a at 4)
  1. I-squeeze ang ibabang kalahati ng iyong telepono.
  2. Magtanong o magsabi ng command.

Tingnan ang galaw na pag-squeeze o alamin kung paano baguhin kung gaano kadiin mo dapat i-squeeze ang iyong telepono.

Piliin kung paano makipag-ugnayan sa Google Assistant

  1. Sa iyong Android phone o tablet, sabihin ang "Hey Google, buksan ang mga setting ng Assistant." 
  2. Sa ilalim ng "Mga setting," i-tap ang Pangkalahatan at pagkatapos ay Gustong input.
  3. Piliin ang iyong gustong input.
    • Para sabihin ang iyong tanong o command: I-tap ang Boses.
    • Para i-type ang iyong tanong o command: I-tap ang Keyboard.

Ang puwede mong ipagawa

Para magkaroon ng mga ideya, itanong sa iyong Assistant ang "Ano ang magagawa mo?" Narito ang higit pang halimbawa ng puwede mong ipagawa.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16364504461609120877
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false