Maglipat ng data mula sa iPhone papunta sa Pixel

Puwede mong kopyahin ang data ng iyong iPhone, tulad ng mga text, larawan, musika, contact, app, at kalendaryo sa isang Pixel phone. Alamin kung paano lumipat sa Pixel phone mula sa Android gamit ang aming tutorial na may sunod-sunod na hakbang.

Para mag-set up ng Pixel device para sa isang bata, kapag na-prompt na maglipat ng data, i-tap ang Laktawan. Alamin kung paano mag-set up ng device para sa bata.

Mahalaga: Kung puno na ang iyong storage ng data batay sa capacity ng device mo, posibleng ma-pause ang paglilipat ng data. Tiyaking tingnan ang iyong capacity ng storage bago ka magsimula ng paglilipat ng data.

Mga item na makokopya mo sa iyong Pixel

Ano ang makokopya habang nagse-set up

Ililipat ang iyong mahalagang data sa Pixel.

Hindi kailangang magsimula sa umpisa kapag lumipat ka sa Pixel mula sa iPhone®. Pinapadali ng Pixel na ilipat1 ang kailangan mo mula sa kasalukuyan mong telepono, kabilang ang sumusunod:

Uri ng Data Cable WiFi
Mga contact at kalendaryo sa telepono at iCloud Oo Oo
Mga larawan at video na naka-save sa iyong iPhone Oo Oo
Mga text, iMessage, at karamihan ng content ng iMessage, tulad ng mga larawan, video, at iba pang media Oo Hindi
History ng chat ng WhatsApp Oo Hindi
Mga libreng app (kung available sa Google Play ang bersyon para sa Android) Oo Hindi
Musika (Mga MP3 at audio file) Oo Hindi
Mga Tala Oo Hindi
Mga wallpaper na gumagamit ng iyong mga larawan, pero hindi mga karaniwang larawan na kasama sa telepono mo Oo Hindi
History ng tawag: Malilipat kung naka-set up ang device na mag-encrypt ng lokal na backup. Oo Hindi
Layout ng home screen Oo Hindi

 

Pagkatapos ng paunang pag-set up, narito kung ano pa ang puwede mong ilipat:

Uri ng Data Cable WiFi
Musika: musika mo mula sa mga serbisyong nangangailangan ng subscription gaya ng Spotify o Apple Music (mag-sign in lang sa serbisyo sa iyong Pixel) Oo Oo
Mga account na hindi Google at data ng mga ito, kabilang ang mga contact at event sa kalendaryo (mag-sign in lang sa serbisyo sa iyong Pixel) Oo Oo
Mga password mula sa Google Password Manager (kung parehong Google Account ang gagamitin mo) Oo Oo
Mga contact sa LINE at 2 linggo ng mga pag-uusap sa chat. Alamin kung paano. Oo Oo
Pag-usad na nagawa mo sa ilang gaming app o website (mag-sign in lang sa iyong Pixel) Oo Oo

Mga larawan, video, dokumento, at iba pang file na naka-store sa iCloud. Alamin kung paano magsimula sa paglilipat sa Google Photos ng mga larawan at video mo sa iCloud. Bilang alternatibo, mag-sign in sa icloud.com sa iyong computer, piliin ang mga gusto mong file, i-export ang mga ito, at pagkatapos ay i-upload ang mga ito sa Google Photos (para sa mga larawan at video) at Google Drive (para sa mga miscellaneous na file at PDF). Batay sa laki ng iyong library, posible itong abutin nang ilang oras o araw, at posibleng kailanganing bumili ng plan ng storage sa Google One.

Oo Oo


1 Posibleng hindi awtomatikong mailipat ang ilang app at data ng third party. Pumunta sa g.co/pixel/copydatahelp para sa impormasyon.

Mahalaga: Nasi-sync at naa-upload sa iyong Google Account online ang mga contact, kalendaryo, at tala sa Google Keep na kinokopya mo sa iyong Pixel phone. Nasi-sync ang iyong impormasyon sa Google Account kapag nagsa-sign in ka sa account mo sa iyong Pixel phone.

Ano ang hindi makokopya habang nagse-set up
  • Mga in-app na pagbili
  • Mga setting ng telepono, gaya ng mga password ng Wi-Fi
  • Musikang may proteksyon ng Digital Rights Management (DRM)
  • Mga bookmark mula sa Safari®
  • Mga bayad na app at app na hindi available sa Google Play
  • Ilang data ng app, gaya ng data mula sa mga app na hindi naka-store sa cloud

Alamin kung paano ilipat ang ilan sa data na ito pagkatapos mag-set up.

Hakbang 1: Maghandang i-set up ang iyong bagong Pixel

I-charge ang dalawa mong telepono.

Hakbang 2: Hanapin ang kailangan mo

Hanapin ang kailangan mo. Learn what comes with your phone.

  • Ang Quick Switch Adapter
  • Cable na gumagana sa iyong iPhone, tulad ng ginagamit mo sa pag-charge
  • Iyong SIM card at tool sa paglalagay ng SIM, maliban na lang kung mayroon kang eSIM

Hakbang 3: Sa iyong iPhone

Mahalaga: Hindi sinusuportahan para sa paglilipat ng data sa Pixel ang mga beta version ng iOS

Hakbang 4: Sa iyong Pixel

I-on ang iyong Pixel, at i-tap ang Magsimula. Puwede mong baguhin ang mga setting ng wika o vision ng iyong telepono.

Hakbang 5: Mag-set up gamit ang ibang iOS device

Mahalaga: Nalalapat lang ang hakbang na ito sa Pixel 8 at Pixel Pro.

  1. Sa iyong Pixel phone:
    • I-tap ang iPhone o iPad.

Hakbang 6: Kumonekta sa Wi-Fi o mobile network para mag-sign in sa iyong Google account

Mahalaga:Nalalapat lang ang hakbang na ito sa Pixel 8 at Pixel Pro at posibleng maiba ang pagkakasunod-sunod ng mga screen batay sa connectivity.

  1. Kumonekta sa Wi-Fi network o kung hindi ka makakonekta sa Wi-Fi network, puwede kang maglagay ng SIM card para kumonekta sa iyong mobile network
  2. Mag-sign in sa iyong Google Account.
    • Tip: Kinakailangang may Google Account ka. Kung hindi, hindi ka makakapag-download ng mga app, at hindi makokopya sa iyong bagong device ang ilang content.
  3. Para kumonekta sa mobile network, i-download ang iyong eSIM. Kung hindi, sundin ang mga prompt para ilagay ang iyong SIM card.

Tip: May suporta sa eSIM ang iyong Pixel batay sa mobile carrier mo. Para sa mga detalye, makipag-ugnayan sa iyong carrier.

Hakbang 7: I-configure kung paano mo gustong i-unlock ang iyong device

Mahalaga: Nalalapat lang ang hakbang na ito sa Pixel 8 at Pixel 8 Pro.

  • I-set up ang Pag-unlock Gamit ang Fingerprint
  • I-set up ang Pag-unlock Gamit ang Mukha

Hakbang 8: Pagkonektahin ang mga telepono at kopyahin ang iyong data

  1. Sa iyong Pixel phone, i-tap ang Magsimula.
  2. Kumonekta sa Wi-Fi network o sa mobile carrier.
  3. Kapag hiniling na “Kopyahin ang data mula sa iyong iPhone o iPad,” i-tap ang Susunod Kopyahin ang data mo.
  4. Kapag hiniling na “Gamitin ang iyong lumang device,” i-tap ang Susunod.
  5. I-on at i-unlock ang iyong iPhone.
  6. Isaksak ang isang dulo ng charging cable ng iPhone mo sa iyong iPhone.
  7. Isaksak ang kabilang dulo ng cable sa iyong Pixel phone o sa Quick Switch Adapter at isaksak ang adapter sa Pixel phone mo.
    • Tip: Wala kang cable? Puwede mong ilipat ang ilan sa iyong data nang wireless, pero inirerekomenda ang cable dahil mas marami itong naililipat na uri ng data.
  8. Sa iyong iPhone, i-tap ang Trust.
  9. Sa iyong Pixel phone, may lalabas na listahan ng mga uri ng data mo.
    • Tip: Kung minsan, magti-trigger ng babala sa kapasidad ang dami ng storage ng iPhone dahil posibleng may kasama itong mga file ng system o naka-link na data sa iCloud. Kung sigurado kang puwedeng ilipat ang lahat ng data sa device mo, balewalain ang babala at magpatuloy. Sa iyong iPhone, i-tap ang Settings at pagkatapos ay General at pagkatapos ay iPhone Storage para tingnan kung gaano kalaking storage ng device ang ginagamit.
    • Para kopyahin ang lahat ng iyong data, i-tap ang Kopyahin.

    • Para kopyahin lang ang ilang data:
      1. I-uncheck ang mga kahon sa tabi ng mga item na ayaw mong makopya.
      2. I-tap ang Kopyahin.
  10. Puwede mong ipagpatuloy ang pag-set up sa iyong Pixel habang naglilipat
  11. Kapag tapos na ang paglilipat, suriin ang mga screen ng buod ng paglilipat para tingnan ang mga resulta at tip kung paano maglipat ng anumang nalaktawang content.
  12. I-off ang iMessage sa iyong iPhone.
    • May makikita kang screen na nagpapalala sa iyong i-off ang iMessage. Handa ka na kung natapos mo na ito bago mag-set up. Kung hindi, tapusin ang hakbang ngayon.
    • Kung hindi mo io-off ang iMessage, posibleng hindi mo matanggap ang ilang text message sa bago mong Pixel device.
  13. Opsyonal: Ilipat ang iyong data sa iCloud.
    • Ang data sa device lang ang maililipat gamit ang cable. Kung may data ka sa iCloud o na naka-sync sa iba pang serbisyo sa cloud, sundin ang mga tagubilin para tiyaking available sa Pixel mo ang data na ito.

Tip: Pagkatapos mong maglipat, posibleng hindi agad lumabas ang iyong mga app dahil kailangan pang i-download at i-install ang mga ito.

Makakuha ng higit pang tip at suporta

Kung gusto mong maglipat ng data o kung sa tingin mo ay may nawawala kang data, sundin ang mga hakbang sa pag-troubleshoot sa ibaba.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16959382116108761395
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false