Gumamit ng mas kaunting mobile data sa pamamagitan ng data saver

Para makatulong na mas kaunting mobile data ang magamit sa limitadong data plan, puwede mong i-on ang Data Saver. Nagbibigay-daan ang mode na ito sa karamihan ng mga app at serbisyo na makakuha ng data ng background sa pamamagitan lang ng Wi-Fi. Puwedeng gumamit ng mobile data ang mga kasalukuyang aktibong app at serbisyo.

Mahalaga: Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 8.0 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.

I-on o i-off ang Data saver

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Network at internet At pagkatapos Data Saver.
  3. I-on o i-off ang Data Saver.
    • Sa iyong status bar, kapag naka-on ang Data Saver, makikita mo ang icon ng Data Saver Data saver .
    • Makakakita ka rin ng notification sa itaas ng app na Mga Setting ng iyong telepono.

Ti0p: Puwede mong idagdag ang Data Saver sa iyong bar ng mga setting. Alamin kung paano i-customize ang Mga Mabilisang Setting.

Pigilang maabala ang mga app kapag walang Wi-Fi

Hindi gagana ang ilang app at serbisyo gaya ng inaasahan maliban na lang kung hahayaan mong tumakbo ang mga ito sa background kahit habang hindi mo ginagamit ang mga ito. Para hayaan ang mga app na tumakbo sa background gamit ang mobile data, puwede mong i-on ang "Hindi pinaghihigpitang data" para sa mga app na iyon.

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Network at internet At pagkatapos Data Saver At pagkatapos Hindi pinaghihigpitang data.
  3. I-on ang app o serbisyong gusto mong gumamit ng mobile data habang naka-on ang Data Saver.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
18252189764912421932
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false