Tuklasin ang iyong Pixel phone

Mahalaga: Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 11 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.

Piliin kung paano mag-navigate

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. Pumunta sa System at pagkatapos ay Navigation Mode.
  3. Pumili ng opsyon:
    • Navigation gamit ang galaw: Walang button.
    • 3-button na navigaton: Tatlong button para sa Home, Bumalik, at Pangkalahatang-ideya ng App.
    • 2-button na navigation (Pixel 3, 3 XL, 3a, at 3a XL): Dalawang button para sa Home at Bumalik.

Tip: Alamin kung paano mag-explore sa iyong Pixel phone gamit ang aming tutorial na may sunod-sunod na hakbang.

Magpalipat-lipat sa mga screen, webpage, at app

Bumalik

Buksan ang nakaraang screen na tinitingnan mo. Puwede kang bumalik nang mahigit isang beses. Gayunpaman, kapag nakarating ka na sa Home screen, hindi ka na makakabalik pa.

  • Navigation gamit ang galaw: Mag-swipe mula sa kaliwa o kanang dulo ng screen.
  • 3-button na navigation: I-tap ang Bumalik Bumalik.
  • 2-button na navigation (Pixel 3, 3 XL,  3a, at 3a XL): I-tap ang Bumalik Bumalik.
Pumunta sa Home screen
  • Navigation gamit ang galaw: Mag-swipe pataas mula sa ibaba ng screen.
  • 3-button na navigation: I-tap ang Home Home.
  • 2-button na navigation (Pixel 3, 3 XL,  3a, at 3a XL): I-tap ang Home Home.
Tip: Puwede kang magkaroon ng mahigit sa isang Home screen. Mag-swipe pakanan o pakaliwa para magpalipat-lipat sa mga ito. Alamin kung paano magdagdag, maglipat, at mag-alis ng mga Home screen..
Hanapin ang lahat ng nakabukas na app
  • Navigation gamit ang galaw: Mag-swipe pataas mula sa ibaba, pumindot nang matagal, pagkatapos ay bumitaw.
  • 3-button na navigation: I-tap ang Overview Overview.
  • 2-button na navigation (Pixel 3, 3 XL,  3a, at 3a XL): Mula sa ibaba ng iyong screen, mag-swipe pataas papunta sa gitna.

Mula rito, magagawa mong:

  • Magsara ng mga app: Mag-swipe pataas sa larawan ng app.
  • Magbukas ng app: I-tap ang larawan nito.
  • Kumuha ng screenshot: I-tap ang Screenshot .
  • Pumili ng text (mga piniling wika): I-tap ang Piliin . Pagkatapos, pumili ng mga salita sa larawan ng app at i-tap ang Kopyahin, Ibahagi, o Hanapin.
  • Tingnan ang dalawang app nang magkasabay.

Mahalaga: Sa 2-button na navigation, hindi ka puwedeng kumuha ng screenshot o pumili ng text mula sa lahat ng bukas na app. Alamin ang iba pang paraan ng pagkuha ng mga screenshot.

Magpalipat-lipat sa mga app
  • Navigation gamit ang galaw: Sa pinakaibaba ng screen, mag-swipe mula kaliwa pakanan.
  • 3-button na navigation: I-tap ang Overview Overview. Mag-swipe pakanan hanggang mahanap mo ang gusto mong app. I-tap ito.
  • 2-button na navigation (Pixel 3a at mas luma): Para magpalipat-lipat sa 2 mong pinakahuling ginamit na app, mag-swipe pakanan sa Home Home.

Mula sa task bar (Pixel Fold lang)

Para mabilis na magpalipat-lipat sa mga app, puwede kang mag-tap ng icon ng app sa task bar.

  • Sa pinakaibaba ng screen, mag-swipe pataas nang kaunti para makita ang task bar.
  • Kapag pumili ng bagong app, awtomatikong magko-collapse ang task bar.
Puntahan ang lahat ng iyong app
  • Navigation gamit ang galaw: Mag-swipe pataas mula sa pinakaibaba o gitna ng iyong home screen.
  • 3-button na navigation: Mag-swipe pataas mula sa pinakaibaba o gitna ng iyong home screen.
  • 2-button na navigation: Mag-swipe pataas mula sa gitna ng iyong home screen.
Maghanap sa iyong telepono (Pixel 4a at mas bago, kasama ang Fold)

Gamit ang paghahanap sa iyong Pixel phone, makakapaghanap ka ng content sa Pixel device mo at sa web.  

  • Web: Mga resulta ng paghahanap online 
  • Mga App: Mga application at content mula sa mga app
  • Mga Contact: Mga contact mo at ang mga app na ginagamit mo para makipag-ugnayan sa kanila
  • Mga Setting: Mga setting, impormasyon, at feature ng telepono
  • Google Play Store: Mga app sa Play Store
  • Mga Screenshot: Mga thumbnail ng mga kamakailang screenshot mula sa telepono mo 
  • Google Assistant: Mga pagkilos mula sa Assistant app na magagamit para mag-set up ng mga routine, magpadala ng mga mensahe, at iba pang function
  • Mga Tip sa Pixel Phone: Mga tip, trick, at bagong feature na eksklusibo sa Pixel
  1. Sa iyong telepono, i-tap ang search bar sa home screen, o mag-swipe pataas para ipakita ang search bar. 
  2. Mag-type ng query, hanapin ang gusto mong hanapin at mag-tap sa resulta ng paghahanap para buksan ito, o mag-scroll pa para tingnan ang ibang resulta.
Circle to Search sa iyong Pixel phone

Mahalaga: Sa Pixel 8 at Pixel 8 Pro lang available ang feature na ito sa ngayon.

  • Pindutin nang matagal ang button ng home o navigation bar sa ibaba ng screen ng iyong Pixel.
  • Bilugan, i-highlight, i-scribble, o i-tap ang bahagi ng larawan o text na gusto mong hanapin.
  • Puwede kang gumamit ng multisearch para mas pinuhin pa ang iyong query. Bilugan, i-highlight, i-scribble, o i-tap lang ang isang larawan at pagkatapos ay i-type ang karagdagan mong query sa search bar, kung saan lumalabas ang text na “Idagdag sa iyong paghahanap.” Matuto pa tungkol sa multisearch.
  • Puwede kang makakuha ng Mga AI Overview sa Circle to Search batay sa iyong mga query na text o multisearch.
    • Kung nasa United States ka:
      • Available bilang default ang Mga AI Overview sa mga query na multisearch.
      • Para i-enable ang Mga AI Overview para sa mga query na text, kailangan mong mag-opt in sa Mga AI Overview at higit pa sa Search Labs. Matuto pa tungkol sa Mga AI Overview at higit pa.
    • Kung wala ka sa United States:

Maglipat ng mga item

Pumili o maglipat ng mga item

Mag-tap para pumili

Para pumili o magsimula ng isang bagay sa iyong telepono, i-tap ito. Sa ilang app, puwede mong pindutin nang matagal ang text para mahanap ang mga available na pagkilos, gaya ng pagpapareserba sa restaurant o pagpapatugtog ng kanta.

I-tap para mag-type

Para mag-type ng anuman, mag-tap kung saan mo gustong mag-type. Makakakita ka ng magbubukas na keyboard.

Pindutin nang matagal

Pindutin nang matagal ang isang item sa screen. Pagkatapos tumugon ng item, iangat ang iyong daliri.

I-drag

Pindutin nang matagal ang isang item. Nang hindi inaangat ang iyong daliri, igalaw ang daliri mo sa screen. Kapag nasa tamang lugar na ang iyong daliri, iangat ito. Halimbawa, maaari kang magpalipat-lipat ng mga app sa iyong Home screen sa pamamagitan ng pag-drag sa mga ito.

Mag-swipe o mag-slide

Mabilis na igalaw ang iyong daliri sa screen nang hindi humihinto. Halimbawa, puwede kang mag-swipe ng Home screen pakaliwa o pakanan para mahanap ang iba mo pang Home screen.

Baguhin ang laki at direksyon ng mga item

Mag-double tap para baguhin ang laki

Sa ilang page, gaya ng webpage o mapa, mag-tap nang dalawang beses para lumapit ("mag-zoom in").

Mag-pinch at mag-spread para baguhin ang laki

Sa ilang app, gumamit ng 2 o higit pang daliri sa screen para baguhin ang laki. Para paliitin, i-pinch papalapit ang iyong mga daliri. Upang palakihin, paglayuin ang mga ito.

I-rotate

Habang iniikot mo ang iyong telepono, makakapag-rotate din ang karamihan sa mga screen. Para i-on o i-off ang pag-rotate, mag-swipe pababa mula sa itaas gamit ang 2 daliri at i-tap ang I-auto rotateI-rotate.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
18073771724591264615
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false