Ibalik ang iyong binili sa Google Store

Kung kwalipikado ang iyong item, puwede mo itong ibalik. Para malaman kung kwalipikado ka, makipag-ugnayan sa customer support.

Kung kwalipikado, puwede mong ibalik ang iyong item para mapalitan. Para malaman kung kwalipikado ka, makipag-ugnayan sa customer support.

Simulan ang iyong pagbabalik

  1. Hanapin ang order na may item na gusto mong ibalik sa iyong History ng Order.
  2. Sa ilalim ng order, piliin ang Tingnan o i-edit ang order.
  3. Sa page na "Mga Detalye ng Order," pumunta sa iyong order.
  4. Sa iyong order, piliin ang Ibalik.

Tip: Kung hindi mo maibalik ang isang item, napalipas mo na ang 14 na araw na limitasyon para sa pagbabalik o hindi pa na-dispatch ang tagahatid ng delivery mo. Kung hindi pa ito na-dispatch, puwede mong kanselahin o palitan ang iyong order.

Maghanda sa pag-ship ng ibabalik mo

I-ship ang iyong item nang may naka-print na label ng shipping

Hakbang 1: Ihanda ang iyong label ng shipping at return slip

Para i-print ang iyong label ng delivery, i-click ang I-print ang label ng shipping at pagkatapos ay I-print ang return slip.

  • Makakatanggap ka rin ng email na naglalaman ng impormasyong ito.
  • Para makita ang label ng shipping, hanapin sa iyong email ang numero ng RMA.
  • Para i-print ang iyong label ng shipping, bumalik sa Mga Detalye ng Order.
Hakbang 2: Ihanda ang package ng ibabalik mo

Mahalaga: Ilipat, i-back up, o burahin ang lahat ng data sa item at pagkatapos ay i-reset ito sa mga factory setting. Hindi responsibilidad ng Google ang paggamit o paghahayag ng data sa item.

  1. Isama ang mga item na ito sa iyong package:
    • Ang kahong pinaglagyan ng binili mo.
    • Ang item o accessory.
    • Kung kwalipikado para sa refund: Isama ang ibang accessory, dokumentasyon, at anupamang kasama ng item.
    • Kung kwalipikado para sa pagpapapalit: Isama lang ang item na ipapapalit mo.
    • Ang return slip mula sa email ng kumpirmasyon ng iyong pagbabalik.
  2. Alisin ang mga item na ito sa iyong package:
    • SIM card
    • Mga case ng item
    • Mga extended battery
    • Mga accessory na hindi kasamang dumating ng item
Hakbang 3: Ipadala ang iyong item pabalik sa Google

Tiyaking nasa orihinal na kundisyon nito ang item na ibabalik mo. Sundin ang mga tagubilin sa email ng Suporta sa Google Store o sa iyong History ng Order.

  • Kung kwalipikado para sa refund: Pagkatapos masuri ang ibinalik na produkto, posibleng abutin nang 1-14 na business day ang pag-refund.
  • Kung kwalipikado para sa pagpapapalit: Pagkatapos matanggap at masuri ng item, magpapadala ng pamalit na item.

Tip: Hindi mo magagamit ulit ang isang pampromosyong code pagkatapos maibalik ang item.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11131017871966141985
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false