Ayusin ang sarili mong Pixel phone o Pixel Tablet

Kapag kailangan mong ayusin ang iyong Pixel phone o Pixel Tablet, hindi ka na limitado sa mga opsyong walk-in at mail-in.Puwedeng ikaw mismo ang mag-ayos sa mga device na ito.

Tip: Inirerekomendang mga user lang na may nauugnay na teknikal na experience ang mag-ayos ng kanilang mga device.

Kumuha ng mga lehitimong reserbang piyesa

Para ikaw mismo ang mag-ayos ng Pixel phone o Pixel Tablet, puwede kang kumuha ng mga lehitimong piyesa ng Google mula sa iFixit.

Availability:

  • Mga Device: Pixel 2 at mas bago, Pixel Fold, at Pixel Tablet
  • Mga Lokasyon: US, UK, Canada, Australia, at mga bansa o rehiyon sa Europe kung saan available ang Pixel phone at Pixel Tablet

Bumili ng mga gamit at tool para sa pag-aayos (Pixel phone lang)

Makakakuha ka ng mga karaniwang tool sa pag-aayos mula sa iyong online o lokal na tindahan ng pag-aayos o retail outlet. Puwede ka ring bumili ng mga propesyonal na gamit at tool para sa pag-aayos sa Shyft Services. Ang Shyft Services ay pinagkakatiwalaang distributor na nagbebenta ng mga kasalukuyang tool at gamit ng Pixel na ginagamit ng mga awtorisado naming service provider, na available na ngayon sa lahat ng consumer at repairer.

Availability:

  • Mga Device: Pixel 8 at mas bago, kabilang ang Fold
  • Mga Lokasyon: US

Gumamit ng mga manual sa pag-aayos (Pixel phone lang)

Mahalaga:

  • Kung sinusubukan mong ayusin ang iyong device nang walang nauugnay na teknikal na experience, puwede kang masugatan o baka masira mo ang iyong device. Inirerekomenda naming mga user na may nauugnay na teknikal na experience lang ang sumubok na gumawa ng mga pag-aayos nang mag-isa.
  • Kung pipiliin mong ikaw na lang ang mag-aayos, kinukumpirma mong aakuin mo ang panganib na nauugnay sa naturang pag-aayos.
  • Kung hindi mo maaayos ang iyong device nang mag-isa, ipaayos ito sa hiwalay na propesyonal na partner sa pag-aayos o sa user na may teknikal na experience.

Para serbisyuhan o ayusin ang mga isyu sa iyong device, puwede kang sumangguni sa mga tagubilin sa pag-aayos sa mga manual sa pag-aayos ng Pixel. Puwede mong kunin ang step-by-step na mga tagubiling ito:

  • Mag-ayos ng sirang Pixel device gamit ang mga lehitimong piyesa.
  • I-assemble o i-disassemble ang iyong Pixel device.
  • Mag-alis at magpalit ng mga piyesa.
  • I-extend ang itatagal ng iyong device at makatipid ng mga resource.

May makikita ring talahanayan ng mga compatible na device at uri ng mga pag-repair sa manual.

Maghanap at mag-download ng mga manual sa pag-repair para sa iyong device.

Availability:

  • Mga Device: Pixel 6a at mas bago
  • Mga Wika: English at French

Gumamit ng mga diagnostic at tool para sa software (Pixel phone lang)

Bago at pagkatapos ng pag-aayos, mainam kung ida-diagnose mo ang functionality ng iyong device. Para magsagawa ng mga diagnostic sa iyong Pixel device, puwede mong i-access ang Diagnostics App.

Built-in ang Pixel Diagnostic app sa bawat Pixel phone at idinisenyo ito para makatulong na i-assess ang kalagayan ng paggana ng iyong telepono.

Para ilunsad ang app na ito, sumangguni sa gabay na ito: I-download ang user manual ng Pixel Diagnostic Tool.

Availability:

  • Mga Device: Lahat ng Pixel phone (English lang)
  • Mga Lokasyon: US
  • Mga Wika: English

Mga Tagubilin para sa Pag-access:

  1. Siguraduhing nakakonekta ang Pixel phone mo sa internet.
  2. Buksan ang iyong app na Telepono .
  3. I-tap ang Dialpad Keypad.
  4. I-dial ang sumusunod: *#*#7287#*#*
  5. Sundin ang mga mensahe sa screen.
  6. I-tap ang Kumpirmahin.
  7. Para i-update ang iyong OS at i-calibrate ang sensor para sa fingerprint sa ibaba ng display (under-display fingerprint sensor o UDFPS), pumunta sa:
    1. I-update o i-install ulit ang software ng iyong Pixel device
    2. Ikonekta ang iyong Pixel

Tip: Kung makakaranas ka ng mga problema sa pag-calibrate sa iyong sensor para sa fingerprint sa ibaba ng display, sumangguni sa Mga Tip sa Pag-troubleshoot na nasa ibaba ng Update at Pag-aayos ng Software.

Humingi ng tulong sa pag-aayos mula sa propesyonal

Kung ayaw mong ikaw mismo ang mag-ayos sa iyong Pixel device, puwede mo itong ipadala o dalhin sa awtorisadong provider ng pag-repair. Alamin kung paano ipaayos ang iyong Pixel device.

Kung piliin mong ipadala ang iyong device para sa pag-aayos, may mga opsyon para sa pagpapanatili ng privacy:

Pixel Repair Mode: Para bigyang-daan ang pag-aayos at para maprotektahan ang iyong privacy bilang may-ari ng device, i-on ang Pixel Repair Mode bago ka gumawa ng anumang pag-aayos at mga diagnostic.

Availability:

  • Mga Device: Lahat ng Pixel phone (English lang)
  • Mga Lokasyon: US, UK, Canada, Australia, at mga bansa o rehiyon sa Europe kung saan available ang mga Pixel device

Para sa suporta sa Pixel Tablet, alamin kung paano maghain ng habol sa warranty.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11797479027021173090
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false