I-explore ang camera ng iyong Pixel Fold

May 5 camera ang Google Pixel Fold: tatlo sa rear camera bar na may mga wide, ultra-wide, at telephoto lens, at dalawang camera, isa sa labas at isa sa loob.

Puwede mong gamitin ang bagong tabletop mode at foldable na format para kumuha ng mga larawan ng grupo at mga hands-free na larawan ng langit sa gabi.

Kumuha ng Selfie sa Rear Camera
  1. Sa iyong Pixel Fold, buksan ang Camera app Google Camera.
  2. Para lumipat sa camera sa likod, i-tap ang Camera sa likod .
  3. Lilipat ang display ng camera sa panlabas na display.
  4. Sundin ang mga tagubilin sa screen.
    1. Kung naka-fold ang iyong telepono, i-unfold ito para nakaharap sa iyo ang display sa labas at mga camera sa likod.
    2. Kung hindi nakatupi ang iyong telepono, i-flip ang telepono pakabila para nakaharap sa iyo ang mga camera sa likod.
  5. Pindutin ang button ng shutter para kumuha ng selfie habang tinitingnan ang iyong sarili sa panlabas na display.

Tip: Alamin ang tungkol sa iba pang paraan para mag-selfie.

Kumuha ng larawan ng grupo gamit ang tabletop mode
  1. Sa iyong Pixel Fold, buksan ang Camera app Google Camera.
  2. Itupi ang iyong telepono sa hugis L (o tabletop mode).
  3. Ilagay ang iyong telepono sa isang surface nang nakatapat ang mga camera sa likod sa kukunan mo. Makikita mo rin ang preview ng larawan sa screen sa labas.
  4. Para kumuha ng larawan gamit ang timer:
    • I-tap ang 3 segundo o 10 segundo . Pindutin ang shutter button at pagkatapos ay pumasok sa larawan.

Tip: Puwede mo ring i-trigger ang shutter button kapag itinaas mo ang iyong kamay kapag nakapag-set ka na ng timer. Alamin kung paano gamitin ang Palm Timer.

Kumuha ng hands-free na larawan gamit ang iyong boses

Mahalaga: Kailangang na-set up mo na ang Google Assistant. Alamin kung paano mag-set up ng Google Assistant.

  1. Buksan ang Camera app Google Camera.
  2. Ilagay ang iyong device sa patag na surface o tumayo at lumayo, at pumasok sa frame ng camera.
  3. Para magsimula ng timer ng camera gamit ang iyong boses, sabihin ang "OK, Google, take a picture (OK, Google, kumuha ng larawan)." Pagkatapos ng 3 segundong pagkaantala, kukuha ng larawan ang iyong telepono.

Tip: Alamin kung paano i-edit ang iyong mga larawan ng grupo at alisin ang mga hindi gustong abala sa background.

Astrophotography Mode

Puwede kang mag-capture ng mga mataas na kalidad na larawan ng mga bagay sa kalawakan at ng langit sa gabi sa Astrophotography Mode.

  1. Sa iyong Pixel Fold, buksan ang Camera app Google Camera.
  2. I-tap ang Night Sight.
  3. I-unfold ang iyong telepono sa hugis L at ilagay ito sa patag na surface.
  4. Maghintay nang ilang segundo.
  5. Kapag nakapirmi at handa na ang iyong telepono, magpapakita ito ng mensaheng nagsasabing “Naka-on ang astrophotography.”
  6. I-tap ang I-capture Night Sight.
  7. Magpapakita ng timer ng countdown ang iyong telepono. Huwag hawakan ang iyong telepono hanggang sa matapos ito sa pagkuha ng larawan.
    • Para ihinto ang pagkuha ng larawan, i-tap ang Ihinto Ihinto.

Tip: Para i-save ang iyong mga full length na file sa mataas na kalidad, puwede mong i-on ang time lapse para sa astrophotography sa Pixel 4. Matuto pa tungkol sa pagpapahusay ng kalidad ng iyong mga low light at nighttime na larawan.

I-enable ang Time lapse para sa Astrophotography.
  1. Sa iyong Pixel Fold, buksan ang Camera app Google Camera.
  2. Sa kaliwang bahagi sa ibaba, i-tap ang Mga Setting .
  3. I-tap ang Higit pang setting at pagkatapos ay I-tap ang Advanced.
  4. I-on ang I-enable ang time lapse para sa astrophotography.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6821188526404130065
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false