Matuto pa tungkol sa Mga Serbisyo sa Mga Setting sa iyong Pixel phone

Ginagamit ng app na Mga Setting ng iyong telepono ang pangunahing software ng system na tinatawag na Mga Serbisyo sa Mga Setting. Pinapayagan ng software ang pag-set up, pagkonekta, at pag-customize para sa mga setting sa iyong telepono at ilang setting ng app.

Nagbibigay ang system ng mga pahintulot sa Mga Serbisyo sa Mga Setting para sa mga bagay tulad ng pagpapakita ng impormasyon tungkol sa mga koneksyon ng network at nakakonektang device, pagtatakda ng mga panuntunan para sa kung kailan ia-activate ang mode na huwag istorbohin, o pagpapadala ng mga notification.

Mga uri ng mga pahintulot

Koneksyon ng mobile network
Sinusuri ng Mga Serbisyo sa Mga Setting kung nakakonekta sa mobile network ang iyong telepono.
Mga nakakonektang device
Nagbibigay-daan ang pahintulot na ito na magpakita ang mga widget ng impormasyon ng status para sa iyong telepono at mga device nitong nakakonekta sa Bluetooth.
Mga Notification
Nagpapakita ang Mga Serbisyo sa Mga Setting ng mga notification at update sa status. May mga kaukulang kagustuhan sa mga setting ang iba't ibang notification. Alamin kung paano kontrolin ang mga notification sa Android.
Lokasyon

Makakatulong ang Mga Panuntunan na i-automate ang mga pagbabagong nakabatay sa lokasyon na regular mong ginagawa sa Mga Setting, tulad ng pag-silent ng iyong telepono kapag dumarating ka sa trabaho. Palaging kailangan ng Mga Panuntunan ng access sa lokasyon para gumana nang tama. Nananatili sa iyong telepono ang data ng lokasyon at hindi ito ipinapadala sa Google. Puwede mong baguhin ang mga pahintulot sa lokasyon at mga setting ng Mga Pahintulot.

Baguhin ang pahintulot sa lokasyon

  1. Sa iyong telepono, buksan ang app na Mga Setting.
  2. I-tap ang Lokasyon at pagkatapos ay Mga pahintulot sa lokasyon ng app.
  3. I-tap ang Menu Menu at pagkatapos ay Ipakita ang system at pagkatapos ay Mga serbisyo sa mga setting.
  4. Sa ilalim ng “Access sa lokasyon para sa app na ito,” pumili ng setting:
    • Palaging payagan.
    • Payagan lang kapag ginagamit ang app.
    • Itanong palagi.
    • Huwag payagan.
  5. I-on o i-off ang Gamitin ang eksaktong lokasyon.

Baguhin ang mga setting ng Mga Panuntunan

  1. Sa iyong telepono, buksan ang app na Mga Setting.
  2. I-tap ang System at pagkatapos ay Mga Panuntunan.
  3. I-on o i-off ang Palaging payagan ang lokasyon para sa mga panuntunan.
  4. I-on o i-off ang Awtomatikong magmungkahi ng mga panuntunan.

Paano ginagamit ng Google ang iyong impormasyon

Kung naka-on ang setting ng paggamit at mga diagnostic ng iyong telepono, posibleng mangolekta ang Google ng ilang impormasyon para masuri at mapaganda ang iyong karanasan. Halimbawa, posibleng mangolekta ang Mga Serbisyo sa Mga Setting ng ID ng telepono o ibang ID, mga pakikipag-ugnayan sa app, mga log ng pag-crash, at mga diagnostic. Naka-encrypt ang data habang ipinapadala at ginagamit ng Google ang data na ito alinsunod sa Patakaran sa Privacy ng Google. Matuto pa tungkol sa pagbabahagi ng impormasyon sa paggamit at mga diagnostic sa Google.

Baguhin ang setting ng paggamit at mga diagnostic

  1. Sa iyong telepono, buksan ang app na Mga Setting.
  2. I-tap ang Privacy at pagkatapos ay Paggamit at mga diagnostic.
  3. I-on o i-off ang Paggamit at mga diagnostic.

Matuto pa tungkol sa access sa data sa Help Center.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15083558971760173891
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false