Alamin kung paano gamitin ang Google Photos sa pamamagitan ng step-by-step na gabay na ito. Ang ilang bagay na malalaman mo ay:
- Paano maghanap sa iyong mga larawan
- Paano magdagdag ng mga filter
- Paano mag-restore ng mga na-delete na larawan
Hakbang 1: I-download ang app, pagkatapos ay kumuha ng larawan
- I-install ang Google Photos app.
- Pagkatapos i-install ang app, kunan ng larawan ang iyong sarili o ang paligid mo.
Hakbang 2: Mabilis na maghanap ng mga larawan
Kapag binuksan mo ang Google Photos app, makikita mo ang lahat ng larawan at video na nasa iyong account.
Subukan nating maghanap ng mga larawan:
Hanapin ang larawang kakakuha mo lang- Buksan ang Google Photos app .
- Sa ibaba, i-tap ang Mga Larawan .
- Dapat mong makita sa itaas ang larawang kakakuha mo lang. Subukang mag-scroll pababa para makita kung ano pa ang nandoon.
Mag-isip ng isang mahalagang larawan na nasa iyong telepono o tablet. Subukang alalahanin ang isang bagay sa larawan, tulad ng aso, beach, o kung nasaan ka noon.
- Sa ibaba, i-tap ang Maghanap .
- Sa Search bar sa itaas, i-type ang pangalan ng bagay na nasa mga larawan, tulad ng "beach" o "aso."
- Tip: Puwede mo ring i-tap ang isa sa mga suhestyon sa paghahanap na nasa page.
- Sa kanang bahagi sa ibaba ng keyboard, i-tap ang Hanapin. Baka iba-iba ito sa bawat device.
Alamin kung paano maghanap ng mga tao, bagay, at lugar sa iyong mga larawan.
Hakbang 3: Mag-edit ng mga larawan at video
Gamitin natin ang larawan o video na kakakuha mo lang at dagdagan ito ng ilang dekorasyon.
Hakbang 4: Ibahagi ang iyong larawan sa iba
Gamitin natin ang larawang kakatapos mo lang i-edit at ibahagi natin iyon sa isang tao.
- Nasa screen mo pa rin dapat ang kaka-edit mo lang na larawan.
- Sa ibaba, i-tap ang .
- Pumili ng contact, o gumawa ng bagong grupong papadalhan sa Google Photos.
Alamin ang higit pang paraan para magbahagi ng mga larawan at video.
Hakbang 5: Mag-delete ng mga malabo o hindi gustong larawan
Kumuha ng 3 pang larawan sa iyong telepono o tablet. Piliin natin ang pinakamaganda at i-delete ang iba pa.
Mag-delete ng mga hindi gustong larawan- Buksan ang Google Photos app .
- Sa ibaba, i-tap ang Mga Larawan . Dapat mong makita ang 3 larawang kakakuha mo lang.
- Buksan ang bawat larawan at piliin ang pinakagusto mo. Kapag tapos ka na, bumalik sa pangunahing screen ng Photos.
- Pindutin nang matagal ang isang larawang gusto mong ilipat sa trash. Pumili ng isa pang larawang gusto mong ilipat sa trash.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang I-delete .
Kung na-on mo ang pag-back up, ang mga bagay na inilipat mo sa trash ay malilipat din sa trash sa anupamang lugar kung saan mo ginagamit ang Google Photos, kaya isang beses mo lang kailangang gawin ang mga pagbabago. Alamin ang higit pang paraan para mag-delete ng mga larawan at video.
Ipagpalagay mong nagbago ang iyong isip at gusto mong ibalik ang isa sa mga larawang iyon.
- Sa ibaba, i-tap ang Library Trash. Puwedeng i-recover ang lahat ng nakikita mo sa iyong trash, pero permanenteng made-delete ang mga item pagkalipas ng 60 araw sa trash.
- Pindutin nang matagal ang larawang kaka-delete mo lang.
- Sa ibaba, i-tap ang I-restore. Ibabalik nito ang larawan sa seksyong Mga Larawan ng app.
Alamin ang higit pang paraan para mag-restore ng mga larawan at video.
Mga setting ng data ng aktibidad
Mas i-personalize ang iyong experience sa PhotosBinibigyang-daan ng setting ng pag-personalize base sa aktibidad ang Google Photos na magpakita sa iyo ng mga mas naka-personalize na alaala base sa kung paano ka nakikipag-ugnayan sa mga feature sa Photos. Para mas i-personalize ang iyong experience sa mga alaala, gumagamit ang Photos ng impormasyon tulad ng mga uri ng mga alaala na tinitingnan o nilalaktawan mo.
Naka-on bilang default ang setting na ito, at puwede mo itong i-off anumang oras. Kung naka-off ang setting, magkakaroon ka pa rin ng access sa lahat ng iyong larawan at video at mae-enjoy mo ang mga benepisyo ng mga feature sa buong Photos, pero hindi mo mae-experience ang karagdagang pag-personalize base sa iyong aktibidad.
Para i-on o i-off ang setting na ito:
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Photos app .
- Sa itaas, i-tap ang iyong Larawan sa profile o Inisyal.
- I-tap ang Mga setting ng Google Photos Privacy Data ng aktibidad sa Google Photos.
- I-on o i-off ang Pag-personalize base sa aktibidad.
Tip: Kung io-off mo ang Pag-personalize base sa aktibidad, made-delete ang iyong data ng aktibidad na ginamit para mas i-personalize ang experience mo. Hindi ide-delete ng pagkilos na ito ang anumang content gaya ng mga larawan o video at hindi nito maaapektuhan ang iyong access sa mga kasalukuyang feature ng Google Photos tulad ng mga alaala at paggawa.
Matuto tungkol sa mga bagong feature sa Google Photos
Mahalaga: Inilulunsad ang mga bagong feature sa pinakabagong bersyon ng Google Photos app. May makikita kang impormasyon tungkol sa pinakabagong bersyon ng app sa Help Center ng Google Photos.
Paunti-unting inilulunsad ang mga bagong feature. Kung may hindi ka makitang bagong feature, hanapin ito ulit sa mga susunod na linggo. Kung hindi mo pa rin makita ang isang feature, posibleng hindi ito available sa iyong bansa o rehiyon sa ngayon.
Kung sa tingin mo ay available sa iyong bansa o rehiyon ang isang feature pero hindi mo pa rin ito makita, subukan ang sumusunod:
- Mag-upgrade sa pinakabagong bersyon ng Google Photos app.
- Tiyaking nakakonekta ka sa Wi-Fi at may available kang storage ng device.
- Kung may hindi ka makitang bagong tool sa pag-edit, posibleng kailangan mong i-download muna ito.
- Isara at buksan ulit ang app.