Magsimula sa Google Photos

Alamin kung paano gamitin ang Google Photos sa pamamagitan ng step-by-step na gabay na ito. Ang ilang bagay na malalaman mo ay:

  • Paano maghanap sa iyong mga larawan
  • Paano magdagdag ng mga filter
  • Paano mag-restore ng mga na-delete na larawan

Hakbang 1: I-download ang app, pagkatapos ay kumuha ng larawan

  1. I-install ang Google Photos app.
  2. Pagkatapos i-install ang app, kunan ng larawan ang iyong sarili o ang paligid mo.

Hakbang 2: Mabilis na maghanap ng mga larawan

Kapag binuksan mo ang Google Photos app, makikita mo ang lahat ng larawan at video na nasa iyong account.

Subukan nating maghanap ng mga larawan:

Hanapin ang larawang kakakuha mo lang
  1. Buksan ang Google Photos app Photos.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Mga Larawan Photos.
  3. Dapat mong makita sa itaas ang larawang kakakuha mo lang. Subukang mag-scroll pababa para makita kung ano pa ang nandoon.
Maghanap ng mahalagang larawan mula sa iyong nakaraan

Mag-isip ng isang mahalagang larawan na nasa iyong telepono o tablet. Subukang alalahanin ang isang bagay sa larawan, tulad ng aso, beach, o kung nasaan ka noon.

  1. Sa ibaba, i-tap ang Maghanap .
  2. Sa Search bar sa itaas, i-type ang pangalan ng bagay na nasa mga larawan, tulad ng "beach" o "aso."
    • Tip: Puwede mo ring i-tap ang isa sa mga suhestyon sa paghahanap na nasa page.
  3. Sa kanang bahagi sa ibaba ng keyboard, i-tap ang Tapos na Done. Baka iba-iba ito sa bawat device.

Alamin kung paano maghanap ng mga tao, bagay, at lugar sa iyong mga larawan.

Hakbang 3: Mag-edit ng mga larawan at video

Gamitin natin ang larawan o video na kakakuha mo lang at dagdagan ito ng ilang dekorasyon.

Hakbang 4: Ibahagi ang iyong larawan sa iba

Gamitin natin ang larawang kakatapos mo lang i-edit at ibahagi natin iyon sa isang tao.

  1. Nasa screen mo pa rin dapat ang kaka-edit mo lang na larawan.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Ibahagi.
  3. Pumili ng contact, o gumawa ng bagong grupong papadalhan sa Google Photos.

Alamin ang higit pang paraan para magbahagi ng mga larawan at video.

Hakbang 5: Mag-delete ng mga malabo o hindi gustong larawan

Kumuha ng 3 pang larawan sa iyong telepono o tablet. Piliin natin ang pinakamaganda at i-delete ang iba pa.

Mag-delete ng mga hindi gustong larawan
  1. Buksan ang Google Photos app Photos
  2. Sa ibaba, i-tap ang Mga Larawan Photos. Dapat mong makita ang 3 larawang kakakuha mo lang.
  3. Buksan ang bawat larawan at piliin ang pinakagusto mo. Kapag tapos ka na, bumalik sa pangunahing screen ng Photos.
  4. Pindutin nang matagal ang isang larawang gusto mong ilipat sa trash. Pumili ng isa pang larawang gusto mong ilipat sa trash.
  5. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang I-delete I-delete.

Kung na-on mo ang pag-back up, ang mga bagay na inilipat mo sa trash ay malilipat din sa trash sa anupamang lugar kung saan mo ginagamit ang Google Photos, kaya isang beses mo lang kailangang gawin ang mga pagbabago. Alamin ang higit pang paraan para mag-delete ng mga larawan at video.

Mag-restore ng larawan

Ipagpalagay mong nagbago ang iyong isip at gusto mong ibalik ang isa sa mga larawang iyon.

  1. Sa ibaba, i-tap ang Library at pagkatapos ay Trash. Puwedeng i-recover ang lahat ng nakikita mo sa iyong trash, pero permanenteng made-delete ang mga item pagkalipas ng 60 araw sa trash.
  2. Pindutin nang matagal ang larawang kaka-delete mo lang.
  3. Sa ibaba, i-tap ang I-restore. Ibabalik nito ang larawan sa seksyong Mga Larawan ng app.

Alamin ang higit pang paraan para mag-restore ng mga larawan at video.

Mga setting ng data ng aktibidad

Mas i-personalize ang iyong experience sa Photos

Binibigyang-daan ng setting ng pag-personalize base sa aktibidad ang Google Photos na magpakita sa iyo ng mga mas naka-personalize na alaala base sa kung paano ka nakikipag-ugnayan sa mga feature sa Photos. Para mas i-personalize ang iyong experience sa mga alaala, gumagamit ang Photos ng impormasyon tulad ng mga uri ng mga alaala na tinitingnan o nilalaktawan mo.

Naka-on bilang default ang setting na ito, at puwede mo itong i-off anumang oras. Kung naka-off ang setting, magkakaroon ka pa rin ng access sa lahat ng iyong larawan at video at mae-enjoy mo ang mga benepisyo ng mga feature sa buong Photos, pero hindi mo mae-experience ang karagdagang pag-personalize base sa iyong aktibidad.

Para i-on o i-off ang setting na ito:

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Google Photos app Photos.
  2. Sa itaas, i-tap ang iyong Larawan sa profile o Inisyal.
  3. I-tap ang Mga setting ng Photos at pagkatapos ay Privacy at pagkatapos ay Data ng aktibidad sa Google Photos.
  4. I-on o i-off ang Pag-personalize base sa aktibidad.

Tip: Kung io-off mo ang Pag-personalize base sa aktibidad, made-delete ang iyong data ng aktibidad na ginamit para mas i-personalize ang experience mo. Hindi ide-delete ng pagkilos na ito ang anumang content gaya ng mga larawan o video at hindi nito maaapektuhan ang iyong access sa mga kasalukuyang feature ng Google Photos tulad ng mga alaala at paggawa.

Payagan ang default na gallery ng iyong device na mag-integrate sa Google Photos

Puwede mong payagan ang Google Photos na magbigay ng access sa default na gallery ng iyong device. Matuto pa tungkol sa pag-access sa gallery ng device.

Tungkol sa pag-access sa default na gallery ng device

Kapag pinayagan mo ang Google Photos na magbigay ng access sa default na gallery ng iyong device:

  • Bibigyan mo ng pahintulot ang Photos na ibahagi ang impormasyon ng account sa gallery app, gaya ng email address at status ng Auto Backup sa Photos.
  • Puwede mong i-access ang lahat ng larawang na-back up sa Google Photos sa default na gallery app ng iyong device.

Para magamit ang feature na ito, dapat ay mayroon kang:

  • Device na sumusuporta ng pag-access sa default na gallery. Mga sinusuportahang manufacturer:
    • Xiaomi
    • Oppo, OnePlus, o Realme
  • Pinakabagong bersyon ng Google Photos app.
  • Android 11 o mas bago.

Kapag binuksan mo ang Photos o ang default na gallery app ng iyong device, posibleng makatanggap ka ng pop-up na kahilingan para sa pag-access sa gallery.

  1. Para mapamahalaan ang access ng default na gallery app ng iyong device sa data ng user sa Google Photos, i-tap ang Huwag payagan o Payagan.
  2. Para mapamahalaan ang access pagkatapos, puwede mong tingnan ang mga setting ng Photos o ang mga setting ng default na gallery app ng iyong device.
I-off ang access sa default na gallery ng device

Para i-off ang access sa default na gallery ng device:

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Google Photos app Photos.
  2. Mag-sign in sa iyong Google Account.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong Larawan sa profile o Inisyal.
  4. I-tap ang Mga setting ng Google Photos Mga Setting at pagkatapos ay Mga app at device at pagkatapos ay Access sa Google Photos.
  5. I-tap ang pangalan ng default na gallery app ng device.
  6. Piliin ang Alisin ang access.
I-on ang access sa default na gallery ng device

Mahalaga: Para magawa ng default na gallery app ng iyong device na i-access ulit ang data ng user sa Google Photos, dapat mong gamitin ang default na gallery app ng device. Posibleng mag-refer ang default na gallery app ng iyong device sa access sa Google Photos bilang “cloud-sync” o “cloud-backup.”

Kung iki-clear mo ang data ng iyong Photos app, ia-uninstall mo ang Photos, ire-reset mo ang iyong device, o kukuha ka ng bagong device, dapat mong payagan ulit ang access sa gallery. Para i-on ang access sa default na gallery ng device:

  1. Sa iyong Android device, buksan ang default na gallery app ng device.
  2. Pumunta sa Mga Setting.
  3. Para mabigyan ng pahintulot ang Google Photos na magbahagi ng data sa default na gallery app ng device, sundin ang mga tagubilin sa screen.

Matuto tungkol sa mga bagong feature sa Google Photos

Mahalaga: Inilulunsad ang mga bagong feature sa pinakabagong bersyon ng Google Photos app. May makikita kang impormasyon tungkol sa pinakabagong bersyon ng app sa Help Center ng Google Photos.

Paunti-unting inilulunsad ang mga bagong feature. Kung may hindi ka makitang bagong feature, hanapin ito ulit sa mga susunod na linggo. Kung hindi mo pa rin makita ang isang feature, posibleng hindi ito available sa iyong bansa o rehiyon sa ngayon.

Kung sa tingin mo ay available sa iyong bansa o rehiyon ang isang feature pero hindi mo pa rin ito makita, subukan ang sumusunod:

  1. Mag-upgrade sa pinakabagong bersyon ng Google Photos app.
  2. Suriin ang mga requirement sa bersyon ng Android.
  3. Tiyaking nakakonekta ka sa Wi-Fi at may available kang storage ng device.
  4. Kung may hindi ka makitang bagong tool sa pag-edit, posibleng kailangan mong i-download muna ito.
  5. Isara at buksan ulit ang app.

Tip: Kung may hindi ka pa rin makitang bagong feature o gusto mong ipaalam sa amin ang opinyon mo tungkol sa mga feature ng Photos, puwede kang magpadala sa amin ng feedback. Sa kasamaang-palad, hindi kami makakapagbigay ng mga indibidwal na sagot sa feedback. Kung nakakaranas ka ng mas mahalagang isyu o kailangan mong mag-ulat ng pang-aabuso, alamin kung paano mag-block at mag-ulat sa Google Photos.

Mga kaugnay na resource

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15196503265528578769
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
105394
false
false