Puwede kang magbahagi ng mga larawan, video, album, at video ng mga highlight sa sinuman sa iyong mga contact, kahit na hindi sila gumagamit ng Google Photos app.
Bago ka magsimula
- Sa iyong mobile device, buksan ang Google Photos app
.
- Mag-sign in sa iyong Google Account.
- Sa ibaba, i-tap ang Mga Larawan.
- Piliin ang mga larawan o video para sa album.
- Sa itaas, i-tap ang Magdagdag
.
- I-tap ang Nakabahaging album.
- Maglagay ng pamagat ng album.
- Kapag kumpleto na ang album, i-tap ang Ibahagi.
- Piliin kung kanino mo ibabahagi ang iyong album.
Mahalaga:
- Puwede kang magbahagi sa sinumang may Google Account kung nasa mga contact mo siya o sa pamamagitan ng paghahanap gamit ang kanyang email address o numero ng telepono. Para sa iba pa, puwede kang gumawa ng link na ibabahagi.
- Kapag nagbahagi ka ng link ng iyong album, matitingnan ng sinumang may link ang mga larawan at makakapagdagdag sila sa album. Alamin kung paano nakakapagbigay ng higit pang privacy sa mga larawan mo ang mga kontrol sa pagbabahagi.
- Kung nagbabahagi ka ng album na awtomatikong nagdaragdag ng mga larawan ng mga pangkat ng mukha, makikita ng sinumang may access sa album ang mga larawan habang idinaragdag ang mga ito.
- Sa iyong mobile device, buksan ang Google Photos app
.
- Mag-sign in sa iyong Google Account.
- Pumili ng larawan, album, o video.
- I-tap ang Ibahagi
.
- Sa ilalim ng “Ibahagi sa mga app,” pumili ng isa pang app kung saan magbabahagi. Mag-swipe pakaliwa para humanap pa ng mga app.
- Para gumawa at magbahagi ng link, i-tap ang Gumawa ng link.
Matitingnan ng sinumang mayroon ng nakabahaging link ang album. Alamin kung paano baguhin ang iyong mga opsyon sa pagbabahagi.
Matuto pa tungkol sa nangyayari kapag nagbahagi ka ng mga larawan at video
- Kapag nagpadala ka sa isang contact sa Google Photos:
- Makakatanggap ang mga contact na nabahagian mo na ng notification sa app at push notification mula sa app. Lalabas sa kanilang page na Mga Update ang ibinahaging item.
- Kapag nagbahagi ka ng bagong album o pag-uusap sa kanila, makakatanggap din sila ng notification sa email.
- Idaragdag sa album o pag-uusap ang "Larawan sa profile" o "Inisyal" ng kanilang account at magmumukha itong faded hanggang sa matingnan nila ang album o pag-uusap.
- Kapag tiningnan nila ang album o pag-uusap, lalabas ang "Larawan sa profile" o "Inisyal" ng kanilang account sa view ng aktibidad sa tabi ng mga pinakabagong larawan, komento, o like na nakita nila.
- Kung sasali sila sa nakabahaging album o magla-like, magkokomento, o magdaragdag sila ng mga larawan sa nakabahaging album o pag-uusap, magiging "Larawan sa profile" o "Inisyal" ng account nila ang kanilang larawan sa profile.
- Kapag nagdagdag ka ng mga larawan o video sa mga album o pag-uusap, lalabas ang "Larawan sa profile" o "Inisyal" ng iyong account sa tabi ng mga pinakabagong larawang idinagdag mo.
- Kung nagbabahagi ka ng video na slow motion o may mga bahaging slow motion, puwedeng makita ng iba ang anumang bahagi ng video nang mas mabagal sa sarili nilang player.
- Kung mag-e-edit ka ng larawan na dati mong ibinahagi sa pamamagitan ng pagbabahagi ng link, posibleng pansamantalang makita ng mga tao ang hindi na-edit na bersyon sa pamamagitan ng orihinal na link.
- Kapag may nagbahagi sa iyo ng album o pag-uusap, makakatanggap ka ng email.
- Kung gumagamit ka na ng Google Photos, makakatanggap ka rin ng notification sa app at push notification at lalabas sa iyong page na Mga Update ang ibinahagi.
- Kapag tinignan mo ang album o pag-uusqp, iilaw ang "Larawan sa profile" o "Inisyal" ng iyong account at lalabas ito sa tabi ng mga pinakabagong larawan, komento, o like na nakita mo.
- Kung sasali ka sa nakabahaging album o magla-like, magkokomento, o magdaragdag ka ng mga larawan sa nakabahaging album o pag-uusap, lalabas ang "Larawan sa profile" o "Inisyal" ng iyong account sa tabi ng ginawa mong aksyon.
- Kung may mag-e-edit ng larawan pagkatapos niyang ibahagi ang link sa iyo, posibleng hindi kaagad ma-update ang orihinal na pagbabahagi ng link sa bagong bersyon ng larawan.
Kapag nag-save ka ng larawan o video na naibahagi sa iyo, makakatanggap ka ng kopya nito sa iyong library. Ang anumang pag-edit sa orihinal na ibinahaging larawan pagkatapos itong ma-save ay hindi mailalapat sa iyong naka-save na kopya. Ang iyong mga naka-save na larawan at video ay ibinibilang sa quota mo maliban para sa ilang partikular na instance ng pagbabahagi sa partner. Matuto pa tungkol sa pagbabahagi sa partner.
Para maghanap ng mga larawan o video sa gallery app ng iyong device, dapat mong i-download ang mga ito. Alamin kung paano mag-download ng mga larawan o video.
Para mag-save ng mga larawan at video na ibinahagi sa iyo sa isang pag-uusap:
- Sa pag-uusap, mag-scroll papunta sa larawan o video na gusto mong i-save.
- Sa ibaba ng larawan o video, i-tap ang I-save
.
Magbahagi ng mga larawan at video sa isang pag-uusap
Mahalaga: Para magbahagi ng item mula sa naka-lock na folder, alisin muna ito sa naka-lock na folder. Matuto pa tungkol sa Naka-lock na Folder.
Puwede kang direktang magbahagi sa sinumang may Google Account kung nasa mga contact mo siya o sa pamamagitan ng paghahanap ng kanyang email address o numero ng telepono. Para sa iba pa, puwede kang gumawa ng link na ibabahagi.
Kung hindi nauugnay ang numero ng telepono ng iyong contact sa kanyang Google Account, puwede mo siyang tulungang mahanap ka at makakonekta sa iyo. Kung walang Google Account ang iyong contact, puwede kang magpadala sa kanya ng link o magbahagi na lang gamit ang ibang app.
Para magbahagi sa ibang tao sa isang pag-uusap:
- Sa iyong mobile device, buksan ang Google Photos app
.
- Mag-sign in sa iyong Google Account.
- Pumili ng larawan, album, o video.
- I-tap ang Ibahagi
.
- Sa ilalim ng "Ipadala sa Google Photos," piliin ang mga taong babahagian.
- Para magbahagi sa isang tao, i-tap ang kanyang pangalan.
- Para humanap ng partikular na tao, i-tap ang Maghanap
. Ilagay ang kanyang pangalan, numero ng telepono, o email address.
- Para magbahagi sa mahigit isang tao, pumili ng maraming tao.
- (Opsyonal) Magdagdag ng mensaheng isasama sa ibabahagi mong media.
- Nagbibigay ng mga suhestyon ang Google batay sa mga interaction mo. Matuto pa tungkol sa mga suhestyon.
- Para magbahagi, i-tap ang Ipadala. Gagawa ito ng tuloy-tuloy na thread ng pag-uusap kung saan puwedeng maglagay ng mga karagdagang larawan, video, komento, at like sa paglipas ng panahon ang mga tao kung kanino ka nagbahagi.
Mga Tip:
- May limitasyong 20,000 larawan ang mga pag-uusap.
- Para itago ang isang iminumungkahing contact na pagbabahagian, pindutin nang matagal ang kanilang larawan sa profile at i-tap ang Itago ang suhestyon. Para makita ulit sila para pagbahagian ng isang bagay sa ibang pagkakataon, i-tap ang Hanapin
, ilagay ang kanilang pangalan, at i-tap ang Ipakita ang mga nakatagong suhestyon.
Puwede mo ring awtomatikong ibahagi ang iyong buong library sa iba.
Pamahalaan, suriin, o umalis sa iyong mga pag-uusap at album
- Sa iyong mobile device, buksan ang Google Photos app
.
- Sa itaas, i-tap ang Larawan sa profile o Inisyal ng iyong account
Mga setting ng Photos.
- I-tap ang Pagbabahagi
Pamahalaan ang aktibidad sa pagbabahagi.
- Tingnan ang iyong mga ibinahaging link, alaala, at pag-uusap.
- Sa iyong mobile device, buksan ang Google Photos app
.
- Sa ibaba, i-tap ang Mga Koleksyon
Mga Album.
- Para hanapin ang mga gusto mong album, magpalipat-lipat sa “Lahat,” “Ibinahagi sa akin,” at “Mga album ko.”
-
Buksan ang album na ibinahagi mo.
-
I-click ang Higit pa
Mga Opsyon.
Kapag umalis ka sa isang nakabahaging album, maaalis ang lahat ng larawan, video, komento, at like na idinagdag mo.
Para umalis sa isang album:
- I-click ang album.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa
Umalis sa album.
Kapag umalis ka sa isang nakabahaging pag-uusap, maaalis ang lahat ng larawan, video, komento, at like na idinagdag mo.
Para umalis sa isang pag-uusap:
- I-tap ang pag-uusap.
- Sa itaas, i-tap ang Higit pa
Mga Opsyon.
- Sa tabi ng iyong pangalan, i-tap ang Umalis.
Mag-alis ng mga tao o item sa mga album at pag-uusap
Ikaw dapat ang may-ari ng album para makapag-alis ka ng isang tao.
- Buksan ang gustong album.
- I-click ang Higit pa
Mga Opsyon.
- Mag-scroll para mahanap ang contact na gusto mong alisin.
- I-click ang Higit pa
Alisin ang tao.
Puwede kang mag-alis ng mga larawan at video na idinagdag mo sa mga pag-uusap at nakabahaging album.
Para mag-alis ng mga larawan at video:
- Sa nakabahaging album o thread ng pag-uusap, mag-click sa larawan o video.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa
Alisin.
Para mag-alis ng mga komento at like:
- Sa isang nakabahaging album o thread ng pag-uusap, mag-click sa komento o like.
- I-click ang I-delete.
Mga kaugnay na resource
- Gumawa at mag-edit ng mga album ng larawan
- Mag-delete ng mga larawan at video
- I-back up ang iyong mga larawan at video
- Ihinto ang pagbabahagi ng album at pamahalaan ang mga setting
- Paano nagbibigay ng higit pang privacy sa iyong mga larawan ang mga kontrol sa nakabahaging album
- Makatanggap ng mga update kapag may nagbahagi sa iyo