Tulungan ang mga taong mahanap at makaugnayan ka sa pamamagitan ng numero ng telepono

Matutulungan mo ang mga taong nakakaalam ng numero ng iyong telepono na mahanap at makaugnayan ka sa mga serbisyo ng Google.

Tulungan ang iba na makaugnayan ka sa Google gamit ang iyong numero

Maaari mong gawing madali para sa mga taong may numero ng iyong telepono na makipag-usap sa iyo sa mga serbisyo ng Google. Halimbawa, puwedeng magpadala sa iyo ng mensahe o larawan ang mga kaibigan mo nang wala ang iyong email address o iba pang impormasyon sa pakikipag-ugnayan.

  1. Pumunta sa iyong Google Account.
  2. Sa kaliwang panel ng navigation, i-click ang Personal na impormasyon.
  3. Sa ilalim ng "Impormasyon sa pakikipag-ugnayan," i-click ang Telepono.
  4. Tiyaking nakalista ang iyong kasalukuyang numero ng telepono.
  5. Sa tabi ng "Tulungan ang mga taong may numero mo na makaugnayan ka sa lahat ng serbisyo ng Google," lagyan ng check ang kahon.

Tip: Kung naka-on ang setting na ito pero hindi naka-on ang nasa ibaba, posibleng hindi makita ng mga taong gumagamit ng iyong numero para makipag-ugnayan sa iyo ang iba pang personal na impormasyon.

Tulungan ang iba na mahanap ang iyong personal na impormasyon sa Google gamit ang numero mo

Puwede mo ring tulungan ang mga tao na may numero ng telepono mo na hanapin ang iyong pangalan, larawan, at iba pang impormasyon na ginawa mong nakikita sa Google. Halimbawa, makikita ng mga kaibigan mo ang impormasyon tulad ng iyong pangalan at larawan kapag ginamit nila ang numero mo para magpadala sa iyo ng mensahe o larawan.

  1. Pumunta sa iyong Google Account.
  2. Sa kaliwang panel ng navigation, i-click ang Personal na impormasyon.
  3. Sa ilalim ng "Impormasyon sa pakikipag-ugnayan," i-click ang Telepono.
  4. Tiyaking nakalista ang iyong kasalukuyang numero ng telepono.
  5. Sa tabi ng "Tulungan din silang mahanap ang iyong pangalan, larawan, at iba pang impormasyon na ginawa mong nakikita sa Google," lagyan ng check ang kahon.
    • Kung io-on mo ang setting na ito, io-on din nito ang "Tulungan ang mga taong may numero mo na makaugnayan ka sa lahat ng serbisyo ng Google."

Tip: Kung naka-off ang setting na ito, posibleng hindi magamit ng mga tao ang numero ng telepono mo para mahanap ang iyong pangalan, larawan, o iba pang impormasyong ginawa mong nakikita.

Kailan magkakaroon ng bisa ang mga pagbabago

Posibleng abutin nang 1-2 araw bago magkaroon ng epekto ang mga pagbabago sa mga setting na ito.

Kung ibabahagi mo ang numero ng iyong telepono sa Tungkol sa akin

Kung io-on mo ang mga setting na ito, hindi ipapakita sa publiko ang numero ng iyong telepono. Puwede mong ibahagi ang numero ng iyong telepono sa ilang partikular na tao sa seksyong Tungkol sa akin ng Google Account mo.

Alamin kung paano piliin kung sino ang makakahanap sa numero ng iyong telepono at iba pang impormasyon tungkol sa iyo sa mga serbisyo ng Google.

true
Welcome sa Google Account!

Nalaman naming mayroon kang bagong Google Account! Alamin kung paano pahusayin ang iyong experience gamit ang checklist ng Google Account mo.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15831060518011648196
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
70975
false
false