Maghanap ayon sa mga tao, bagay, at lugar sa iyong mga larawan

Maghanap ng anumang bagay sa iyong mga larawan. Halimbawa, puwede mong hanapin ang:

  • Isang kasal na pinuntahan mo noong nakaraang bakasyon
  • Pinakamatalik mong kaibigan
  • Isang alagang hayop
  • Paborito mong lungsod

Mahalaga: Hindi sa lahat ng heograpikong rehiyon, lahat ng domain, o lahat ng uri ng account available ang ilang feature.

Maghanap sa iyong mga larawan

  1. Sa iyong computer, pumunta sa photos.google.com/search.
  2. Sa kahon sa itaas, ilagay ang gusto mong hanapin, halimbawa:
    • New York City
    • Pangalan o nickname, kung naglagay ka ng label sa mga tao o alagang hayop.

Maghanap ng mga larawan o alagang hayop at magdagdag ng pangalan

Para mas mapadali ang paghahanap at pamamahala sa iyong mga larawan, puwede kang maglapat ng label sa mga tao o alagang hayop na lumalabas sa mga larawang naipangkat ng Google Photos.

Mahalaga: Hindi sa lahat ng heograpikong rehiyon, lahat ng domain, o lahat ng uri ng account available ang feature na ito.

Hakbang 1: Maghanap ng mga larawan ng isang tao o alagang hayop

  1. Sa iyong computer, pumunta sa photos.google.com/people.
  2. Mag-click ng mukha para makakita ng mga larawan niya.

Kung wala kang nakikitang row ng mga mukha:

Tip: Para makakita ng mga larawan ng isang tao nang hindi naghahanap, i-click ang Mag-explore at pagkatapos ay Mga Tao at Alagang Hayop.

Hakbang 2: Magdagdag ng pangalan

  1. Sa itaas ng isang grupo ng mukha, i-click ang Magdagdag ng pangalan.
  2. Maglagay ng pangalan o palayaw.

Makakapaghanap ka sa pamamagitan ng label ng pangalan na iyon gamit ang box para sa paghahanap. Ikaw lang ang makakakita sa mga pribadong label ng mukha na pipiliin mo, kahit i-share mo pa ang mga larawang iyon.

Tip: Para makakita ng mga tao nang hindi naghahanap, i-click ang Mag-explore. Sa itaas, puwede kang mag-click sa mga item tulad ng Mga Tao, Mga Lugar, o Mga Bagay.

I-off o i-on ang Mga Grupo ng Mukha

Puwede mong ihinto ang paggrupo ng mga larawan batay sa mga mukhang lumalabas sa iyong mga larawan.

Kung io-off mo ang Mga Grupo ng Mukha, ide-delete mo ang:

  • Mga grupo ng mukha sa iyong account
  • Mga modelo ng mukha na ginamit para gawin ang mga pangkat ng mukhang iyon
  • Mga label ng mukha na ginawa mo

Matuto tungkol sa patakaran sa pagpapanatili ng Mga Grupo ng Mukha ng Google Photos.

Para i-off o i-on ang Mga Grupo ng Mukha:

  1. Sa iyong computer, pumunta sa photos.google.com/settings.
  2. Sa tabi ng "Pagpangkatin ang magkakahawig na mukha," i-click ang Magpakita pa Pababang Arrow.
  3. I-off o i-on ang Mga Grupo ng Mukha.
    • Para i-off ang Mga Grupo ng Mukha para lang sa mga larawan ng mga alagang hayop, i-off ang Magpakita ng mga alagang hayop kasama ng mga tao.

Mga advanced na tip

Magpalit o mag-alis ng label

Puwede mong i-edit o alisin ang iyong mga label ng grupo ng mukha.

  • Para magpalit ng label: I-tap ang folder na Mga Tao at pagkatapos ay Higit pa at pagkatapos ay I-edit ang label ng pangalan.
  • Para mag-alis ng label: I-tap ang folder na Mga Tao at pagkatapos ay Higit pa at pagkatapos ay Alisin ang label ng pangalan.
Pagsama-samahin ang mga grupo ng mukha

Kung nasa higit sa isang grupo ang isang tao, maime-merge mo ang mga iyon.

  1. Lagyan ng label ang isa sa mga grupo ng mukha gamit ang isang pangalan o palayaw.
  2. Lagyan ng label ang iba pang grupo ng mukha gamit ang parehong pangalan o palayaw, pumili sa mga suhestyon.
  3. Kapag kinumpirma mo ang pangalawang pangalan o palayaw, tatanungin ka ng Google Photos kung gusto mong i-merge ang mga grupo ng mukha.

Puwede kang makakuha ng suhestyong i-merge ang dalawang grupo ng mukha. Kung iisang tao lang ang mga iyon, i-click ang Oo.

Mag-alis ng grupo ng mukha sa page ng paghahanap

Kung may partikular na grupo ng mukha na ayaw mong makita sa iyong page ng paghahanap, puwede mo itong alisin.

  1. Sa iyong computer, pumunta sa photos.google.com/people.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Magpakita at magtago ng mga mukha.
  3. I-click ang mukhang gusto mong itago. Para magpakita ng mukha, i-click ulit ang kahon.
  4. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Tapos na.
Mag-alis ng item mula sa isang grupo

Kung may nakikita kang larawang nasa maling grupo, puwede mo itong alisin.

  1. Sa iyong computer, pumunta sa photos.google.com/people.
  2. I-click ang grupo ng mukha kung saan may gusto kang alisin.
  3. I-click ang Higit pa at pagkatapos ay Mag-alis ng mga resulta.
  4. Piliin ang mga larawan o video na gusto mong alisin sa grupo.
  5. Sa itaas, i-click ang Alisin.

Tip: Kung mag-aalis ka ng item sa isang grupo, hindi nito ide-delete ang larawan o video sa iyong library sa Google Photos.

Baguhin ang itinatampok na larawan
  1. Sa iyong computer, pumunta sa photos.google.com/people.
  2. Mag-click ng grupo ng mukha.
  3. I-click ang Higit pa at pagkatapos ay Palitan ang itinatampok na larawan.
  4. Pumili ng larawan para gawin itong itinatampok na larawan.
Matuto tungkol sa mga face model

Nangyayari ang Mga Grupo ng Mukha sa 3 hakbang:

  1. Inaalam namin kung may mukha sa anumang larawan.
  2. Kung naka-on ang feature na Mga Grupo ng Mukha, may mga algorithm na ginagamit para gumawa ng mga face model na kumakatawan sa mga larawan ng mga mukha sa pamamagitan ng mga numero, hulaan ang pagkakatulad ng magkakaibang larawan ng mga mukha, at tantyahin kung iisang mukha ang nakikita sa iba't ibang larawan.
  3. Ang mga larawang may magkakatulad na mukha na malamang na iisang tao ay pagsasama-samahin sa isang grupo ng mukha. Puwede kang mag-alis ng larawan mula sa isang grupo ng mukha anumang oras kung sa tingin mo ay nasa maling grupo ito.

Puwede ka ring magdagdag ng label ng pangalan o nickname sa anumang grupo ng mukha.

Kapag naka-on ang Mga Grupo ng Mukha, posibleng magsama ang Google Photos ng mga larawan sa isang partikular na grupo batay sa iba pang katangian. Kabilang dito ang mga larawang kinuha nang halos magkakasabay kung saan pare-pareho ang damit ng isang tao sa lahat ng larawan kapag hindi nakikita ang mukha.

Mga grupo ng mukha, label ng mukha, at pagbabahagi

  • Bilang default, ikaw lang ang makakakita sa mga grupo ng mukha at label sa iyong account.
  • Hindi ibinabahagi ang mga grupo ng mukha kapag nagbahagi ka ng mga larawan.
  • Pribado sa bawat account ang mga label ng mukha at hindi ibinabahagi ang mga ito sa ibang account.
  • Puwede mong piliing lagyan ng label na "Ako" ang isang grupo ng mukha. Makakatulong ito sa mga Google Photos app ng mga contact mo na makilala ang iyong mukha sa mga larawan, at makakuha ng mga suhestyong magbahagi sa iyo ng mga larawan mo. Alamin kung paano lagyan ng label ang iyong grupo ng mukha.

Kapag naka-on ang Mga Grupo ng Mukha, ipinapaalam mo sa amin na gusto mong gumawa kami ng mga modelo ng mga mukhang lumalabas sa iyong mga larawan. Posibleng ituring na biometric na data ang mga modelong ito sa ilang hurisdiksyon.

Para i-delete ang iyong mga face model, i-off ang Mga Grupo ng Mukha. Iso-store at gagamitin namin ang iyong mga face model, grupo ng mukha, at label ng mukha hanggang sa i-delete mo ang mga ito o maging hindi aktibo ang iyong Google Photos account sa loob ng mahigit dalawang taon. Matuto tungkol sa patakaran sa pagpapanatili ng Mga Grupo ng Mukha ng Google Photos.

Mag-alis, magdagdag, o magbago ng mga label ng tao at alagang hayop sa iyong mga larawan
Kung may mapalampas na larawan ang Google Photos o kung magkamali ito sa pagpapangkat sa isang larawan, puwede kang magbago, mag-alis, o magdagdag ng larawan sa isang pangkat ng mukha.
Hindi available ang feature na ito sa lahat ng bansa.

Baguhin kung saang pangkat ng mukha napapabilang ang isang larawan

Puwede kang magdagdag, mag-alis, o magbago ng label ng mukha kapag na-label ng Google Photos ang maling tao o alagang hayop.
  1. Sa iyong computer, pumunta sa photos.google.com.
  2. Pumili ng larawan.
  3. I-click ang Impormasyon Impormasyon.
  4. Mag-scroll papunta sa “Mga Tao” at i-click ang I-edit I-edit.
  5. Mag-alis, magdagdag, o magbago ng label:
    • Para mag-alis ng label: Sa label ng mukha, i-click ang Alisin Alisin.
    • Para magdagdag ng label: Sa ilalim ng “Puwedeng idagdag,” i-click ang Idagdag Idagdag sa label ng mukha. Pagkatapos, sa larawan, mag-click ng idaragdag na label, o piliin ang Magdagdag Idagdag para gumawa ng bagong label. 
    • Para magbago ng label:
      1. Sa label ng mukha, i-click ang Alisin Alisin.
      2. Sa ilalim ng “Puwedeng idagdag,” sa label ng mukha, i-click ang Idagdag Idagdag.
      3. Pumili ng idaragdag na label ng mukha.
  6. I-click ang Tapos na.

Kaugnay na page

Hindi mo ba mahanap ang iyong mga larawan? Kumuha ng tulong sa paghahanap ng mga larawan.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17366679566147794772
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
105394
false
false