Hindi lumalabas nang tama ang aking mga larawan

Kung hindi lumalabas nang tama sa photos.google.com ang isang larawan mula sa iyong Android device, sundin ang mga hakbang sa ibaba para subukan at ayusin ang isyu.

Bago ka magsimula

Kung hindi lumalabas nang tama ang iyong larawan sa web at Android device, subukan itong buksan gamit ang Files by Google. Kung hindi lumalabas nang tama ang file sa Files app, posibleng hindi ito maayos na na-save ng camera app. Sa ganitong sitwasyon, hindi mare-recover ng Google Photos ang orihinal na file.

Kung lumalabas nang tama ang iyong larawan sa Files app, puwede mong sundin ang mga hakbang sa pag-troubleshoot sa ibaba para makita ang orihinal na kopya, i-delete ang na-back up na kopya, at i-upload ulit ang larawan sa Google Photos.

Hakbang 1: Kumpirmahing ito ang parehong larawan

Sa iyong Android device:

  1. Buksan ang Google Photos app Photos.
  2. Piliin ang larawan.
  3. Para makita ang seksyong "Mga Detalye," mula sa ibaba ng screen, mag-swipe pataas.
  4. Tandaan ang file name ng larawan.

Sa iyong computer:

  1. Pumunta sa photos.google.com.
  2. Piliin ang larawan.
  3. Sa kanan, sa ilalim ng "Mga Detalye," hanapin ang file name ng larawan.
  4. Tandaan ang file name.
  5. Kumpirmahing eksakto itong tumutugma sa file name mula sa iyong Android device.

Hakbang 2: I-revert ang mga pag-edit

Kung na-edit ang larawan, kailangan ay i-revert ito sa orihinal.

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Google Photos app Photos.
  2. Piliin ang larawan.
  3. Sa ibaba, i-tap ang I-edit I-edit.
  4. I-tap ang I-revert at pagkatapos ay I-save.
  • Kung hindi mo makikita ang "I-revert," hindi kailanman na-edit ang larawan o na-revert na ang mga pag-edit.

Hakbang 3: Mag-save ng backup na larawan

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Google Photos app Photos.
  2. Piliin ang larawan.
  3. Sa ibaba, i-tap ang Ibahagi.
  4. Sa ilalim ng "Ibahagi sa mga app," i-tap ang Higit pa Higit pa.
  5. Piliin ang iyong email app.
  6. I-email ang larawan sa iyong sarili.
  7. Buksan ang email sa iyong computer.
  8. I-download ang larawan.

Hakbang 4: I-delete ang larawan sa iyong computer

Mahalaga: Tiyaking na-download mo sa iyong computer ang backup na kopya mula sa email mo bago mo i-delete ang larawan sa photos.google.com.

  1. Sa iyong computer, pumunta sa photos.google.com.
  2. Piliin ang larawan.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang I-delete I-delete at pagkatapos ay Ilipat sa trash.
  4. Sa itaas, i-click ang Bumalik Bumalik at pagkatapos ay Trash I-delete.
  5. Piliin ang larawang kakatapos mo lang i-delete.
  6. Para permanenteng i-delete ang larawan, sa itaas, i-click ang I-delete .

Hakbang 5: I-upload ulit ang larawan

  1. Sa iyong computer, pumunta sa photos.google.com.
  2. Kumpirmahing hindi na lumalabas ang na-delete nang larawan.
  3. Sa itaas, piliin ang Mag-upload  at pagkatapos ay Computer.
  4. Piliin ang na-download mo nang backup na kopya at pagkatapos ay Buksan.
  5. Maghintay nang ilang minuto. 
  6. Sa iyong Android device, i-restart ang Photos app.
  7. Kumpirmahing lumalabas nang tama ang larawan.

Mga kaugnay na resource

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1264494991376987266
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
105394
false
false