Ilipat sa Google Photos ang mga larawan at video na nasa iCloud®

Puwede kang humingi ng kopya ng iyong mga larawan at video sa iCloud® na ililipat sa Google Photos.

Matuto pa tungkol sa paglilipat ng iyong mga larawan mula sa iCloud®.

Mahalaga: Hindi aalisin ng paglilipat ang iyong mga larawan at video mula sa iCloud®. Pagkatapos maglipat, hindi awtomatikong isi-sync sa Google Photos ang mga karagdagang larawan at video na naka-store sa iCloud®.

Ano ang maililipat sa Google Photos mula sa iCloud®

Para makapaglipat ng mga larawan at video, ang content ay dapat na:

  • Naka-store sa iCloud® Photos
  • Naka-save sa isa sa mga format ng file na ito:
    • .3g2
    • .3gp
    • .asf
    • .avi
    • .divx
    • .gif
    • .jpg
    • .m2t
    • .m2ts
    • .m4v
    • .mkv
    • .mmv
    • .mod
    • .mov
    • .mp4
    • .mpg
    • .mts
    • .png
    • .webp
    • .wmv
    • .tod
    • ilang RAW file

Hindi maililipat ang mga ganitong uri ng content sa Google Photos mula sa iCloud®:

  • Mga nakabahaging album
  • Mga smart album
  • Mga content na stream ng larawan
  • Mga live photo
  • Mga larawan at video na hindi naka-store sa iCloud®
Ano ang kailangan mo para sa paglilipat

Bago ka humiling ng paglilipat sa Google Photos mula sa iCloud® Photos, tiyakin ang sumusunod:

Hilingin ang paglilipat ng iyong mga larawan at video

Mahalaga: Posibleng hindi gumana ang ilang data at format na available sa iCloud® Photos kapag inilipat mo ang iyong content sa Google Photos. Tingnan kung ano ang maililipat sa Google Photos mula sa iCloud®.

Para hilingin ang iyong paglilipat sa Google Photos mula sa iCloud®:

  1. Mag-sign in gamit ang iyong Apple ID sa privacy.apple.com.
  2. Piliin ang Request to transfer a copy of your data.
  3. Para simulan ang paglililpat, mag-sign in gamit ang iyong Google Account.
  4. Para tapusin ang iyong kahilingan, sundin ang mga tagubilin sa screen.

Tip: Umaabot ng 3–7 araw ang proseso ng paglilipat. Kung kakanselahin mo ang iyong kahilingan sa paglilipat bago ito matapos, mananatili sa Google Photos ang mga item na nakopya na.

Tungkol sa paglilipat ng larawan at video

  • Ang mga pinakabagong edit ng larawan at video lang ang ililipat.
  • Para makatipid sa espasyo, kung nasa Google Photos na ang isang larawan o video, isang kopya lang ng larawan o video ang papanatilihin.
  • Kapag posible, inililipat ang mga larawan sa loob ng kanilang mga album. Inililipat ang mga video nang hiwalay at magiging wala sa album ang mga ito.
    • Tip: Nagsisimula sa "Kopya ng" ang mga filename ng mga album at video na inilipat sa Google Photos.

Mga kaugnay na artikulo

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5712660340759106945
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
105394
false
false