Paano pinoprotektahan ng app na Telepono ang iyong privacy at paano ka nito pinapanatiling may kontrol

Ang pagpapanatiling ligtas ka online ay nangangahulugang pagprotekta sa iyong impormasyon at pagrespeto sa iyong privacy. Kaya naman, sa bawat produktong ginagawa namin, pinagtutuunan namin ang pagpapanatiling secure ng iyong impormasyon, pangangasiwa rito sa responsableng paraan, at pagpapanatiling ikaw ang may kontrol Ang iyong impormasyon ay pinoprotektahan ng word-class na seguridad. Puwede mong kontrolin ang iyong mga setting ng privacy anumang oras sa Google Account mo.

Mas kapaki-pakinabang at naka-personalize na karanasan para sa iyo

Kapag ginamit mo ang app na Telepono, pinoproseso namin ang ilang impormasyon para makapag-alok sa iyo ng mas magagandang karanasan sa produkto. Nananatiling secure ang iyong impormasyon.

Iyong lokasyon

Kung pinili mong i-enable ang Mga Kalapit na Lugar, kokolektahin ng app na Telepono ang iyong lokasyon para mabigyan ka ng mga may kaugnayang lokal na paghahanap.

Iyong mga audio file

Kapag ginamit mo ang transcription ng voicemail, kokolektahin ng app na Telepono ang iyong data ng audio para sa transcription at pagkatapos ay idi-discard ito.

Kung gumagamit ka ng mga feature na gaya ng Voicemail, I-hold para Sa'kin, Direct My Call, or Pag-screen sa Tawag, mapipili mong ibahagi ang audio at mga transcript para sa iyong mga tawag para makatulong sa pagpapahusay sa mga feature na iyon.

Ang app na Telepono ay gumagamit ng data para mapaganda ang iyong karanasan

Opsyonal na pinoproseso ng app na Telepono ang iyong data na nauugnay sa tawag para makapagbigay ng mga serbisyong gaya ng pag-filter ng spam at awtomatikong pag-screen sa tawag.

Para pahusayin ang performance at pagiging mapagkakatiwalaan ng app na Telepono, at para tumulong sa pag-troubleshoot sakaling magkaroon ng mga isyu, kinokolekta ng app na Telepono ang data ng performance, mga log ng pag-crash, at mga diagnostic. Ginagamit din namin ang impormasyong ito para mapigilan ang pang-aabuso sa aming mga serbisyo.

Madali lang makita at kontrolin ang iyong data

Sa pamamagitan ng Dashboard ng Google Account, makakakita ka ng pangkalahatang-ideya ng mga produkto ng Google na ginagamit mo at mga bagay na sino-store mo, gaya ng iyong mga email. At gamit ang Aking Aktibidad, madaling makita at i-delete ang data na nakolekta mula sa iyong aktibidad sa mga serbisyo ng Google, kabilang ang mga bagay na hinanap, tiningnan, at pinanood mo. Alamin kung paano tingnan at kontrolin ang aktibidad sa iyong Google Account.

Sa App na Telepono, puwede mong tingnan at i-delete ang history ng tawag.

Mga kaugnay na artikulo

Lahat ng account

Privacy sa app na Telepono

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15725084683487334546
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
97205
false
false