Newsletter ng Google for Nonprofits | Marso 2019

Salamat sa pagbabahagi ng iyong feedback sa newsletter ng nakaraang buwan! Narinig naming may ilan sa inyo ang hindi maka-access ng Mga Drive ng Team sa mga G Suite account ninyo. Makipag-ugnayan sa inyong admin ng G Suite (karaniwang ito ang pangunahing contact (point of contact o POC) o administrator ng opisina ng IT ninyo) para i-on ang Mga Drive ng Team pagkatapos ng mga hakbang sa resource na ito.


Anong Bago?

Ang aming bagong Gabay sa kung Paano Gawin ng Google for Nonprofits 

Nasasabik kaming ianunsyo ang una sa kumprehensibo at praktikal na hanay ng Mga Gabay sa kung Paano Gawin na nakalaan para sa sektor ng nonprofit, na ginawa ng Google for Nonprofits. Ngayong buwan, tuklasin kung paano puwedeng gamitin ang mga produkto at solusyon ng Google para pamahalaan ang iyong mga volunteer! Magre-release pa kami ng mga Mga Gabay sa kung Paano Gawin sa mga susunod na newsletter.

Iniisip kung paano ginagamit ng ibang nonprofit ang mga produkto ng Google?

Sumali sa aming paparating na livestream kasama ang Kids & Art Foundation, isang nonprofit na nagbibigay ng mga art workshop sa mga batang may cancer. Matuto mula sa founder at manager ng programa ng Kids & Art Foundation tungkol sa kung paano nila ginagamit ang mga produkto ng Google para sa kanilang layunin! Magparehistro dito para sa livestream sa Abril 5, 2019, 11:00 AM Pacific.

Makakatulong ang Gmail na gawing mas produktibo pa ang iyong team

Kung minsan, posibleng maging mahirap ang pamamahala sa iyong inbox pero may mga built-in na feature ang Gmail para matulungan kang mag-focus at makipag-ugnayan nang mas epektibo. Halimbawa, puwede mong idagdag ang label na “High-Value Donor” sa lahat ng pag-uusap na nagmumula sa iyong mga nangungunang sponsor. Puwedeng i-color code ang mga label para sa mas maayos na visualization, at puwede itong awtomatikong ilapat sa iyong mga papasok na email sa pamamagitan ng mga filter. Tuklasin ang nangungunang 10 paraan ng paggamit ng G Suite para i-optimize ang iyong inbox.


Mga Tip at Trick

Hayaan ang mga suhestyon sa grammar sa Google Docs na tulungan kang magsulat pa nang mas mahusay

Idina-draft ang susunod mong mungkahi para sa grant? Nagsusulat ng artikulo para sa iyong blog? Hayaan ang mga suhestyon sa grammar ng Google Docs na tulungan kang makita ang mga nakakalitong error sa grammar, kabilang ang tamang paggamit ng mga pang-ukol o ng tamang anyo ng pandiwa. Matuto pa tungkol sa libreng tool na ito na built-in sa Docs dito.

Gamitin ang Google Data Studio para ipakita ang iyong epekto

Tinutulungan ka ng Google Data Studio na bumuo ng mga ulat na nagkukuwento. Alamin kung paano ka makakagawa ng interactive na geo map para ipakita ang epekto ng iyong mga aktibidad sa lahat ng lugar kung saan ka nagtatrabaho.


Mga Kuwento ng Nonprofit

Naghahatid ang Google Ad Grants ng average na halaga ng donasyon na $212 para sa Days for Girls

Binabasag ng Days for Girls ang mga stigma at limitasyon para sa kababaihan at mga batang babae sa pamamagitan ng pagpapalawak ng access sa pangangalagang at edukasyong pangregla. Ginagamit ng organisasyon ang Ad Grants at umaasa ito sa pagsubaybay sa conversion para subaybayan ang mga donasyon, benta sa e-commerce, subscription sa email, at mga tawag na binuo ng Google Ads. Alamin kung paano natutulungan ng data ng conversion ang Days for Girls na makamit ang kanilang mga layunin sa marketing.

Ibahagi ang kuwento ng kung paano ginagamit ng iyong nonprofit ang mga produkto ng Google sa pamamagitan ng pagsusumite ng impormasyon mo gamit ang form na ito.

Puwedeng maitampok ang iyong nonprofit sa newsletter o video ng Google for Nonprofits sa hinaharap.

 

Tingnan ang blog, TwitterFacebook, at channel sa YouTube ng Google for Nonprofits


Kung mayroon kang Google for Nonprofits account, puwede kang mag-sign up para makatanggap ng mga newsletter sa pamamagitan ng pag-update ng iyong mga kagustuhan sa email dito at paglalagay ng check sa box sa tabi ng 'Mga Newsletter.' 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Sign-up to receive the Google for Nonprofits newsletter

Get the monthly Google for Nonprofits newsletter directly to your inbox.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11321517046146815978
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false