Newsletter ng Google for Nonprofits | Pebrero 2019

Salamat sa iyong interes sa aming newsletter at sa pagbabahagi ng feedback at mga kuwento mo. Ilalabas ang pangatlong edisyon namin sa katapusan ng Black History Month at ilang araw lang bago ang Pandaigdigang Araw ng Mga Kababaihan. Sa tuwing nalalaman namin ang tungkol sa kahusayang ginagawa ng mga nonprofit para itaguyod ang mga layunin para sa equity at pagkakapantay-pantay, ginaganahan kami sa Google for Nonprofits team!


Ano'ng Bago?

Gamitin ang Mga Drive ng Team para ibahagi ang lahat ng file na mahalaga sa iyong team

Ang Mga Drive ng Team ay mga nakabahaging space kung saan magagawa ng mga team na mag-store, maghanap, at mag-access ng kanilang mga file nang walang kahirap-hirap saanman, mula sa anumang device. Pagmamay-ari ng team sa halip ng indibidwal ang mga file sa Drive ng Team, kaya kahit na may umalis na volunteer o miyembro sa iyong nonprofit, mananatili ang mga file.

Nag-aalok ang Google Digital Garage ng mga online na kurso sa pagkukuwento at design nang walang bayad

Mahalaga ang pagkukuwento ng layunin at epekto ng iyong nonprofit para kumonekta sa audience mo. Nagiging mas mahusay ang mga ideya mo kung alam mo kung paano ibabahagi ang mga ito! Alamin kung paano gumawa ng mga epektibo, nakakahimok, at masayang presentation gamit ang mga online na kursong ito nang walang bayad.

Gamitin ang Mga Layunin sa Google Analytics para masubaybayan ang mahahalaga para sa iyong organisasyon 

Sa Google Analytics, nagiging madali ang pagsubaybay sa mga online na donasyon, pag-sign up ng volunteer o iba pang mahalagang pagkilos sa iyong website. Halimbawa, makakagawa ka ng layunin sa destinasyon at masusukat mo kung ilang beses nakita ng mga bisita ang “page ng pasasalamat” sa dulo ng proseso ng pag-sign up ng volunteer. Humigit-kumulang isang minuto lang ang aabutin nito!


Mga Tip at Trick

Gamitin ang Subukan ang Aking Site para tingnan ang performance ng website ng iyong nonprofit

Isang paraan ang Subukan ang aking site para masukat ng iyong nonprofit ang performance ng website sa iba't ibang device, mula sa mobile hanggang sa desktop nang walang bayad. Nagbibigay ang tool ng listahan ng mga partikular na pag-aayos na makakatulong sa iyong kumonekta nang mas mabilis sa mga tao online. Puwede kang magsimula sa pamamagitan ng pag-type ng URL ng iyong website sa page ng tool.

Maging bihasa sa G Suite sa pamamagitan ng mga hands-on na online na aralin sa mga pangyayari sa totoong buhay

Kung gusto mong alamin kung paano ka matutulungan ng G Suite na magtagumpay sa mga pang-araw-araw mong gawain, ang mga online na aralin na ito ang hinahanap mo. Alamin kung paano gamitin ang mga produkto ng G Suite para magplano ng event, mamahala ng mga badyet, makipag-ugnayan nang epektibo at higit pa.


Mga Kuwento ng Nonprofit

Nakalikom ang DonorsChoose.org ng $497,000 sa mga donasyon sa pamamagitan ng Google Ad Grants sa loob ng 1 taon 

Sa platform ng DonorsChoose.org, gumagawa ang mga guro sa America ng mga proyektong humihiling ng mga resource na kailangan ng mga mag-aaral nila, at nagbibigay ang mga donor sa mga proyektong nagbibigay sa kanila ng inspirasyon. Sa loob lang ng isang taon, sa pamamagitan ng Ad Grants, nakalikom ang nonprofit ng karagdagang $497,000 mula sa humigit-kumulang 5,000 donasyon at nakatanggap ng 7,400 pagpaparehistro ng guro at 6,600 bagong pagsusumite ng proyekto ng guro. Mag-click dito para basahin ang buong kuwento ng tagumpay sa website ng Ad Grants.

Ibahagi ang kuwento ng kung paano ginagamit ng iyong nonprofit ang mga produkto ng Google sa pamamagitan ng pagsusumite ng impormasyon mo gamit ang form na ito.

Puwedeng maitampok ang iyong nonprofit sa newsletter o video ng Google for Nonprofits sa hinaharap.

 

Tingnan ang blog, TwitterFacebook, at channel sa YouTube ng Google for Nonprofits


Kung mayroon kang Google for Nonprofits account, puwede kang mag-sign up para makatanggap ng mga newsletter sa pamamagitan ng pag-update ng iyong mga kagustuhan sa email dito at paglalagay ng check sa box sa tabi ng 'Mga Newsletter'. 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Sign-up to receive the Google for Nonprofits newsletter

Get the monthly Google for Nonprofits newsletter directly to your inbox.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16023949157676115156
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false