Magpadala ng mga mensahe sa chat sa mga kalahok sa video meeting


               

Gusto mo ba ng mga advanced na feature ng Google Workspace para sa iyong negosyo?

Subukan ang Google Workspace ngayon!

 

 

Puwede kang magpadala, habang may video meeting, ng mga mensahe sa iba pang bisita sa video meeting mula sa isang computer o mobile device.

Mga Paalala:

  • Kung sasali ka sa isang conference room gamit ang meeting room hardware ng Google, matitingnan mo ang mga mensahe, pero hindi ka makakapagpadala ng mensahe.
  • Makikita ng lahat ng nasa tawag ang mga nasabing mensahe.
  • Matitingnan mo lang ang palitan ng mga mensahe sa chat kapag nasa video meeting ka. Hindi ipapakita ang mga mensaheng ipinadala bago ka sumali, at mawawala ang lahat ng mensahe kapag umalis ka sa video meeting.
  • Maliban sa mga na-pin na mensahe sa chat, matitingnan mo lang ang palitan ng mga mensahe sa chat kapag nasa video meeting ka. Ibig sabihin:
    • Hindi ipapakita ang mga mensaheng ipinadala bago ka sumali.
    • Kapag umalis ka sa video meeting, mawawala ang lahat ng mensahe.
  • Kung ginagamit mo ang Meet nang may Voice Over software, sa tuwing may ipapadalang mensahe sa chat, makakatanggap ka ng notification na tunog pero hindi ivo-voice over ang mga mensahe. Para marinig ang mensahe, buksan ang panel ng chat.
  • Mahalaga: Kapag nagre-record ng mga meeting, nase-save din ang log ng pag-uusap sa chat.
  • Magagawa ng mga organisasyon sa Workspace na may mga kakayahan ng admin na i-on o i-off ang feature na ito para sa buong organisasyon.

Matuto pa tungkol sa mga setting ng Google Meet para sa mga admin.

Magpadala ng mensahe sa chat habang may video meeting

  1. Sumali sa isang video meeting sa Meet.
  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Chat  .
  3. Maglagay ng mensahe.
  4. I-click ang Ipadala Ipadala.

Mag-pin ng mensahe sa chat habang nasa isang video meeting

Mahalaga:

  • Ipapakita ang mga na-pin na chat para sa lahat ng kalahok, pati sa mga hindi pa sumasali.
  • Magagawa ng mga user na i-pin at i-unpin ang kani-kanilang mensahe. Puwedeng i-unpin ng mga host ang mga mensahe ng kahit na sino.

Para i-pin ang isang mensahe sa chat:

  1. Mag-hover sa isang mensahe sa chat.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang I-pin .

Pigilan ang mga kalahok na magpadala sa isang video meeting ng mga mensahe sa chat

Mahalaga: Para gamitin ang feature na ito, dapat mong i-on ang Pamamahala ng Host.

Puwedeng pigilan ng mga host ng meeting ang mga kalahok na magpadala ng mga mensahe sa chat. Puwede pa ring magbasa ng mga mensahe ang mga kalahok.

Kung io-off mo ang mga mensahe sa chat sa mga umuulit na meeting o sa mga meeting na gumagamit ng iisang code ng meeting, ise-save ang setting para sa susunod na nakaiskedyul na meeting. Kung io-off mo ang mga mensahe sa chat sa isang one-time, may nickname, o instant na meeting, io-on ang setting ng mensahe sa chat pagkatapos ng meeting. 

I-on o i-off ang mga mensahe sa chat

  1. Sumali sa isang video meeting sa Meet.
  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Mga kontrol ng host .
  3. Mula sa magbubukas na panel sa gilid, i-on o i-off ang Magpadala ng mga mensahe sa chat.

 

Tip: Kung hindi mo mao-on o mao-off ang setting, posibleng kailanganin mong i-off ang isang extension ng Chrome para sa Meet. Alamin kung paano mag-install at mamahala ng mga extension.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2208718154297396807
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
713370
false
false