Mag-record ng video meeting

Mahalaga: Sa computer lang available ang pag-record ng meeting.
Mga kinakailangan sa pag-record ng video meeting

Puwede kang mag-record ng mga video meeting sa mga edisyong ito ng Google Workspace:

  • Business Plus
  • Business Standard
  • Essentials
  • Education Plus. Available ito sa mga user na may "Staff" o "Student" license.
  • Enterprise Essentials
  • Enterprise Plus
  • Enterprise Standard
  • Enterprise Starter
  • Mga subscriber ng Google One na may 2 TB o higit pang storage space
  • Teaching and Learning Upgrade. Available ito sa mga user na may “Teaching and Learning Upgrade” license.
  • Subscriber sa Workspace Individual
Tip: Kung isa kang Google Workspace administrator na namamahala ng Google Meet para sa iyong organisasyon, dapat mo munang pahintulutan ang pag-record ng meeting.
Alamin kung paano mag-record ng meeting
  1. Sa iyong computer, sa Google Meet, i-click ang Magsimula o Sumali.
  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Mga Aktibidad at pagkatapos ay Pag-record.
    • Para i-record ang mga caption ng meeting, pumili ng wika.
    • Sa ilang sitwasyon, kung ipe-play sa Google Drive ang recording, posibleng maging handa na ang file ng recording nang ilang oras bago maging available ang mga caption.
  3. I-click ang Simulan ang pag-record.
  4. Sa pop-up na screen, i-click ang Magsimula.
  5. Hintaying magsimula ang pag-record. Makakatanggap ng notification ang mga kalahok kapag nagsimula o huminto ang pag-record.
    • Puwede lang i-record ang mga meeting sa loob ng 8 oras sa kabuuan, pagkatapos ay awtomatikong hihinto ang pag-record.
  6. Para ihinto ang pag-record, i-click ang Mga Aktibidad at pagkatapos ay Pag-record at pagkatapos ay Ihinto ang Pag-record.
  7. Sa pop-up na screen, i-click ang Ihinto ang pag-record.
    • Tip: Awtomatikong hihinto ang pag-record kapag umalis na ang lahat sa meeting.

May ipapadala sa organizer ng meeting at sa taong nagsimula sa recording na isang email na nagsasaad sa link ng recording. 

Mase-save ang recording sa Aking Drive > folder na Mga Recording sa Meet ng organizer ng meeting.

Para sa mga meeting na ginawa sa pamamagitan ng:

  • Google Calendar: Ang organizer ng meeting ay ang taong gumawa ng event ng meeting sa Google Calendar.
  • Homepage ng Meet o ibang produkto gaya ng Gmail o Jamboard: Ang organizer ng meeting ay ang taong naglulunsad sa meeting o bumubuo sa code.
Alamin kung sino ang puwedeng mag-record ng meeting

Para makapag-record ng meeting, dapat i-on ng isang administrator ng Google Workspace ang pag-record para sa iyong account.

Puwede kang mag-record kung:

  • Ikaw ang host ng meeting.
  • Hindi ka bahagi ng organisasyon ng host at na-promote ka at ginawang co-host.
  • Bahagi ka ng organisasyon ng host at naka-off ang Pamamahala ng Host.
  • Isa kang guro o kasamang guro para sa mga meeting na ginawa sa pamamagitan ng Google Classroom.

Mga Google Workspace for Education account:

Mga Education Fundamentals o Education Standard account: Magagawa ng mga guro/staff o mag-aaral na mag-record ng mga meeting na gagawin nila.
Mga Teaching and Learning Upgrade account: Magagawa ng sinumang kasama sa organisasyon ng organizer ng meeting na mag-record ng meeting.
Education Plus: Magagawa ng mga guro/staff o mag-aaral na mag-record ng mga meeting na gagawin nila at ng mga meeting na gagawin ng isang tao sa kanilang organisasyon.
Tip: Hindi mo mare-record ang isang meeting kung kasali ka lang para mag-present. Sumali muna sa video meeting, simulan ang iyong presentation, at pagkatapos ay mag-record.
Alamin kung ano ang nire-record sa isang video meeting
Mahalaga: Bago ka mag-present mula sa Google Docs, Sheets, o Slides, sumali sa meeting para malaman kung nire-record ito.

Kasama sa mga recording ang aktibong nagsasalita at ang anumang pine-present. Mapipili mo ring i-record ang mga caption ng meeting. Ise-save ang mga recording sa folder na Mga Recording sa Meet ng organizer sa Aking Drive. May ipapadala sa organizer ng meeting at sa taong nagsimula sa recording na isang email na nagsasaad sa link ng recording. Idaragdag ang link sa event sa Calendar.

Hindi kasama sa recording ang iba pang window o notification. Hindi makakaapekto ang pag-pin ng kalahok sa kung sino ang ipinapakita sa recording.

Maaabisuhan ang mga taong ito kapag nagsimula o huminto ang isang pag-record, pero hindi nila makokontrol ang pag-record:

  • Mga tao sa labas ng iyong organisasyon
  • Mga user ng mobile app
  • Mga taong nagda-dial in gamit ang telepono
Mahalaga: Kapag nagre-record ng mga meeting, nase-save din ang log ng pag-uusap sa chat.

Aling bahagi ng chat sa Meet ang nire-record?

Nire-record ang mga chat para sa kabuuang tagal ng nire-record na video.

Saan sine-save ang chat sa Meet?

Sine-save ang mga chat bilang .SBV file sa Drive ng organizer ng meeting.

Paano ako magpe-play ng mga recording ng chat sa Meet?

Puwede mong i-play sa mga media player ang mga recording ng chat sa Meet. Kapag may mga nagpe-play na recording sa isang media player gaya ng VLC Media Player, ipinapakita ang mga content ng chat bilang mga subtitle.

Paano ko mape-play ang mga na-record na caption?

Kung magre-record ka ng meeting, piliin ang Mga opsyon sa pag-record para mag-embed ng mga caption sa clip.

  • Kung ipe-play mo ang recording sa Google Drive sa pamamagitan ng player ng YouTube, puwede mong i-click ang button na Closed Caption Closed caption para i-play ang mga caption kasama ng recording.
  • Kung ida-download mo ang recording, puwede mo itong i-play at puwede mong i-enable ang mga subtitle sa mga app gaya ng VLC Media Player o QuickTime Player.

Mga Tip:

  • Kung ire-record mo ang mga caption, puwedeng maging handa na ang file ng recording bago pa maging available ang mga caption kung sa Google Drive ito ipe-play. Posibleng ma-play ang mga caption ilang oras pagkatapos mabuo ang file ng recording.
  • Kung may ibinabahaging screen sa isang nire-record na meeting, ang resolution ng video ay depende sa resolution ng pinakamalaking screen na ibinabahagi, na hanggang 1080p. Ang mga admin ay puwedeng mag-opt out sa mga 1080p na recording para sa kanilang mga organisasyon. Para sa higit pang impormasyon, pumunta sa Itakda ang mga limitasyon sa kalidad ng recording para sa mga pagbabahagi ng screen
Kailan dapat mag-record ng mga meeting

Kapaki-pakinabang ang pag-record ng mga meeting kapag gusto mong balikan ang meeting sa ibang pagkakataon, o ibahagi ito sa mga taong hindi nakasama sa meeting. Halimbawa:

  • Mga presentation ng team na available nang on-demand para sa mga mag-aaral at bagong empleyado
  • Mga presentation sa kumperensya na gusto mong ibahagi sa mga tao sa ibang pagkakataon
  • Mga virtual na session ng pagsasanay na puwedeng i-replay ng mga tao nang on-demand
Mag-troubleshoot ng mga isyu sa pag-record sa mga meeting Mag-play, magbahagi, mag-download, o mag-save ng recording

Sa Google Drive

Nase-save ang mga recording sa Aking Drive > folder na Mga Recording sa Meet ng organizer ng meeting. Gayunpaman, kung magbabago ang organizer o kung mangyayari ang meeting sa labas ng nakaiskedyul na oras sa Calendar, ipapadala ang link ng recording sa orihinal na gumawa sa event.

Para magbahagi ng recording:

  1. Piliin ang file at pagkatapos ay Ibahagi Add approver .
  2. O kaya, i-click ang Link at pagkatapos ay i-paste ang link sa isang email o mensahe sa chat.

Para sa pinakamahuhusay na resulta, i-download ang recording at pagkatapos ay i-play ito sa iyong computer:

  1. Piliin ang file at i-click ang Higit pa Higit paat pagkatapos ay I-download .
  2. I-double click ang na-download nang file para i-play ito.
    • Sa Drive, i-double click ang recording para i-play ito. Lalabas ang “Pinoproseso pa” hanggang sa puwede nang i-download ang file para sa online na panonood.

Para idagdag ang isang recording sa Aking Drive, piliin ang file at i-click ang Idagdag sa Aking Drive .

Mula sa isang link sa email

May ipapadala sa organizer ng meeting at sa taong nagsimula sa recording na isang email na nagsasaad sa link ng recording.
  1. Sa email, i-click ang link at hintaying bumukas ang recording.
  2. Pumili ng opsyon:
    • Para i-play ang recording, i-click ang I-play .
    • Para ibahagi ang recording, i-click ang Higit pa Higit paat pagkatapos ayIbahagi. Maglagay ng mga username o email address at i-click ang Tapos na.
Tip: Puwede ka ring kumopya at magbahagi ng link.

Para i-download ang file, i-click ang I-download

Para idagdag ang recording sa kasalukuyang folder, i-click ang Idagdag sa Aking Drive .

Sa event sa Google Calendar

Kung magsisimula ang pag-record sa nakaiskedyul na oras ng meeting, mali-link ang recording sa event sa Google Calendar. Awtomatikong magkakaroon ng access sa recording ang mga indibidwal na kalahok sa meeting na kapareho ng organisasyon ng organizer ng meeting. Hindi awtomatikong magkakaroon ng access ang mga grupo.
Tiyaking may sapat na space ang iyong Google Drive

Ina-upload sa Google Drive ng organizer ang mga recording sa Google Meet. Tiyaking may sapat na space sa iyong Drive para ma-record ang meeting ninyo.

Para makapag-record ng meeting, tiyaking:

  • Hindi mo pa naaabot ang iyong personal na quota sa Drive.
  • Hindi pa naaabot ng iyong organisasyon ang quota nito sa Drive.

Kung may space ka sa iyong Drive pero walang space ang organisasyon mo, hindi ka makakapag-record ng meeting.

Mahalaga: Kapag naabot mo na ang iyong quota ng storage, makakatanggap ka ng alerto sa Meet. Inirerekomenda naming subaybayan mo ang iyong available na storage space sa pamamagitan ng Google Drive o page ng storage ng Google.

Para sa mga edisyon ng Workspace na may mga kakayahan ng Admin: Kung maabot mo ang iyong quota ng storage, makipag-ugnayan sa administrator ng Google Workspace.


               

Gusto mo ba ng mga advanced na feature ng Google Workspace para sa iyong negosyo?

Subukan ang Google Workspace ngayon!

 

 

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8932002672651146570
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
713370
false
false