Magsimula o mag-iskedyul ng video meeting sa Google Meet

 Puwede kang mag-set up o magsimula ng bagong video meeting sa Google Meet mula sa:

  • Meet
  • Gmail
  • Google Calendar
  • Google Chat (Mobile lang)
  • Iba pang system ng pag-iiskedyul
Tip: Para matiyak na hindi ka sasali sa isang meeting gamit ang isang nag-expire nang code at mas mahusay na makapagplano para sa mga meeting na gagawin mo sa hinaharap, alamin kung kailan mag-e-expire ang mga code ng meeting. Matuto pa tungkol sa mga code ng meeting sa Google Meet.

Kunin ang Meet app

  1. Pumunta sa App Store.
  2. I-download at i-install ang Google Meet app Meet app.
  3. Sa iyong device, para buksan ang app, i-tap ang Google Meet app Meet app.

Sini-synchronize ang mga tawag para makapagsimula ka ng video meeting sa isang device at magpatuloy sa isa pa.

Gumawa ng meeting sa Google Meet app

Tiyaking mayroon ka ng pinakabagong bersyon ng Meet app.

  1. Buksan ang Meet app Meet app.
  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Bago Camera.
  3. I-tap ang Share link Gumawa ng bagong meeting.
    • Para mag-share ng link ng meeting, pumili ng opsyon:
      • Kopyahin Content copy
        • Puwede mong i-email o i-text ang link.
      • Ibahagi
    • Para sumali sa isang meeting na ginawa mo, i-tap ang Sumali sa meeting Create New Meeting.

Mag-iskedyul ng meeting sa Google Meet app

  1. Buksan ang Meet app Meet app.
  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Bago Camera.
  3. I-tap ang Calendar Iiskedyul sa Google Calendar.
  4. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang I-save.
  5. Gamitin ang button na bumalik para bumalik sa Meet app Meet app.
  6. I-access ang meeting:
    • Sa home screen ng Meet app
    • Sa pamamagitan ng link ng meeting sa iyong event sa kalendaryo

Magsimula ng meeting sa Meet (orihinal) app

  1. Buksan ang Meet (orihinal) app .
  2. I-tap ang Bagong meeting.
  3. Pumili ng opsyon:
    • Kumuha ng maibabahaging link ng meeting: Bubuo ito ng link ng meeting na maibabahagi mo para makapag-meet ngayon o sa ibang pagkakataon. Para mag-imbita ng iba, i-tap ang Ibahagi ang imbitasyon. Para sumali sa meeting, kopyahin ang code sa field na "Sumali gamit ang isang code."
      • Tip: Makakatanggap ang mga user ng Google Workspace ng "Kunin ang maibabahaging impormasyon sa pagsali." Gumagana ito sa paraang kapareho ng "Kumuha ng maibabahaging link ng meeting."
    •  Magsimula ng instant na meeting: Gumawa ng meeting na sasalihan mo ngayon.
    • Calendar Mag-iskedyul sa Google Calendar: Para mag-iskedyul ng meeting, ididirekta ka sa Google Calendar app.

Mag-iskedyul ng video meeting mula sa Google Calendar app

  1. Buksan ang Google Calendar app Calendar.
  2. I-tap ang Magdagdag Event.
  3. Magdagdag ng mga bisita.
  4. I-tap ang Tapos na at pagkatapos ay I-save.

I-on ang Viewer ang lahat:

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Calendar.
  2. Gumawa ng bagong meeting at magdagdag ng mga bisita.
  3. Sa imbitasyon sa meeting sa Google Calendar, buksan ang Mga kontrol ng host .
  4. I-on ang Pamamahala ng host.
  5. Sa tab na "Mga Bisita," i-on ang Viewer ang lahat bilang default.
  6. Opsyonal: Magdagdag ng mga contributor.
    • Para makapagdagdag ng mga contributor, magdagdag ng mga bisita sa imbitasyon.
    • Tip: Kung hindi lalabas ang kanilang email, tiyaking naidagdag muna sila sa imbitasyon.

Alamin kung paano magtalaga ng pag-view lang na tungkulin sa Google Meet.

Kontrolin ang Access sa meeting sa pamamagitan ng mga kontrol ng host

Gamitin ang mga kontrol ng host para mapamahalaan kung sino ang puwedeng sumali sa iyong mga meeting.

  1. Sa Google Calendar, pumili ng event.
  2. I-tap ang Mga Setting .
  3. Sa tab na "Mga Kontrol ng Host," sa ilalim ng "Access sa meeting," pumili ng uri ng Access sa meeting:
    • Nakabukas: Magagawa ng sinumang may link sa meeting na sumali sa iyong mga meeting. Hindi kailangan ng kahit na sino na kumatok.
    • Pinagkakatiwalaan: Magagawa ng sinumang nasa organisasyon ng host na sumali nang hindi kumakatok. Magagawa ng sinumang nasa labas ng organisasyon, pero inimbitahan sa pamamagitan ng isang event sa Google Calendar, na sumali nang hindi kumakatok. Dapat ay kumatok ang lahat ng iba pa.
    • Pinaghihigpitan: Puwedeng sumali ang sinumang inimbitahan sa pamamagitan ng isang event sa Google Calendar o ng isang host mula sa meeting. Dapat ay kumatok ang lahat ng iba pa.
      • Hindi available para sa mga consumer na user.
  4. Opsyonal: Para piliin kung dapat kang maunang sumali sa meeting, i-on ang "Dapat maunang sumali ang host."
  5. I-tap ang I-save.

Tip: Nasa antas ng meeting ang mga setting, kaya puwedeng magkaroon ng magkakaibang opsyon sa pag-access ng meeting ang iba't ibang meeting. Pareho sa unang meeting ang mga magiging setting ng mga umuulit na meeting.

Matuto tungkol sa mga default na setting

  • Mga user ng enterprise: Itatakda sa “Pinagkakatiwalaan” ang lahat ng bagong meeting at puwedeng mauna sa iyo na sumali ang mga bisita mo bilang default.
  • Mga user ng Education: Itatakda sa “Pinaghihigpitan” ang mga bagong meeting na gagawin sa pamamagitan ng Google Classroom at hindi puwedeng mauna sa iyo na sumali ang mga bisita mo. Itatakda sa “Pinagkakatiwalaan” ang lahat ng iba pang bagong meeting at puwedeng mauna sa iyo na sumali ang mga bisita mo bilang default.
  • Mga consumer na user: Itatakda sa “Pinagkakatiwalaan” ang lahat ng bagong meeting at puwedeng mauna sa iyo na sumali ang mga bisita mo bilang default. Ituturing na “Pinagkakatiwalaan” ang sinumang iimbitahan sa pamamagitan ng imbitasyon sa Google Calendar.

Magsimula ng video meeting mula mismo sa Gmail o Chat

Magsimula ng video meeting nang direkta mula sa Gmail o Chat.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
14476858579265560661
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
713370
false
false