Gumamit ng mga kuwarto para sa breakout sa Google Meet


               

Gusto mo ba ng mga advanced na feature ng Google Workspace para sa iyong negosyo?

Subukan ang Google Workspace ngayon!

 

 

Puwedeng gamitin ng mga host ng meeting ang mga kuwarto para sa breakout para hatiin ang mga kalahok sa mas maliliit na grupo habang may mga meeting. Dapat simulan ng mga host ng meeting ang mga kuwarto para sa breakout habang may meeting sa isang computer. Sa kasalukuyan, hindi puwedeng i-live stream o i-record ang mga kuwarto para sa breakout.

Ang sinumang mag-iiskedyul o magsisimula ng meeting ang magiging host ng meeting. Kung ililipat o iiiskedyul mo ang isang meeting sa kalendaryo ng ibang tao, puwedeng ang taong iyon ang maging host ng meeting. Bilang default, iisa lang ang host ng meeting sa bawat meeting pero puwede kang magdagdag ng hanggang 25 co-host kapag nasa meeting na.

Pagiging Kwalipikado

Mga kinakailangan sa paggamit ng mga kuwarto para sa breakout
Available ang mga kuwarto para sa breakout sa mga edisyong ito ng Google Workspace:
  • Essentials
  • Business Standard
  • Business Plus
  • Enterprise Starter
  • Enterprise Essentials
  • Enterprise Standard
  • Enterprise Plus
  • Education Plus
  • Teaching and Learning Upgrade
  • Workspace Business
  • Nonprofits
  • Subscriber sa Workspace Individual

Puwede kang sumali sa mga kuwarto para sa breakout kung:

  • Gumagamit ka ng computer o ginagamit mo ang updated na bersyon ng mobile app ng Meet o Gmail .
  • Magda-dial in ka sa meeting gamit ang iyong telepono.
  • Naimbitahan ka sa pamamagitan ng tawag sa telepono.
  • Naka-sign in ka sa isang Google Account.
  • Isa kang anonymous na user (na hindi naka-sign in sa isang Google Account).
  • Gumagamit ka ng Hardware ng Meet.
    • Hindi puwedeng paunang magtalaga ng isang device ng Hardware ng Meet sa isang kuwarto para sa breakout bago ang meeting. Kailangan mong kumonekta mula sa isang meeting room ng Google Meet para maitalaga ka sa isang kuwarto para sa breakout.

Hindi ka makakasali sa mga kuwarto para sa breakout kung:

  • Hindi mo ginagamit ang mga updated na bersyon ng mobile app ng Meet o Gmail .
  • Gumagamit ka ng 3rd-party na device sa pakikipagkumperensya gamit ang video.

Puwede kang gumawa ng mga kuwarto para sa breakout para sa mga meeting sa Google Calendar kapag may ginagawa o ine-edit kang event. Puwede ka ring gumawa ng mga kuwarto para sa breakout habang may meeting. Mula sa pangunahing meeting lang puwedeng magdagdag ng mga co-host.

Tip: Kung mag-iimbita ka ng grupo sa Google sa isang meeting, hindi awtomatikong magiging available na ipamahagi sa mga kuwarto para sa breakout ang mga kalahok sa grupong iyon. Inirerekomendang indibidwal na imbitahan sa isang meeting ang mga kalahok mula sa isang grupo para madali silang maipamahagi sa mga kuwarto para sa breakout sa ibang pagkakataon.

Advance na gumawa ng mga kuwarto para sa breakout sa Google Calendar

Sa calendar.google.com piliin ang:

Para sa isang bagong meeting

  1. Gumawa ng bagong event sa Google Calendar.
  2. I-click ang Magdagdag ng pakikipagkumperensya gamit ang video sa Google Meet.
  3. Magdagdag ng mga kalahok.
  4. I-click ang Baguhin ang mga setting ng kumperensya .
  5. Sa kaliwa, i-click ang Mga kuwarto para sa breakout .
  6. Piliin ang bilang ng mga kuwarto para sa breakout, pagkatapos ay pumili ng opsyon:
    • I-drag ang mga kalahok sa iba't ibang kuwarto.
    • Direktang ilagay ang mga pangalan sa isang kuwarto.
    • I-click ang I-shuffle para haluin ang mga grupo
  7. I-click ang I-save.

Para sa isang dati nang meeting

  1. Magbukas ng dati nang event sa Google Calendar.
  2. I-click ang I-edit ang event .
  3. Sa ilalim ng "Mga detalye ng event," i-click ang Baguhin ang mga setting ng kumperensya .
  4. Sa kaliwa, i-click ang Mga kuwarto para sa breakout .
  5. Piliin ang bilang ng mga kuwarto para sa breakout, pagkatapos ay pumili ng opsyon:
    • I-drag ang mga kalahok sa iba't ibang kuwarto.
    • Direktang ilagay ang kanilang pangalan sa isang kuwarto.
    • I-click ang I-shuffle para haluin ang mga grupo.
  6. I-click ang I-save.

Gumawa ng mga kuwarto para sa breakout habang may meeting

  1. Sa iyong computer, magsimula ng meeting.
  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Mga Aktibidad at pagkatapos ay Mga kuwarto para sa breakout.
  3. Sa panel ng paggawa ng Mga kuwarto para sa breakout, piliin ang bilang ng mga kuwarto para sa breakout. Puwede kang gumawa ng hanggang 100 kuwarto para sa breakout sa isang tawag.
  4. Hahatiin ang mga kalahok sa tawag sa mga kuwarto. Para manual na makapaglipat ng mga tao sa iba't ibang kuwarto, puwede mong:
    • Direktang ilagay ang pangalan ng kalahok sa isang kuwarto para sa breakout.
    • I-drag at i-drop ang pangalan ng isang kalahok sa ibang kuwarto para sa breakout.
    • I-click ang I-shuffle para random na paghalu-haluin ang mga grupo.
  5. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Buksan ang mga kuwarto.

Tip: May lalabas na notification sa ibaba ng screen sa tuwing may mga kalahok na hihingi ng tulong sa host. Para sumali sa kuwarto para sa breakout ng kalahok, i-click ang Sumali. Para bumalik sa tanong na iyon sa ibang pagkakataon, i-click ang Sa Ibang Pagkakataon. Sa panel ng kuwarto para sa breakout, may lalabas na banner na “Humingi ng tulong” sa itaas ng mga kuwartong humihingi ng tulong.

Mga opsyonal na feature ng kuwarto para sa breakout
  1. Opsyonal: Para alisin ang mga kalahok na wala sa meeting sa kasalukuyan o para gawin ulit ang iyong mga kuwarto para sa breakout:
    • Sa itaas ng panel ng kuwarto para sa breakout, i-click ang I-clear . Sa ibaba, i-click ang I-clear sa lalabas na notification na "I-clear ang mga nakadiskonektang user."
    • Tip: Kung gagamitin mo ulit ang isang link ng meeting kung saan dati nang nag-set up ng mga kuwarto para sa breakout, kapag na-clear ang mga nakadiskonektang user, maililipat ang lahat ng kalahok sa pangunahing kuwarto at maa-undo ang anumang nakaraang kuwarto para sa breakout.
  2. Opsyonal: Puwede kang mag-set up ng timer para sa iyong mga kuwarto para sa breakout. Ang bawat kuwarto ay magpapakita ng 30 segundong countdown bago matapos ang timer.
    • Sa itaas ng panel ng mga kuwarto para sa breakout, i-click ang Timer Walang laman na hourglass.
    • Itakda ang tagal ng timer, pagkatapos ay i-click ang OK.
    • Tip: Puwede mong i-edit o alisin ang timer anumang oras. Sa panel ng kuwarto para sa breakout, i-click ang Timer Walang laman na hourglass para i-edit ito.
Alamin kung paano gumagana ang mga feature na pangkaligtasan sa Mga kuwarto para sa breakout
Para mapanatiling mas secure ang mga meeting, puwedeng gamitin ng mga user ng Google Meet ang mga sumusunod na feature na pangkaligtasan ng meeting:

Mga Lock: Kung naka-on ang Pamamahala ng Host bago gawin ang mga kuwarto para sa breakout, mailalapat sa lahat ng kuwarto ang mga pagbabagong gagawin sa anumang lock. Kung may mga pagbabagong gagawin sa alinman sa mga lock na ito pagkatapos gawin ang mga kuwarto para sa breakout, sa kuwarto lang na pagtatakdaan ng mga ito mailalapat ang mga pagbabago.

Kung gagawin ang mga kuwarto para sa breakout habang naka-off ang setting ng Pamamahala ng Host, hindi mo mao-on ang Pamamahala ng Host, at hindi magagamit ang mga feature na pangkaligtasan ng meeting o ang mga kuwarto para sa breakout.

Sa ganitong sitwasyon, kailangan ng Mga Host na:

  1. Tapusin ang Mga kuwarto para sa breakout.
  2. I-on ang Pamamahala ng Host.
  3. Buksan ulit ang mga kuwarto para sa breakout.

Mag-edit ng mga kuwarto para sa breakout, o sumali o umalis sa mga ito

Kapag nakagawa ka na ng mga kuwarto para sa breakout, puwede kang gumawa ng mga pagbabago sa mga kuwarto o sumali sa bawat kuwarto para sa breakout para subaybayan ang mga talakayan at makibahagi sa mga ito.

Tip: Hindi makikita ng mga host ng meeting ang naging palitan ng mga mensahe sa chat ng mga kalahok bago sila sumali o pagkatapos nilang umalis sa isang kuwarto para sa breakout.

  • Para gumawa ng mga pagbabago sa mga grupo ng kalahok o bilang ng mga kuwarto para sa breakout, i-click ang I-edit ang mga kuwarto . Kapag nagawa mo na ang iyong mga pagbabago, i-click ang I-save.
    • Tip: Bago lumipat sa ibang kuwarto, dapat i-click ng mga kalahok ang Sumali.
  • Para sumali sa isang indibidwal na kuwarto para sa breakout, sa tabi ng numero ng kuwarto para sa breakout, i-click ang Sumali.
  • Para umalis sa lahat ng kuwarto para sa breakout at bumalik sa pangunahing kuwarto, sa tabi ng kasalukuyang kuwarto para sa breakout, i-click ang Umalis.

Tapusin ang mga kuwarto para sa breakout

  1. Sa panel ng mga kuwarto para sa breakout, sa kanang bahagi sa itaaas, i-click ang Isara ang mga kuwarto .
  2. Sa lalabas na window ng notification, i-click ang Isara ang lahat ng kuwarto.

Mahalaga: Magkakaroon ang mga kalahok ng 30 segundo para matapos ang kanilang talakayan sa kuwarto para sa breakout bago sila awtomatikong maibalik sa pangunahing kuwarto.

Para isara ang lahat ng kuwarto bago matapos ang 30 segundong timer, pumunta sa panel ng mga kuwarto para sa breakout at i-click ang Isara ang mga kuwarto

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11417015965048969224
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
713370
false
false