Gamitin ang Mga Transcript sa Google Meet


               

Gusto mo ba ng mga advanced na feature ng Google Workspace para sa iyong negosyo?

Subukan ang Google Workspace ngayon!

 

 

Puwede kang makatanggap ng naka-automate na transcript ng iyong meeting.

Alamin kung aling mga edisyon ng Google Workspace ang may Mga Transcript
  • Business Standard
  • Business Plus
  • Enterprise Starter
  • Enterprise Standard
  • Enterprise Plus
  • Teaching & Learning Upgrade
  • Education Plus
  • Workspace Individual

Mahalaga:

  • Kasalukuyang available ang feature na Mga Transcript para sa mga user ng Google Meet sa computer o laptop.
  • Hindi tumpak ang mga transcript ng meeting ng mga wika maliban sa English.
  • Naka-on bilang default ang mga transcript ng meeting para sa lahat ng edisyon ng Workspace maliban sa Google Workspace for Education na may lisensya ng mag-aaral, kung saan naka-off bilang default ang mga transcript ng meeting. Matuto pa tungkol sa mga setting ng Mga Transcript.

Puwede ka lang mag-record ng mga transcript ng meeting kung may sapat na bakanteng espasyo sa dalawa:

  • Google Drive ng organisasyon ng Workspace mo
  • Drive ng host ng meeting

I-on ang Mga Transcript sa Google Meet

Mahalaga:

  • Sine-save ang mga transcript sa Google Drive ng organizer ng meeting.
  • Nakapaloob sa mga transcript ang mga salitang sinabi sa isang meeting, pero hindi ang mga mensahe sa chat mula sa meeting.

Kung naka-off ang pamamahala ng host, puwedeng i-on ng sinuman mula sa domain ng host ang Mga Transcript. Kung naka-on ang pamamahala ng host, ang host at mga co-host lang ang puwedeng mag-on sa Mga Transcript.

  1. Sa iyong computer, sumali o magsimula ng meeting sa Google Meet.
  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Mga Aktibidad at pagkatapos ay Mga Transcript at pagkatapos ay Simulan ang Transcription at pagkatapos ay Simulan.

Tip: Kapag naka-on ang mga transcript ng meeting, may lalabas na icon ng Mga Transcript sa kaliwang bahagi sa itaas para sa lahat ng nasa meeting.

Para ihinto ang Mga Transcript:

  1. I-click ang Mga Aktibidad at pagkatapos ay Mga Transcript at pagkatapos ay Ihinto ang Transcription at pagkatapos ay Ihinto.

Mga Tip:

  • Kapag umalis sa meeting ang lahat ng kalahok, awtomatikong ihihinto ang Mga Transcript.
  • Hindi mo puwedeng i-pause ang Mga Transcript, pero puwede mong ihinto ang isang transcript ng meeting at magsimula ng bago sa parehong meeting.
    • Makakakuha ka ng hiwalay na file ng transcript sa tuwing sisimulan mo ang Mga Transcript.

Maghanap ng transcript

Pagkatapos ng iyong meeting, isang naka-automate na email na may link sa transcript ng meeting ang ipapadala sa:

  • Host
  • Sinumang co-host
  • Taong nag-on ng Mga Transcript

Tip: Mas matagal iproseso ang mga transcript ng mas mahahabang meeting. Maglaan ng oras para sa pagdating ng iyong naka-automate na email.

Naka-attach rin ang transcript sa event sa Google Calendar ng meeting.

  • Puwedeng buksan ang attachment ng lahat ng inimbitahan sa organisasyon ng host.
  • Kung mayroong mahigit sa 200 inimbitahan sa organisasyon ng host, available lang ang transcript sa host, mga co-host, at sa taong nag-on ng Mga Transcript sa meeting
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
256930098467193317
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
713370
false
false