Magkonekta ng Google Account sa Meet

Para magamit ang Google Meet, kailangan mong ikonekta ang iyong Google Account at, opsyonal, ang numero ng telepono mo. Awtomatikong idaragdag sa Meet ang iyong mga available na Google Account kapag binuksan mo ang app. Kapag ikinonekta mo ang iyong Google Account sa account mo sa pagtawag sa Meet app:

  • Puwede mong gamitin ang pagtawag sa Meet sa iba't ibang device.
  • Magagawa ng mga taong nakakaalam sa iyong numero ng telepono o sa impormasyon ng Google Account mo, gaya ng iyong Gmail address, na:
    • Tukuying gumagamit ka ng pagtawag sa Meet.
    • Tawagan ka gamit ang Meet app.

Idagdag ang iyong Google Account sa Meet

Sa iyong computer, para magamit ang pagtawag sa maraming device at ma-access ang mga feature ng Meet, kailangan mong idagdag ang iyong Google Account bukod pa sa numero ng telepono mo. Alamin kung paano magsimula sa pagtawag sa Google Meet.

  1. Sa iyong computer, mag-sign in sa meet.google.com/calling/.
  2. Mag-sign in gamit ang iyong Google Account.
    • Awtomatikong idaragdag ng Meet ang mga available na Google Account.

I-delete ang iyong Account sa Pagtawag sa Meet?

Mahalaga: Kung aalisin mo ang iyong Google Account, hindi mo magagamit ang pagtawag sa Meet sa anumang device o sa web.

Para alisin ang iyong Google Account sa Meet sa browser mo:

  1. Sa iyong computer, mag-sign in sa meet.google.com/calling/.
  2. Sa kanang bahagi itaas, i-click ang Mga Setting .
  3. I-click ang Account at pagkatapos ay I-delete ang account sa pagtawag.
  4. I-click ang I-delete ang account.

 

 

 

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
18303169057619077490
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
713370
false
false