Mag-troubleshoot ng mga isyu sa camera sa isang meeting

Sa page na ito

Bago ka magsimula

Kung mayroon kang isyu sa iyong camera sa isang meeting, ganito mo ito maaayos:

  • Tingnan kung gumagana ang iyong camera sa ibang app, gaya ng FaceTime sa macOS o Camera app sa Windows 10.
    • Pagkatapos, tiyaking walang iba pang app na nakaka-access sa iyong camera sa kasalukuyan. Isara ang anumang app na gumagamit sa camera, pagkatapos ay i-reload ang Google Meet.
  • Alamin kung paano pahusayin ang performance ng iyong Wi-Fi o network.

I-update ang iyong browser

I-update ang iyong browser para makuha ang mga pinakabagong pag-aayos sa software.

Payagan ang Google Meet na i-access ang iyong camera

​Kailangan ng Meet ng pahintulot para magamit ang iyong camera at mikropono. Dapat kang magbigay ng access sa unang beses na sumali ka sa isang video meeting. Bago ka sumali sa meeting, i-enable ang iyong camera.

Para payagan ang Meet na gamitin ang iyong camera at mikropono:

  1. Habang nasa isang meeting, pumunta sa address bar at i-click ang Camera .
  2. Piliin ang Palaging payagan at pagkatapos ay Tapos na.

Payagan ang Google Chrome na i-access ulit ang iyong camera

Tingnan ang iyong mga pahintulot para sa site sa Chrome

Tiyaking magbibigay ka ng access sa camera sa site na gusto mong gamitin. Puwede mong payagan ang lahat ng site na gamitin ang iyong camera, o puwedeng ang partikular na site lang kung nasaan ka ang payagan mo. Matuto pa tungkol sa mga pahintulot para sa site.

Mahalaga: Kadalasan, nangyayari ang error na “Nagkaproblema sa camera” dahil hindi ma-access ng browser ang camera.

Sa mga computer na may Chrome, dapat mong payagan ang browser na i-access ang iyong camera. Para magbigay ulit ng pahintulot:

  1. Sa address bar ng Chrome, ilagay ang chrome://settings/content/camera.
  2. Sa ilalim ng “Default na Gawi,” Piliin ang puwedeng hilingin ng Sites na gamitin ang iyong camera.
  3. I-disable ang setting na "Magtanong bago i-access."
  4. Kung mayroon, sa ilalim ng "Pinapayagang gamitin ang iyong camera," sa tabi ng “https://meet.google.com:443,” i-click ang I-delete Delete.
  5. I-refresh ang page ng Google Meet.
  6. Kapag na-prompt, magbigay ng access sa camera.

Payagang i-access ang camera sa iba pang browser na bukod pa sa Chrome

Payagan ang iyong system o device na i-access ang camera mo

Mahalaga: Para makita ka, tiyaking naka-on ang iyong camera at naa-access ng computer at browser mo ang camera.

I-enable ang access sa camera sa Chromebook
  1. Sa iyong Chromebook, sa kanang bahagi sa ibaba, piliin ang oras at pagkatapos ay Mga Setting Mga Setting.
  2. Sa kaliwa, piliin ang Seguridad at Privacy at pagkatapos ay Mga kontrol sa privacy.
  3. I-on ang Access sa camera.
I-enable ang access sa camera sa macOS Mojave at mas bago

Sa mga computer na may macOS Mojave bersyon 10.14 at mas bago, dapat kang magbigay ng access sa camera para sa iyong web browser. Kung hindi mo ito gagawin, hindi magagawa ng Meet na mag-access ng video mula sa iyong device.

  1. Pumunta sa System Preferences at pagkatapos ay Security & Privacy.
  2. Piliin ang Privacy at pagkatapos ay Camera.
  3. Lagyan ng check ang kahon para sa app na gumagamit ng Meet (Google Chrome, Firefox, Safari, o Edge).
I-enable ang access sa camera sa Windows
  1. Sa iyong computer, piliin ang Magsimula at pagkatapos ay Mga Setting Mga Setting.
  2. Piliin ang Privacy at seguridad at pagkatapos ay Camera.
  3. I-on ang Access sa camera at Hayaan ang mga app na i-access ang iyong camera.

Tip: Nagbibigay-daan ang setting na ito sa sinumang user sa device na piliin kung gusto ba nilang ma-access ng mga app ang camera.

Alamin kung bakit itim ang iyong screen o nakaekis ang icon na camera

Tingnan kung may isyu sa hardware ng camera
  1. Sa iyong device, buksan ang built-in na camera app, tulad ng Camera o Photo Booth.
  2. Kung ipinapakita ng preview ng sarili ng camera ang iyong larawan pero hindi ito ipinapakita ng Google Meet, tiyaking naa-access ng Google Meet ang camera mo:
  3. Kung hindi ipinapakita ng preview ng sarili ng camera ang iyong larawan, para buksan ang cover ng camera o switch ng privacy, subukan ang mga hakbang sa ibaba.
Buksan ang cover ng camera o switch ng privacy

Mahalaga:

  • Hindi lahat ng device ay may cover ng camera o switch ng privacy.
  • Posibleng nasa itaas o gilid ng iyong device ang cover o switch.
  • Gumagamit ng orange, pula, o amber na ilaw ang ilang modelo kapag naka-on ang switch ng privacy.
  1. Para makita ang cover ng camera, sa itaas ng lens ng camera, tingnan kung may slider.
    • Para sa karamihan ng mga modelo, ang cover ng camera ay isang aktwal na slider na nasa itaas ng lens. Halimbawa, natatakpan ng slider ang lens ng camera ng Lenovo.

      May nakaharang na slider sa lens ng camera ng Lenovo

  2. Kung wala kang makikitang slider sa itaas ng lens, tingnan kung may aktwal na switch sa magkabilang gilid ng iyong device.
    • Switch ng privacy ang ginagamit ng ilang modelo, sa halip na cover ng camera. Halimbawa, naka-on ang switch ng privacy ng camera sa HP Chromebook.

      HP Chromebook kung saan naka-on ang switch ng privacy ng camera

  3. Para i-unblock ang lens ng camera, ilipat ang slider o switch sa naka-off na posisyon.
  4. Subukan ang camera sa built-in na Camera app o sa Google Meet.

Tip: Kung hindi lalabas ang preview ng sarili ng camera:

Baguhin ang privacy mode sa mga setting ng iyong camera

Mahalaga: May switch ng privacy ayon sa software ang ilang device. Posibleng naka-off ito sa iyong camera o mga setting ng device.

  1. Sa iyong device, pumunta sa Mga Setting.
  2. Hanapin ang mga setting ng camera mo.
  3. I-off ang switch ng privacy na batay sa software.

Tip: Posibleng iba ang mga tagubilin sa iyong device.

Halimbawa ng mga Chrome at Firefox browser na nagpapakita ng lens ng camera na bina-block ng switch ng privacy ayon sa software

Halimbawa ng mga Chrome at Firefox browser na nagpapakita ng lens ng camera na bina-block ng switch ng privacy ayon sa software

I-reset ang hardware ng iyong Chromebook

Kung hindi gagana ang camera at kung walang cover ng camera o switch ng privacy:

  1. I-reset ang hardware ng iyong Chromebook.
  2. Subukan ang camera sa built-in na Camera app o sa Google Meet.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13742955735261938097
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
713370
false
false