Mag-troubleshoot ng mga isyu sa audio sa Google Meet

Sa page na ito

Bago ka magsimula

Kung mayroon kang isyu sa iyong audio sa isang meeting, ganito mo ito maaayos.

Tip: Kung mayroon kang mga isyu sa mikropono at speaker pero may kaunting audio, puwede mong i-troubleshoot ang kalidad ng video at audio sa isang meeting.

  • Piliin ang tamang mikropono o speaker. Alamin kung paano ikonekta ang iyong video at audio.
  • Tingnan kung maayos na nakakonekta ang mga setting ng Bluetooth™ ng iyong computer at naka-on ang mga device.
  • Tiyaking hindi ka naka-mute.
  • Sa kanang sulok sa itaas ng mga tile ng video, tiyaking umiilaw ang asul na indicator kapag may nagsasalita. Kung hind ito umiilaw para sa:
    • Ibang kalahok: Malamang ay sa mikropono nila ang isyu. Kung hindi naman, puwedeng may isyu sa iyong speaker.
    • Iyong tile: Malamang ay sa mikropono mo ang isyu Kung hindi naman, puwedeng isyu ito sa speaker ng ibang kalahok.

I-update ang iyong browser

I-update ang iyong browser para makuha ang mga pinakabagong pag-aayos sa software.

Kahit umalis ka sa Chrome, hindi maaayos ang problema dahil hindi nito ire-reset ang mga app o extension na gumagamit ng iyong mikropono. Para i-reset ang mga app o extension na ito, i-restart ang Chrome browser. Kapag ni-restart mo ang Chrome browser, magbubukas ulit ang iyong mga tab at window.

  1. Sa iyong browser, ilagay ang chrome://restart.
  2. I-on ang iyong mikropono at camera.
  3. Sumali ulit sa video meeting.

Payagan ang Google Meet na i-access ang iyong mikropono

Para magamit ang iyong mikropono sa Chrome, kailangan ng pahintulot ng Meet. Hihilingin sa iyo na magbigay ng access sa unang beses na sumali ka sa isang video meeting.

Para payagan ang Meet na gamitin ang iyong camera at mikropono:

  1. Habang nasa isang meeting, pumunta sa address bar at i-click ang Camera .
  2. Piliin ang Palaging payagan at pagkatapos ay Tapos na.

Payagan ang iyong browser na i-access ang mikropono mo

Tingnan ang iyong mga pahintulot para sa site sa Chrome

Tiyaking magbibigay ka ng access sa mikropono sa site na gusto mong gamitin. Puwede mong payagan ang lahat ng site na gamitin ang iyong mikropono, o puwedeng ang partikular na site lang kung nasaan ka ang payagan mo. Matuto pa tungkol sa mga pahintulot para sa site.

Sa mga computer na may Chrome, dapat mong payagan ang browser na i-access ang iyong mikropono. Para magbigay ulit ng pahintulot:

  1. Sa address bar ng Chrome, ilagay ang chrome://settings/content/microphone.
  2. Sa ilalim ng “Default na Gawi,” Piliin ang puwedeng hilingin ng I-disable ang mikropono Sites na gamitin ang iyong mikropono.
  3. Kung mayroon, sa ilalim ng "Pinapayagang gamitin ang iyong mikropono," sa tabi ng “https://meet.google.com:443,” i-click ang I-delete Delete.
  4. I-refresh ang page ng Google Meet.
  5. Kapag na-prompt, magbigay ng access sa camera at mikropono.

Magbigay ng access sa mikropono sa iba pang browser

Payagan ang iyong system o device na i-access ang mikropono mo.

I-enable ang access sa mga mikropono sa Chromebook
  1. Sa iyong Chromebook, sa kanang bahagi sa ibaba, piliin ang oras at pagkatapos ay Mga Setting Mga Setting.
  2. Sa kaliwa, piliin ang Seguridad at Privacy at pagkatapos ay Mga kontrol sa privacy.
  3. I-on ang Access sa mikropono.
I-enable ang access sa mikropono sa macOS Mojave at mas bago

Sa mga computer na may macOS Mojave bersyon 10.14 at mas bago, dapat kang magbigay ng access sa mikropono para sa iyong web browser. Kung hindi mo ito gagawin, hindi magagawa ng Meet na mag-access ng video mula sa iyong device.

  1. Pumunta sa System Preferences at pagkatapos ay Security & Privacy.
  2. Piliin ang Privacy at pagkatapos ay Mikropono.
  3. Lagyan ng check ang kahon para sa app na gumagamit ng Meet (Google Chrome, Firefox, Safari, o Edge).
I-enable ang access sa mikropono sa Windows
  1. Sa iyong computer, piliin ang Magsimula at pagkatapos ay Mga Setting.
  2. Piliin ang Privacy at seguridad at pagkatapos ay Mikropono.
  3. I-on ang Access sa mikropono at Hayaan ang mga app na i-access ang iyong mikropono.

Tip: Nagbibigay-daan ang setting na ito sa sinumang user sa device na piliin kung gusto ba nilang ma-access ng mga app ang mikropono.

I-enable ang access sa mikropono sa Linux
  1. Sa iyong device, buksan ang Mga setting ng tunog.
  2. I-click ang Input.
  3. Piliin ang setting ng mikroponong device.
  4. Tiyaking naka-on ang mikropono.
  5. Para baguhin ang volume, ilipat ang slider ng volume.
  6. I-click ang OK.

I-unmute ang iyong sarili sa Meet at sa mga setting ng device mo

Puwede kang i-mute ng ibang tao para mabawasan ang ingay sa background, pero hindi ka nila maa-unmute.

  1. I-on ang iyong mikropono.
  2. Sa ibaba ng screen, i-click ang Naka-on ang pag-mute .

Tandaan: Para sa mga meeting na na-organize sa pamamagitan ng isang personal na Google Account, ang organizer lang ng meeting ang makakapag-mute ng ibang kalahok.

I-unmute ang iyong Windows device
  1. Buksan ang Mga setting ng tunog.
  2. I-click ang Recording.
  3. May-double click sa Mikropono.
  4. Piliin ang Mga Level.
  5. Tiyaking naka-on ang mikropono.
  6. Para lakasan ang volume, ilipat ang slider ng volume.
  7. I-click ang OK.
I-unmute ang iyong Mac device
  1. Pumunta sa System Preferences.
  2. I-click ang Sound at pagkatapos ay Input.
  3. Tiyaking naka-on ang mikropono.
  4. Para lakasan ang volume gamit ang slider ng volume.

Awtomatikong ise-save ang setting ng volume.

I-unmute ang iyong Linux device
  1. Buksan ang Mga setting ng tunog.
  2. I-click ang Input.
  3. Piliin ang setting ng mikroponong device.
  4. Tiyaking naka-on ang mikropono.
  5. Para lakasan ang volume, ilipat ang slider ng volume.
  6. I-click ang OK.
I-reset ang iyong mikropono gamit ang CLI (advanced)

I-release ang mikropono ng iyong computer mula sa iba pang app o extension na posibleng gumagamit nito.

Tip: Posibleng kailanganin mo ng mga pribilehiyong pang-administrator sa iyong computer para magawa ito.

  1. Pumunta sa Mga Application at pagkatapos Mga Utility at mag-double click sa Terminal.
  2. Sa Terminal window, ilagay ang sudo killall coreaudiod at pindutin ang Enter.
  3. Ilagay ang iyong password at pindutin ang Enter.
  4. Sumali ulit sa video meeting sa Meet.

Bakit mas mahina ang ilang tunog sa Windows?

Kapag nasa isang meeting ka, binabawasan ng Windows ang ingay mula sa ibang source. Ito ay hindi dahil sa Meet, pero isang function ng Windows.

Puwedeng marinig ng ibang kalahok ang aking screen reader, music player, o iba pang application

Depende sa iyong operating system at audio device, puwedeng marinig ng ibang kalahok ang mga tunog mula sa ibang tab ng browser o application. Para hindi masagap ng mikropono ang ibang tunog, gumamit ng headphones.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8702214788829598857
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
713370
false
false