Gamitin ang Google Meet sa Google Docs, Sheets, Slides, at Jamboard

Mula sa Google Docs, Sheets, Slides, o Jamboard, magagawa mong:

  • Sumali sa isang video meeting sa Google Meet
  • Direktang mag-present sa isang video meeting sa Google Meet

Important: To join a Google Meet video meeting or present from Google Docs, Sheets, Slides, or Jamboard, you must use a computer with a Chrome or Edge browser.

Sumali sa isang video meeting sa Google Meet mula sa iyong Doc, Sheet, Slides, o Jamboard

  1. Sa iyong computer, magbukas ng file sa isa sa mga sumusunod na program:
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Meet .
  3. Pumili ng opsyon:
    • Para sumali sa isang nakaiskedyul na meeting, i-click ang pangalan ng meeting na gusto mong salihan.
    • Para sumali sa isang meeting na may code ng meeting, i-click ang Gumamit ng code ng meeting at pagkatapos ay Maglagay ng code.
  4. Para dalhin ang meeting sa iyong dokumento, spreadsheet, presentation, o whiteboard, i-click ang Sumali sa tawag. Sa kanan, isang panel sa gilid ang magpapakita sa iyong meeting.​
    • Kung na-click mo ang “Sumali sa tawag,” hindi mo mape-present ang iyong file o hindi mo mababago kung paano pinapanood ng ibang kalahok ang meeting.
  5. Para i-present ang iyong dokumento, spreadsheet, presentation, o whiteboard, sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Ibahagi ang screenIbahagi ang screen, at pagkatapos ay piliin ang tab kung nasaan ka, at i-click ang Ibahagi.
    • Mahalaga: Kapag nag-present ka ng tab mula sa iyong dokumento, spreadsheet, presentation, o whiteboard, hindi mo mapipili kung aling tab ang ipe-present mo. Para magpalipat-lipat sa pagitan ng mga tab habang nagpe-present ka, puwede kang mag-present na lang mula sa Google Meet.
  6. Para ihinto ang iyong presentation, sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Ihinto ang pag-present Kanselahin ang presentation.

Magsimula ng bagong video meeting sa Google Meet mula sa iyong file

  1. Sa iyong computer, magbukas ng file sa Google Docs, Sheets, Slides, o Jamboard.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Meet .
  3. Para magsimula ng bagong meeting, i-click ang Magsimula ng bagong meeting. Sa kanan, isang panel sa gilid ang magpapakita sa iyong meeting.
  4. Para mag-imbita ng mga tao sa iyong meeting at:
    • Magdagdag ng ibang tao sa tawag: Sa tabi ng “Ang video call na ito lang,” i-click ang Kopyahin .
    • Magdagdag ng ibang tao sa tawag at makipag-collaborate sa file: Sa tabi ng “Ang file at video call na ito,” i-click ang Kopyahin .
  5. Para i-present ang iyong dokumento, spreadsheet, presentation, o whiteboard, sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Ibahagi ang screenIbahagi ang screen, at pagkatapos ay piliin ang tab kung nasaan ka, at i-click ang Ibahagi.
    • Para ihinto ang iyong presentation, sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Ihinto ang pag-present Kanselahin ang presentation.
    • Mahalaga: Kapag nag-present ka ng tab mula sa iyong dokumento, spreadsheet, presentation, o whiteboard, hindi mo mapipili kung aling tab ang ipe-present mo. Para magpalipat-lipat sa pagitan ng mga tab habang nagpe-present ka, puwede kang mag-present na lang mula sa Google Meet.
  6. Para umalis sa iyong video meeting, sa kaliwang bahagi sa ibaba, i-click ang Umalis sa tawag Tapusin ang tawag.

Maglipat ng video meeting sa Google Meet sa iyong file

Puwede kang direktang maglipat ng video meeting sa Google Meet sa iyong tab na Doc, Sheet, o Slides sa parehong device.

  1. Sa iyong computer, pumunta sa Google Meet.
  2. Sumali sa isang meeting
  3. Magbukas ng file sa Google Docs, Sheets, Slides , o Jamboard kung saan mo gustong ilipat ang video meeting sa Google Meet.
  4. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Meet .
  5. I-click ang Dalhin dito ang tawag.
    • Kapag dinala mo ang isang video meeting sa isang dokumento, spreadsheet, presentation, o whiteboard, hindi nito ipe-present ang iyong tab.
    • Para i-present ang iyong dokumento, spreadsheet, presentation, o whiteboard, sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Ibahagi ang screenIbahagi ang screen, at pagkatapos ay piliin ang tab kung nasaan ka, at i-click ang Ibahagi.​
      • Mahalaga: Kapag nag-present ka ng tab mula sa iyong dokumento, spreadsheet, presentation, o whiteboard, hindi mo mapipili kung aling tab ang ipe-present mo. Para magpalipat-lipat sa pagitan ng mga tab habang nagpe-present ka, puwede kang mag-present na lang mula sa Google Meet.
  6. Para umalis sa iyong video meeting, sa kaliwang bahagi sa ibaba, i-click ang Umalis sa tawag Tapusin ang tawag.
Mag-present mula sa iyong file papunta sa isang video meeting sa Google Meet

 Puwede kang direktang mag-present mula sa isang file sa Google Docs, Sheets, Slides, o Jamboard papunta sa isang video meeting sa Google Meet. Kapag ginamit mo ang opsyong ito, hindi available ang iyong mikropono, speaker, at camera.

  1. Sumali sa isang video meeting sa Google Meet.
  2. Magbukas ng file sa Docs, SheetsSlides, o Jamboard.
  3. Sa itaas, i-click ang Meet .
  4. Pumili ng opsyon:
  5. I-click ang Ang tab lang na ito ang i-present.
    • Mahalaga: Kung wala ka pang nakabukas na meeting at na-click mo ang Ang tab lang na ito ang i-present, ipe-present mo ang iyong file pero hindi mo makikita ang video meeting sa Google Meet sa tab na file. Para tingnan ang iyong dokumento, spreadsheet, presentation, o whiteboard, at ang video meeting sa Google Meet sa isang tab habang nagpe-present ka, sundin ang mga hakbang para sumali sa isang video meeting mula sa Docs, Sheets, o Slides.
  6. Piliin ang tab kung nasaan ka.
  7. Para magbahagi ng tab, i-click ang Ibahagi.
    • Mahalaga: Kapag nag-present ka ng tab mula sa iyong dokumento, spreadsheet, presentation, o whiteboard, hindi mo mapipili kung aling tab ang ipe-present mo. Para magpalipat-lipat sa pagitan ng mga tab habang nagpe-present ka, puwede kang mag-present na lang mula sa Google Meet.
  8. Sa Meet, direktang tingnan ang iyong pine-present na content sa meeting.

Nagbabahagi ng mga link para sa isang video meeting mula sa iyong file

Kapag gumagamit ka ng Google Docs, Sheets, o Slides file habang nasa video meeting sa Google Meet, puwede mong ibahagi ang link ng file sa lahat ng kalahok ng meeting. Puwede mo ring ibahagi ang URL para sa video meeting.

Ibahagi ang link para sa Docs, Sheets, o Slides file
Puwede mong ibahagi ang iyong link ng file sa lahat ng kalahok ng meeting sa pamamagitan ng chat sa Meet.
  1. Sa iyong computer, magbukas ng file sa isa sa mga sumusunod na program:
  2. Sumali sa isang video meeting sa Google Meet mula sa iyong file o mag-present mula sa file mo papunta sa video meeting.
  3. Kung:
    • Kakatapos mo lang i-present ang iyong file sa video meeting, sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Ibahagi ang screen Ibahagi ang screen.
    • Sumali ka sa tawag mula sa iyong file, sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang .
  4. I-click ang Ibahagi ang file sa Chat ng Meeting.
  5. Kung walang access ang mga kalahok ng meeting sa isang file na pagmamay-ari mo o file na mayroon kang access sa pag-edit, posibleng may lumabas na pop-up window. Para pagpasyahan kung ano ang magiging tungkulin ng mga tao sa iyong file, piliin ang Tumitingin, Tagakomento, o Editor.
    • Tip: Kung pagmamay-ari mo o mayroon kang access sa pagbabago sa Event sa kalendaryo, maa-attach din ang file sa Event sa kalendaryo. Kung ayaw mong i-attach ang file, i-deselect ang "I-attach ang file sa Event sa kalendaryo."
  6. I-click ang Ibahagi sa chat sa Meet

Ibahagi ang link para sa video meeting

  • Ibahagi ang video meeting:
    1. Sa kanan, i-click ang Higit pa More and then Mga Tao.
    2. Mula sa “Magbahagi ng link para idagdag ang iba,” i-click ang Ang video call na ito lang.
  • Ibahagi ang video meeting at file:
    1. Sa kanan, i-click ang Higit pa More and then Mga Tao.
    2. Mula sa “Magbahagi ng link para magdagdag ng iba,” i-click ang Ang file at video call na ito.

Alamin ang tungkol sa mga tip sa pag-troubleshoot

“Mayroon akong mga isyu sa audio o video.”

  • Kung hindi mo marinig ang audio sa iyong tab na dokumento, spreadsheet, presentation, o whiteboard, tingnan kung naka-mute ang site:
    1. Sa itaas, mag-right click sa tab.
    2. I-click ang I-unmute ang site.
  • Kung hindi gumagana ang iyong mikroprono o camera sa dokumento, spreadsheet, o presentation mo, tingnan kung may naka-block na pag-access sa camera o mikropono sa "docs.google.com."

“Hindi mo magamit ang lahat ng aking feature sa Google Meet.”

  • Kapag dinala mo ang isang video meeting sa Google Meet sa isang dokumento, spreadsheet, o presentation, hindi available ang ilang feature ng Google Meet. Halimbawa, hindi mo magagawang:
    • Baguhin ang iyong background
    • Gumawa ng mga poll o Q&A na session
  • Para gamitin ang mga feature na ito, puwede mong ilipat ang iyong video meeting mula sa iyong dokumento, spreadsheet, presentation, o whiteboard sa Google Meet. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Pop-out Buksan sa bago (i-pop out) .

“Hindi ako makapag-present ng ibang tab.”

Kapag nag-present ka ng tab mula sa iyong dokumento, spreadsheet, presentation, o whiteboard, dapat mong piliin ang tab para sa file na iyon. Kung pipili ka ng ibang window o tab, hindi ka puwedeng mag-present ng tab. Para magpalipat-lipat sa pagitan ng mga tab habang nagpe-present ka, puwede kang mag-present na lang mula sa Google Meet.

Related resources

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12429755197268676611
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
713370
false
false