Sumubaybay ng attendance at tumingin ng ulat sa Live stream

Pagiging Kwalipikado

  • Available ang pagsubaybay sa attendance sa mga user ng Google Workspace Essentials, Business Plus, Enterprise Starter, Enterprise Essentials, Enterprise Standard, Enterprise Plus, Education Plus, at Teaching and Learning Upgrade. 
  • Available lang ang mga ulat sa live stream para sa mga user ng Workspace na may access sa feature na live stream. Available ang live streaming para sa mga edisyon ng Enterprise Standard, Enterprise Plus, Education Plus, at Teaching and Learning Upgrade. 

I-enable ang mga ulat sa Pagsubaybay ng Attendance at Live stream

Mahalaga: Pinapanatili sa Meet ang pagsubaybay sa attendance sa loob ng maikling panahon. Iulat ang anumang isyu sa pagsubaybay sa lalong madaling panahon.

Ang mga ulat sa pagsubaybay ng attendance at live stream ay mae-enable, bilang default, para sa iyong organisasyon, at puwedeng i-on o i-off ng Mga Administrator. Matuto pa

  • Awtomatikong nakakatanggap ang mga user ng Google Workspace for Education Plus at user ng Teaching and Learning Upgrade ng ulat sa attendance para sa anumang meeting na may 2 o higit pang kalahok, at ulat sa live stream para sa lahat ng live stream na event.
  • Magagawa ng lahat ng iba pang kwalipikadong user ng Workspace na i-on at i-off ang ulat sa pagsubaybay ng attendance at live stream mula sa isang meeting o mula sa event sa Google Calendar. 
    • Kung io-off mo ang mga feature na ito sa mga umuulit na meeting o meeting na gumagamit ng iisang meeting code, ise-save ang setting para sa susunod na nakaiskedyul na meeting  Kung io-off mo ang mga feature na ito sa isang beses, may nickname, o instant na meeting, babalik sa naka-on ang feature kapag natapos ang meeting.
  • Tip: Ang sinumang mag-iiskedyul o magsisimula ng meeting ang magiging host ng meeting. Kung ililipat o iiiskedyul mo ang isang meeting sa kalendaryo ng ibang tao, puwedeng ang taong iyon ang maging host ng meeting. Bilang default, may isang host ng meeting lang para sa bawat meeting pero puwede kang magdagdag ng hanggang 25 co-host kapag nasa meeting na.

Sa loob ng isang meeting

  1. Mula sa ibaba, i-click ang Mga kontrol ng host .
  2. Mula sa magbubukas na panel sa gilid, i-on o i-off ang Pagsubaybay sa attendance.

Sa Google Calendar

 

Pumunta sa calendar.google.com at pumili ng isa: 

  1. Gumawa ng bagong event at pagkatapos ay i-click ang Magdagdag ng pakikipagkumperensya gamit ang video sa Google Meet
    1. Sa kanan, i-click ang Baguhin ang mga setting ng kumperensya Mga Setting
    2. Lagyan ng check ang kahon sa tabi ng "Pagsubaybay sa attendance" at pagkatapos ay i-click ang I-save.  
    3. Tapusin ang pag-set up ng iyong event.
  2. Mag-click ng dati nang meeting at pagkatapos ay i-click ang I-edit ang event
    1. Sa ilalim ng mga detalye ng event, i-click ang Baguhin ang mga setting ng kumperensya Mga Setting
    2. Lagyan ng check ang kahon sa tabi ng "Pagsubaybay sa attendance" at pagkatapos ay i-click ang I-save.  

 

Kunin ang iyong ulat sa attendance

Pagkatapos ng meeting, makakatanggap ang organizer ng email na may naka-attach na ulat sa attendance sa Google Sheets na may sumusunod na impormasyon:

  • Pangalan ng kalahok 
    • Kung may tatawag mula sa kanyang mobile device, ang ilan sa mga digit ng numero ng kanyang telepono ang maililista sa halip na ang kanyang pangalan. 
    • Kung may tatawag mula sa isang meeting room sa Google Meet, ang pangalan ng meeting room ang maililista sa halip na ang kanyang pangalan. 
  • Email ng kalahok
  • Haba ng oras na nasa tawag ang kalahok, kasama ang mga timestamp ng kung kailan siya unang sumali at umalis sa tawag. 
    • Kung may mae-eject sa tawag, ire-record ang timestamp noon bilang ang oras kung kailan siya umalis sa tawag. 
    • Kung may sasali at aalis sa tawag nang mahigit isang beses, hindi maglilista ng maraming timestamp, sa halip, isasama ang pangkalahatang tagal ng kanyang tawag.

Mga Tip: 

  • Makakatanggap ang mga organizer ng meeting ng mga ulat sa attendance para sa lahat ng meeting.
  • Kasama sa mga ulat sa attendance ang mga sumusunod na field:
    • Pangalan
    • Apelyido
    • Email
    • Oras ng pagsali
    • Oras ng pag-alis
    • Tagal
  • Nasa spreadsheet sa sariling tab ng mga ito ang mga ulat sa attendance para sa mga kuwarto para sa breakout at kasama rin sa mga ito ang: 
    • Kuwarto para sa breakout 
    • Nakabukas ang kuwarto  
    • Nakasara ang kuwarto  
    • Tagal ng kuwarto

Kunin ang iyong ulat sa live stream

Pagkatapos ng live stream, makakatanggap ang organizer ng meeting ng email na may naka-attach na ulat sa Google Sheets na may sumusunod na impormasyon:

  • Mga presenter at host ng live stream na nag-dial in sa meeting 
  • Mga kalahok na nanood sa live stream
    • Graph ng mga manonood ng live stream sa paglipas ng panahon.
    • Kabuuang bilang ng mga natatanging manonood na sumali sa isang live stream.
      • Kung hindi mae-enable ang Ulat ng live stream bago ang live stream, makikita pa rin ang bilang ng manonood sa tool para sa kalidad ng Meet.
    • Mga natatanging manonood bawat minuto. 
Tip: Makakatanggap ka ng ulat sa Google Sheets para sa bawat live stream na event. Magpapakita ang ulat ng ibang tab na may mga sukatan para sa bawat pagkakataong sinisimulan at inihihinto mo ang parehong live stream.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16319393689635628547
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
713370
false
false