Para makatulong na mag-update ng impormasyon sa Google Maps, puwede kang sumagot ng mga tanong. Nakabatay ang mga tanong sa impormasyon kung saan may mas mababang confidence ang Google at impormasyong mahalaga sa iba pang user.
Kapag sumagot ka ng tanong, isasama ang iyong sagot sa mga kontribusyon mula sa iba pang user, may-ari ng negosyo, at iba pang source.
Hanapin ang impormasyon mula sa mga sagot
Ang impormasyon ng lugar mula sa mga sagot ay ipinapakita sa ibang lokasyon gaya ng:
- Pangunahing page ng negosyo
- Tab na “Tungkol dito” ng negosyo
- Mga resulta ng paghahanap sa Google
Mga Tip:
- Hindi ipapakita ang iyong pangalan at mga indibidwal na sagot kasama ng bagong impormasyong ito.
- Para matulungan ang mga user na maunawaan ang bagong impormasyon, puwede ring ipakita ang iyong mga sagot bilang mga istatistika.
Makakuha ng mga prompt para sa mga lugar na nabisita mo na
Para makakuha ng mga tanong tungkol sa mga lugar na nabisita mo na, i-on ang History ng Lokasyon. Anumang oras, puwede mong tingnan o i-edit ang iyong timeline ng Google Maps.
Sumagot ng mga tanong sa mobile
- Sa iyong mobile device, buksan ang Google Maps app
.
- Mag-sign in sa iyong account.
- Sa itaas, i-tap ang box para sa paghahanap.
- Ilagay ang pangalan ng lugar na napuntahan mo na dati.
- Sa mapa, puwede ka ring mag-tap ng lugar.
- Sa ibaba, i-tap ang pangalan o address ng lugar.
- Kung nabisita o na-review mo na ang isang lugar, may lalabas na prompt na “Alam mo ba ang lugar na ito?”
- Para sumagot ng mga tanong, i-tap ang Alam mo ba ang lugar na ito?.
- Para i-dismiss ito, i-tap ang Isara
.
- Para i-dismiss ito, i-tap ang Isara
Tip: Para sumagot ng mga tanong, kailangan mong magkaroon ng pinakabagong bersyon ng Google Maps. Alamin kung paano i-update ang Google Maps.
I-delete ang iyong mga sagot
- Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
- Mag-sign in sa iyong account.
- Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Menu
Ang iyong mga kontribusyon
Mga Sagot.
- Sa tabi ng mga sagot na gusto mong i-delete, i-click ang I-delete
.
- Sa pop up, para i-delete ang iyong sagot, i-click ang I-delete.
- Para kanselahin, i-click ang Kanselahin o Isara
.
- Para kanselahin, i-click ang Kanselahin o Isara
Tip: Hindi ka makakapag-recover ng na-delete na sagot.