Kung pamilyar ka sa isang lugar, puwede kang magbigay ng feedback na makakatulong sa Google Maps na magpasya kung babaguhin ang impormasyon ng isang lugar.
Mahalaga:
- Kung nagmamay-ari o namamahala ka ng negosyo, alamin kung paano ayusin ang impormasyon ng iyong negosyo.
- Bago ka magmungkahi tungkol sa isang lugar, siguraduhing naka-sign in ka sa iyong Google Account.
- Puwede mo lang i-edit ang mga attribute ng negosyo sa mga piling bansa at rehiyon.
Baguhin ang mga oras ng negosyo ng isang lugar
- Buksan ang Google Maps .
- Maghanap ng lugar o piliin ito sa mapa.
- Para ipakita ang mga oras ng negosyo: Piliin ang tab na Pangkalahatang-ideya. Mag-scroll papunta sa Mga Oras , at piliin ang Pababang arrow .
- Piliin ang Magmungkahi ng pag-edit.
- Pumili sa mga sumusunod:
- Kung mali ang mga oras ng negosyo: Sa tabi ng mga oras na gusto mong baguhin, piliin ang I-edit .
- Kung nawawala ang ilan o lahat ng oras ng negosyo: Sa ibaba, piliin ang I-edit ang mga oras .
- Kung may mga karagdagang oras na bukas o sarado ang isang lugar, tulad ng break para sa tanghalian sa kalagitnaan ng araw, piliin ang Magdagdag ng mga oras para ilagay ang mga detalye.
- Kumpletuhin ang iyong mga pag-edit, at piliin ang I-save.
Baguhin ang pangalan, lokasyon o iba pang detalye ng isang lugar
- Buksan ang Google Maps .
- Maghanap ng lugar o piliin ito sa mapa.
- Piliin ang Magmungkahi ng pag-edit Baguhin ang pangalan o iba pang detalye.
- Para isumite ang iyong feedback, sundin ang mga tagubilin sa screen.
I-edit ang mga serbisyo at feature ng isang lugar sa Google Maps
Puwede mong ilarawan ang mga opsyon sa serbisyo, mga highlight, accessibility, mga espesyal na alok na pagkain o inumin, mga opsyon sa pagkain, mga amenity, kapaligiran, dami ng mga tao, mga pagsasaalang-alang sa pagpaplano, o mga opsyon sa pagbabayad ng isang lugar.
Mahalaga: Makakapagmungkahi ka lang ng mga pag-edit sa mga attribute ng negosyo sa mobile device.
- Sa iyong mobile device, buksan ang Google Maps app .
- Hanapin ang profile ng negosyong gusto mong i-edit.
- Sa tab selector bar, mag-scroll patagilid at i-tap ang Tungkol dito I-update ang lugar na ito .
- Mula sa mga ibinigay na paglalarawan, mag-tap ng paglalarawan para gawin itong:
- Tama
- Mali
- Hindi sigurado
- Kapag tapos ka nang mag-edit, i-tap ang Isumite.
Tagal ng paghihintay na ma-publish ang mga pagtatama
Para makatiyak na tumpak at up to date ang Maps, sinusuri namin ang lahat ng pag-edit na ginagawa mo. Puwedeng tumagal bago lumabas ang mga pagbabago sa mapa, at papanatilihin ka naming updated sa status ng iyong mga pag-edit.