Maghanap ng mga lokasyon sa Google Maps

Maaari kang maghanap ng lahat ng uri ng bagay tulad ng mga post office, photo booth, istasyon ng bus, o pangalan ng kalye, gamit ang Google Maps.

Makakakuha ka ng mas magagandang resulta sa pamamagitan ng pag-sign in sa Google Maps. Kapag nag-sign in ka, mabilis mong makikita ang mga lugar na hinanap mo noon at magagawa mong hanapin ang iyong mga contact ayon sa pangalan.

Maghanap ng lugar

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Maps app Google Maps.
  2. Sa itaas, i-tap ang box para sa paghahanap at mag-type ng address o pangalan ng isang lugar. Maaari ka ring maghanap ng kategorya, gaya ng mga gasolinahan o grocery. Upang magamit ang paghahanap gamit ang boses, i-tap ang Magsalita Magsalita.
  3. Opsyonal: Pagkatapos mong mahanap ang isang lugar sa mapa, makikita mo ang mga direksyon papunta sa lugar sa isang listahan, mga detalye tungkol sa isang lugar, o maririnig ang mga direksyon gamit ang pag-navigate na ginagabayan ng boses.

I-filter ang iyong mga resulta

Hindi lahat ng opsyon sa pag-filter ay available para sa lahat ng wika at rehiyon.

  1. Sa iyong iPhone o iPad,  maghanap ng uri ng negosyo, restaurant, o lugar.
  2. Sa ibaba ng iyong mga resulta sa paghahanap, i-tap ang I-filter.
  3. Piliin kung ano ang gusto mong i-filter.
  4. I-tap ang Ilapat.

Mga tip sa paghahanap

Narito ang ilang halimbawa ng paghahanap sa Google Maps:

  • Mga partikular na negosyo: Starbucks.
  • Mga uri ng lugar: kape malapit sa luneta.
  • Bawasan ang iyong mga resulta sa pamamagitan ng paggamit sa lungsod at estado: mga grocery sa atlanta, ga.
  • Bawasan ang iyong mga resulta sa pamamagitan ng paggamit ng zip code: gasolinahan sa 94131.
  • Maghanap ng intersection: quezon avenue at edsa.
  • Address, lungsod, estado, bansa, o airport: 1600 amphitheater parkway mountain view ca, LAX, Los Angeles Airport, o Mount Everest, Nepal.
  • Mga latitude at longitude coordinate: 41.40338, 2.17403.
  • Mga kaibigan at iba pang contact (naka-sign in ka dapat): Juan Dela Cruz
  • Iba pang pangalan ng mga tao sa iyong Mga Contact sa G Suite.

Makakuha ng higit pang impormasyon tungkol sa isang lugar

Upang makakuha ng higit pang impormasyon tungkol sa isang lugar, gawin ang isa sa mga sumusunod:

  • Pumili ng mini pin sa mapa.
  • Maglagay ng pin sa mapa.
  • Maghanap ng isang partikular na lugar.

Makakakita ka ng impormasyon tungkol sa lugar tulad ng address, mga oras na bukas, numero ng telepono, website, at mga rating o review.

Tip: Sa mga iPhone 6 at mas bago, maaari mong gamitin ang 3D Touch upang hanapin ang website ng isang lugar, mag-save ng lugar, maghanap ng mga direksyon at magbahagi ng lugar. Upang i-on ang 3D Touch, pumunta sa app na Mga Setting General Accessibility 3D Touch tiyaking naka-on ang switch. Pagkatapos, buksan ang Google Maps at pindutin nang matagal ang isang lugar.

Makakita ng mga mungkahi sa paghahanap para sa mga lugar

  1. Mag-sign in sa Google Maps.
  2. Buksan ang Google Maps o ang Google Maps app Google Maps.
  3. Sa box para sa paghahanap, simulang mag-type ng paghahanap, tulad ng mga restaurant.
  4. Maaaring may lumabas na mga naka-personalize na resulta ng paghahanap sa ibaba ng box para sa paghahanap. Halimbawa, maaaring kasama sa mga resulta ng iyong paghahanap ang mga lugar na hinanap mo noon. Kung naka-sign in ka sa iyong Google Account ngunit hindi ka nakakakita ng mga naka-personalize na resulta ng paghahanap, tiyaking naka-on ang Aktibidad sa Web at App.
  5. Pumili ng lugar upang tingnan ito sa mapa at makakuha ng higit pang impormasyon.

Paano ipinapakita ng Maps ang mga lokal na resulta

Mga pangkalahatang lugar sa mapa

Lumalabas ang mga lokal na resulta para sa mga taong naghahanap ng mga negosyo at lugar na malapit sa kanilang lokasyon. Ipinapakita ang mga ito sa iba't ibang lugar sa buong Maps at Search.

Halimbawa, malamang na makakita ka ng mga lokal na resulta kung maghahanap ka ng "Italian restaurant" sa iyong mobile device. Susubukang ipakita sa iyo ng Google ang uri ng kalapit na restaurant na gugustuhin mong bisitahin.

Ang mga lokal na resulta ay naiimpluwensyahan ng ilang salik, pangunahin na ang kaugnayan, layo, at kasikatan. Pinagsasama-sama ang mga salik na ito upang makatulong na mahanap ang pinakamalapit na tugma sa iyong paghahanap. 

Halimbawa, maaaring pagpasyahan ng mga algorithm ng Google na ang isang negosyong mas malayo sa iyong lokasyon ay mas malamang na mayroon ng hinahanap mo kaysa sa isang negosyong mas malapit, at samakatuwid, maaari nito itong bigyan ng mas mataas na rank sa mga lokal na resulta.

Tandaan: Hindi naiimpluwensyahan ng bayad mula sa ibang kumpanya ang mga resulta sa Google Maps. May label ang bayad na content sa Google Maps.

Matuto pa tungkol sa mga resulta ng lokal na paghahanap sa Google.

Mga lugar na may kaugnayan sa iyo

Ikaw lang ang nakakakita sa ilan sa mga naka-personalize na paghahanap na nakikita mo sa Google Maps. Kung nasa Google+ ka, maaari mo ring makita ang mga lugar na inirerekomenda o ibinahagi ng mga taong nasa iyong mga circle.

Narito ang ilang halimbawa ng mga lugar kung saan maaaring magmula ang impormasyong ito:

Sa Google Maps

Ang mga naka-personalize na lugar na nakikita mo ay maaaring nagmula sa:

  • Mga pakikipag-ugnayan mo sa mga lugar sa mapa, kasama na ang mga mapa sa Google na ginagamit mo sa ibang site
  • Mga kamakailan mong paghahanap, kasama na ang mga paghahanap ng mga direksyon
  • Mga lugar na na-save o nilagyan mo ng star sa iyong computer, telepono, o tablet
  • Mga lugar na ni-rate o ni-review mo o ng mga taong nasa iyong mga circle
  • Ang iyong mga address ng tahanan at trabaho, kung itinakda mo ang mga iyon sa Google Maps o sa iyong feed

Kung ayaw mong makakita ng mga mungkahi sa paghahanap sa Google Maps, i-off ang iyong Aktibidad sa Web at App.

Iba pang produkto ng Google

Ang mga naka-personalize na lugar na nakikita mo ay maaaring nagmula sa:

  • Mga custom na mapa, kung mayroon ka nito sa My Maps
  • Mga tao at lugar na idinagdag mo sa iyong Google Contacts tulad ng Pizzeria Delfina
  • Mga post, review, o rating mula sa Google+ na iyong ginawa o nakikita mong naka-tag sa isang lugar

Kung ayaw mong makakita ng mga mungkahi sa paghahanap sa Google Maps, i-update ang iyong mga kagustuhan sa ibang produkto ng Google.

Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?