Mga tip para sa pag-aambag ng mga de-kalidad na review at larawan

Mga tip para sa pagsusulat ng napakagagandang review

Sa pamamagitan ng napakagagandang review, lalaki ang posibilidad na ma-publish ang iyong review, at makakatulong ito sa iba na matuklasan ang mga lugar na angkop sa kanila. Narito ang ilang tip:

  • Magbigay ng impormasyon at insight: Maging partikular at may kaugnayan sa nire-review mong lugar, at ilarawan kung ano ang malamang na maranasan ng iba pang bisita. I-highlight kung bakit espesyal ang lugar, at subukang magbahagi ng natatangi at bago. 
  • Maging totoo: Suriin ang sarili mong karanasan, at ipaliwanag kung kumusta ang lugar at ang natanggap mong serbisyo. Subukang maging tumpak hangga't maaari, at isama ang mga positibo at negatibong aspeto ng iyong pagbisita.
  • Maging magalang: Kadalasang ginagamit ng mga may-ari ng negosyo ang feedback para mapahusay ang mga iniaalok nila. Kahit na dismayado ka, siguraduhing makakabuti ang iyong puna. Dagdag pa rito, pakiiwasan ang pagmumura.
  • Ayusin ang istilo ng iyong pagsusulat: Suriin ang iyong pagbabaybay at grammar, at iwasan ang sobra-sobrang capitalization at bantas. Sa pangkalahatan, mainam ang haba ng isang talata para sa review. 
  • Iwasan ang personal at propesyonal na impormasyon: Huwag isama ang mga numero ng telepono o URL ng iba pang negosyo sa iyong mga review. Dagdag pa rito, huwag magsulat ng mga review para sa mga lugar kung saan isa kang kasalukuyan o dating empleyado.
  • Iwasan ang pangkalahatang komentaryo: Ang ilang partikular na lokasyon ay posibleng maging paksa ng mas malaking pampublikong debate o pag-uusap dahil sa mga kamakailang balita o kasalukuyang pangyayari. Bagama't iginagalang at pinapahalagahan namin ang iyong opinyon, hindi nakalaan ang Mga Lokal na Review para sa komentaryong panlipunan o pampulitika. Mas angkop ang mga forum, gaya ng mga blog o social network, para sa mga ganoong uri ng pag-uusap. Pakisulat ang tungkol sa iyong sariling karanasan sa lugar at hindi ang pangkalahatang komentaryo sa lugar kaugnay ng mga kamakailang balita.

Mga tip para sa pagkuha ng magandang larawan

Sa pamamagitan ng pagkuha ng mga de-kalidad na larawan, lalaki ang posibilidad na ma-publish ang iyong larawan, at makakatulong ito sa iba na matuklasan ang mga lugar na angkop sa kanila. Narito ang ilang tip:

  • Panatilihin itong kapaki-pakinabang: Siguraduhin na ang larawan ay nasa tamang lokasyon, hindi selfie, at posibleng makatulong sa isang tao na maunawaan kung ano ang lugar na nire-review mo. Iwasang magsumite ng magkakatulad o mga duplicate na larawan.
  • Kumuha ng malilinaw na larawan: Siguraduhing walang naka-superimpose na text ang larawan at hindi sobra-sobra ang pagkaka-edit dito. Subukang siguraduhing hindi malabo ang larawan. 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3911211551243855830
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
76697
false
false