Magtakda ng mga pahintulot sa larawan sa iyong iPhone o iPad

Kung gumagamit ka ng iOS 14 o mas bago, puwede kang pumili sa mga antas ng pahintulot sa larawan:

  • Payagan ang access sa lahat ng larawan: Ibabahagi ang lahat ng iyong larawan sa Google Maps. Kasama rin dito ang mga larawang kukunin mo pagkatapos mong piliin ang opsyong ito.
  • Mga piling larawan: Ang mga piniling larawan lang ang ibabahagi sa Google Maps. Sa mga pipiliin mong larawan ka lang puwedeng makipag-ugnayan sa loob ng Google Maps.
  • Huwag payagan: Walang larawang ibabahagi sa Google Maps.

Tip: Kapag pinili mo ang "Payagan ang access sa lahat ng larawan," makakatanggap ka ng mga rekomendasyong larawan at suhestyon sa pagpapangkat-pangkat.

Magtakda ng mga pahintulot sa iyong larawan

Kung gusto mong makatanggap ng mga suhestyon sa larawan: 

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. Piliin o hanapin ang Lugar and then I-tap ang Mga Larawan and then i-tap ang Magdagdag ng larawan.
  3. Piliin ang mga larawang gusto mong ibahagi sa Google Maps.
  4. Bago ka magsumite, puwedeng may lumabas na prompt na “I-on ang mga suhestyon sa larawan.” I-tap ang Matuto pa.
  5. I-tap ang Payagan ang access sa lahat ng larawan.

Kapag pinili mo ang antas ng pahintulot na “Mga piling larawan,” ang mga larawan lang na pinili mo ang makikita mo sa Google Maps app. Hindi ibabahagi ang mga larawan sa hinaharap hangga't hindi mo binabago ang iyong mga pahintulot at ginagawa itong “Payagan ang access sa lahat ng larawan.”

Baguhin ang iyong mga pahintulot sa larawan

Puwede mong baguhin ang iyong mga pahintulot sa larawan anumang oras. 

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Mga Setting.
  2. Mag-scroll at piliin ang Google Maps app Maps
  3. I-tap ang Mga Larawan
  4. Pumili ng opsyon sa pahintulot.

Paano nakakaapekto ang mga pahintulot sa iyong karanasan sa Google Maps

Nakakaapekto ang iyong mga setting ng pahintulot sa larawan sa iba pang bahagi ng Google Maps app. Kabilang dito ang:

  • Mga notification mula sa labas ng app na naghahatid sa iyo sa page sa app na “Ibahagi ang iyong mga karanasan.” Halimbawa: Isang notification tulad ng “Magdagdag ng mga larawan mula sa kamakailan mong pamamasyal sa Luneta.”
  • Mga suhestyon sa app na nagsasabi sa iyo tungkol sa kung ano ang puwede mong iambag sa Maps sa page na “Ibahagi ang iyong mga karanasan.”
  • Kung aling mga larawan ang maidaragdag mo sa isang post o review.

Mga notification at suhestyon lang tungkol sa mga larawang ibinabahagi mo sa Maps ang ipinapadala namin iyo. Kung pipiliin mo ang setting ng pahintulot na ”Mga piling larawan,” hindi ka makakatanggap ng mga notification o suhestyon para sa anumang bagong larawang kukunin mo, o para sa mga larawang hindi mo ibabahagi sa amin.

Kung pipiliin mo ang pahintulot na “Huwag payagan,” hindi ka:

  • Makakatanggap ng mga notification sa labas ng app para ibahagi ang iyong mga karanasan.
  • Makakakita ng mga iminumungkahing larawan para i-upload batay sa mga lugar na binisita mo.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
14510926347290514721
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
76697
false
false