Notification

Sa kasalukuyan, available ang feature na ito sa pinagsama-samang karanasan sa Google Workspace. Para makapagsimula sa karanasang ito, bisitahin ang artikulong ito.

Magsimula ng o sumali sa isang video call mula sa Gmail

Puwede kang magsimula ng o sumali sa mga harapang video call habang nasa Gmail.

Gusto mong bang masulit ang mga Google app sa trabaho o paaralan?  Mag-sign up para sa isang Google Workspace libreng trial.

Bago mo simulan ang iyong unang video call

  1. Tingnan ang mga kinakailangan sa system.
  2. Kapag hiniling na gamitin ang camera at mikropono ng iyong computer, i-click ang Payagan.
    • Sa Mga Setting, posibleng kailangan mong i-on ang mga pahintulot para sa iyong camera at mikropono.

Mga user ng Google Workspace (gumagamit ng Gmail sa pamamagitan ng account sa trabaho o paaralan)

Tip para sa mga Google Workspace administrator: Para magamit ang Meet sa Gmail, naka-on dapat ang serbisyo ng Google Meet sa Admin console. Naka-on din dapat ang kakayahan ng mga user ng EDU na gumawa ng mga bagong video meeting.

Magsimula ng video call

  1. Buksan ang Gmail.
  2. Sa seksyong Meet, i-click ang Bagong meeting.
  3. Para ipadala ang imbitasyon sa meeting sa pamamagitan ng link o email, i-click ang Ipadala ang imbitasyon
    • Para kopyahin ang mga detalye ng imbitasyon sa meeting, i-click ang Kopyahin ang imbitasyon sa meeting.
    • Para magpadala ng imbitasyon sa email, i-click ang Ibahagi sa pamamagitan ng email.
  4. Kapag handa ka nang sumali sa meeting, i-click ang Sumali ngayon.
  5. Bago ka sumali sa iyong unang meeting, tiyaking payagan ang mga pahintulot para sa Mikropono at Camera mo. Kapag nagbigay ka ng pahintulot: 
    • Para i-on o i-off ang iyong mikropono, i-click ang Mikropono Mikropono.
    • Para i-on o i-off ang iyong camera, i-click ang Camera Video call.
  6. Para sumali sa tawag, i-click ang Sumali ngayon.
  7. Para tapusin ang tawag, i-click ang Umalis sa tawag Call end icon.

Sumali sa isang video call

  1. Buksan ang Gmail.
  2. Sa kaliwang sulok sa ibaba, i-click ang Aking mga meeting  para sumali sa isang video call na nalalapit sa iyong kalendaryo.
  3. Sa ilalim ng “Aking Mga Meeting,” mag-hover sa nalalapit na meeting na gusto mong salihan at pagkatapos ay i-click ang Sumali.
    Mga Tip:
    • Ang mga meeting lang na nakaiskedyul sa Google Calendar ang lalabas sa ilalim ng “Aking Mga Meeting.”
    • Puwede kang mag-click sa alinman sa iyong mga nalalapit na meeting para matingnan ang mga detalye ng tawag o para gumawa ng mga pagbabago.
    • Kung wala sa iyong kalendaryo ang nalalapit na meeting mo, i-click ang Sumali sa isang meeting. Ilagay ang code ng meeting o ang nickname at pagkatapos ay i-click ang Sumali.
  4. Bago ka sumali sa iyong unang meeting, tiyaking payagan ang mga pahintulot para sa Mikropono at Camera mo. Kapag nakapagbigay ka na ng pahintulot,  
    • Para i-on o i-off ang iyong mikropono, i-click ang Mikropono Mikropono.
    • Para i-on o i-off ang iyong camera, i-click ang Camera Video call.
  5. Para sumali sa tawag, i-click ang Sumali ngayon.
  6. Para umalis sa tawag, i-click ang Umalis sa tawag  Call end icon.

Mga user ng Google Workspace for Education

Kung mayroon kang G Suite for Education account at Elementarya/High School (K-12) ang uri ng iyong paaralan, hindi ka papayagang sumali sa mga video call sa Google Meet na ginawa sa pamamagitan ng mga personal na Google Account.

Ang mga anonymous na user o ang mga user na hindi naka-sign in sa isang Google Account ay hindi makakasali sa mga meeting na na-organize ng mga user ng Google Workspace for Education. Gayunpaman, makakapag-dial in pa rin ang mga user gamit ang telepono.

Mga hindi user ng Google Workspace (Gumagamit ng Gmail sa pamamagitan ng personal na account)

Magsimula ng video call

  1. Buksan ang Gmail.
  2. Sa seksyong Meet, i-click ang Bagong meeting.
  3. Para ipadala ang imbitasyon sa meeting sa pamamagitan ng link o email, i-click ang Ipadala ang imbitasyon
    • Para kopyahin ang mga detalye ng imbitasyon sa meeting, i-click ang Kopyahin ang imbitasyon sa meeting.
    • Para magpadala ng imbitasyon sa email, i-click ang Ibahagi sa pamamagitan ng email.
  4. Kapag handa ka nang sumali sa meeting, i-click ang Simulan Ngayon. Direkta kang makakapasok sa meeting. 
  5. Bago ka sumali sa iyong unang meeting, tiyaking papayagan mo ang mga pahintulot para sa iyong Mikropono at Camera. Kapag nakapagbigay ka na ng pahintulot, 
    • Para i-on o i-off ang iyong mikropono, i-click ang Mikropono Mikropono.
    • Para i-on o i-off ang iyong camera, i-click ang Camera Video call.
  6. Para sumali sa tawag, i-click ang Sumali ngayon.
  7. Para tapusin ang tawag, i-click ang Umalis sa tawag Call end icon.

Sumali sa isang video call

  1. Buksan ang Gmail.
  2. I-click ang Sumali sa meeting Input.
  3. Ilagay ang 10 titik na code ng meeting mula sa organizer ng meeting.
  4. I-click ang Sumali.
    • Bago ka sumali sa meeting, puwede mong i-on o i-off ang iyong camera at mikropono.
  5. Para sumali sa tawag, i-click ang Sumali ngayon.
  6. Kapag tapos ka na, i-click ang Tapusin ang tawag Call end icon.

Puwede ka ring sumali sa isang meeting mula sa isang event sa Calendar o mula sa Google Meet app. Matuto tungkol sa iba pang paraan para magsimula ng meeting o sumali sa isang meeting.  

Direktang tumawag sa isang tao mula sa Chat o Gmail

Mahalaga: Puwede kang direktang tumawag sa isang tao mula sa Chat o Gmail sa Chrome. Kung tatawag ka sa hindi user ng Chrome, puwede niyang tanggapin at salihan ang tawag pero hindi siya makakarinig ng ring.

Puwede kang magsimula ng voice o video meeting mula sa Chat o Gmail. Kapag natanggap ng tinatawagan mo ang tawag, makakarinig siya ng ring.

  1. Sa Chat, magbukas ng direktang mensahe.
  2. Sa itaas, i-click ang Magsimula ng video call . Magbubukas sa maliit na window ang tawag.
  3. Para tapusin ang tawag, i-click ang Tapusin ang tawag Call end icon.

Tip: Kung gusto mong i-adjust ang window ng tawag:

  • Para ilipat sa bagong tab ang tawag, i-click ang Ilipat sa tab New window.
  • Para ilipat ito, i-click at i-hold nang matagal ang window.

Ipakita o itago ang Google Meet sa Gmail (para sa lahat ng user)

  1. Buksan ang Gmail.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting Mga Setting at pagkatapos ay Tingnan ang lahat ng setting.
  3. Sa itaas, piliin ang Chat at Meet.
  4. Sa seksyong "Meet," gawin ang iyong mga pagbabago.
  5. Sa ibaba, i-click ang I-save ang Mga Pagbabago.

Mahalaga: Posibleng walang ganitong setting sa Gmail account ng mga user ng Google Workspace kung naka-disable sa Admin Console ang serbisyo ng pakikipag-video call ng kanilang mga Google Workspace Admin.

Tip: Para makatiyak na hindi ka sasali sa isang meeting na may nag-expire nang code at para mas mahusay na magplano para sa mga gagawin mong meeting sa hinaharap, tingnan kung kailan nag-e-expire ang mga code ng meeting. Matuto pa tungkol sa mga code ng meeting sa Google Meet.

Mga kaugnay na paksa

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9341117253266918648
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
17
false
false