Kunin ang mga feature ng Gmail para sa iyong iba pang email account

Kung mayroon kang Yahoo, AOL, Outlook, Hotmail, o mga piling hindi Gmail na account, gumamit ng Gmailify para makuha ang marami sa mga feature ng Gmail sa address na iyon.

Para gawin ito, i-link ang iyong account sa Gmail. Pagkatapos mong i-link ang iyong account, makikita mo ang mga mensahe mo sa iyong inbox sa Gmail, pati ang mga feature na ito:

Mahalaga: Kung magli-link ka ng isa pang account sa dati nang Gmail account, posibleng maabot mo ang limitasyon ng iyong storage. Alamin kung paano i-clear ang iyong storage ng Google.

Matuto tungkol sa storage sa Gmail

I-link ang iyong address sa Gmail

Mahalaga: Tiyaking nagdagdag ka na ng ibang account mula sa Yahoo, AOL, Outlook, Hotmail, o iba pang serbisyo para makapagbasa sa Gmail. Alamin kung paano magdagdag ng account sa Gmail app.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Gmail app .
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu Menu.
  3. Mag-scroll pababa at i-tap ang Mga Setting.
  4. I-tap ang hindi Gmail na account na gusto mong i-link.
  5. I-tap ang I-link ang account. Kung hindi mo nakikita ang link na ito, subukang i-update ang iyong Gmail app.
  6. Sundin ang mga tagubilin sa iyong screen.

Pagkatapos mong i-link ang isa mo pang address sa Gmail, magiging available ang iyong mga mensahe sa Gmail app at sa web sa mail.google.com. Puwede mong basahin, tugunan, at isaayos ang mga mensaheng iyon gaya ng ginagawa mo sa Gmail.

I-unlink ang iyong address

Mahalaga: Pagkatapos mong i-unlink ang iyong mga account, hindi na ipapakita ng Gmail ang mga bago mong mensahe mula sa iyong isa pang account.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Gmail app .
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu Menu.
  3. Mag-scroll nang pababa, pagkatapos ay i-tap ang Settings.
  4. I-tap ang Gmail account na gusto mong i-unlink mula sa iyong iba pang account.
  5. Sa seksyong "Naka-link na Account," i-tap ang I-unlink ang account.
  6. Piliin kung magpapanatili ng mga kopya ng mga email mula sa account.
  7. I-tap ang I-unlink.

Pagkatapos mong i-unlink sa Gmail ang isa mo pang account, mapipili mong panatilihin o i-delete sa iyong inbox sa Gmail ang mga kasalukuyang kopya ng mga mensahe sa account na iyon.

  • Kung ide-delete mo sa Gmail ang mga kopya, mababasa mo pa rin ang mga mensahe sa inbox ng isa mo pang serbisyo (halimbawa, Yahoo o Hotmail).
  • Kung papanatilihin mo sa Gmail ang mga kopya, mananatili ang mga ito sa iyong Gmail account. Gayunpaman, kung ide-delete mo ang mga ito sa Gmail, hindi gagawin ang mga pagkilos na ito sa kabilang account.

Maghanap ng mga email mula sa iyong ibang account sa Gmail

Maaaring ayusin ng Gmail ang iyong mga mensahe nang iba mula sa iba pang serbisyo ng email.

Limitasyon sa pagbabakante ng trash

Hindi dine-delete ang mga mensahe sa iyong "Trash" ayon sa 30 araw na limitasyon ng Gmail, pero ayon sa limitasyon sa "Pagbabakante ng trash" ng isa mo pang serbisyo sa mail.

Halimbawa, kung pinapanatili ng isa mo pang serbisyo ng email ang isang mensahe sa "Trash" nang 60 araw bago ito permanenteng i-delete, makikita mo ang mensahe sa "Trash" ng Gmail nang 60 araw.

Mga naka-archive na email

Kapag nag-archive ka ng email sa Gmail, sino-store ito sa bagong folder ng "Archive" sa isa mo pang serbisyo ng email.

Para hanapin ang mga naka-archive na mensahe sa isa mo pang account, tingnan ang folder na "Archive."

Alamin kung paano mag-archive ng email.

Mga label at folder

Kapag nagdagdag ka ng label sa isang mensahe, iso-store iyon sa folder na may pangalan ng label na iyon sa isa mo pang email account. Halimbawa, kung idinagdag mo ang label na "Trabaho" sa isang mensahe sa Gmail, makikita mo ang mensahe sa folder na may pangalang "Trabaho" sa isa mo pang email account.

Kung maglalagay ka ng maraming label sa isang mensahe, gagawa ito ng maraming folder na may kopya ng mensaheng iyon sa isa mo pang email account.

Tip: Kung limitado ang storage space mo sa iyong hindi Gmail na account, huwag maglagay ng maraming label sa mga mensahe mo sa Gmail.

Alamin kung paano maglagay ng mga label.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10491959852533750463
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
17
false
false