- Ginagamit sa Gmail, Chat, at Meet
- Ibinabahagi sa iba pang produkto ng Google
Saklaw ng kontrol ang mga smart na feature sa Gmail, Chat, at Meet, at posibleng gamitin nito ang iyong data para mapahusay ang mga modelong nagpapagana sa mga smart na feature, kabilang ang:
- Awtomatikong mga filter at kategorya ng email
- Smart na Pag-email at Smart Reply sa email
- Smart na Pag-email sa Chat
- Mga pag-nudge sa email at abisong may mataas na priyoridad
- Hanapin at pamahalaan ang iyong mga biyahe sa Gmail
- Mga detalye ng event na ginamit para gumawa ng mga event sa kalendaryo
- Pagsusulat at mga smart na suhestyon sa paghahanap
Kabilang sa mga smart na feature sa iba pang produkto ng Google na posibleng gumamit ng iyong data sa Gmail, Chat, at Meet ang:
- Mga paalala para sa mga takdang petsa ng pagsingil
- Mga reservation sa restaurant at pickup order sa Google Maps
- Impormasyon ng paglalakbay batay sa mga email ng kumpirmasyon
- Gumamit ng mga pass sa mga produkto ng Google gaya ng Wallet, Search, o Gmail
- Mga iminumungkahing offline na mapa para sa paglalakbay
- Cloud search na nagpapakita ng mga resulta ng paghahanap mula sa Gmail
Kung nasa European Economic Area, Switzerland, U.K., o Japan ka, naka-off bilang default ang mga setting sa itaas. Dapat mong i-on ang mga setting sa Gmail at iba pang naaapektuhang produkto ng Google para mapagana ang mga ito. Gamitin ang mga tagubilin sa ibaba para i-set up ang mga opsyong ito sa Gmail.
Pakitandaang kahit na-off mo ang mga smart na feature sa kontrol ng Gmail, Chat, at Meet, available pa rin ang ilang smart na feature na may mga indibidwal na setting ng pag-on/pag-off. Hindi gumagamit ang mga feature na ito ng data ng nag-opt out na user para mapahusay ang mga modelong nagpapagana sa mga ito. Kasama sa mga halimbawa ang:
- Buod ng pag-uusap
- Smart Reply sa Chat
Baguhin ang mga setting ng mga smart na feature at pag-personalize
Mahalaga: Nalalapat din sa iyong Gmail mobile app ang mga pagbabago sa mga setting sa Gmail web. Kung nasa Gmail mobile app ka, pero hindi nakakatanggap ng mensahe tungkol sa mga pagbabago, i-update ang iyong app. Hindi lahat ng pagbabagong ginawa sa iyong computer ay makikita sa iyong mobile app.
Para sa Gmail, Chat, at Meet:
- Pumunta sa Gmail.
- I-click ang Mga Setting Tingnan ang lahat ng setting.
- Sa tab na “Pangkalahatan,” mag-scroll papunta sa “Mga smart na feature at pag-personalize.”
- Para i-on o i-off ang mga smart na feature, lagyan ng check o i-uncheck ang kahon.
Para sa iba pang produkto ng Google:
- Pumunta sa Gmail.
- I-click ang Mga Setting Tingnan ang lahat ng setting.
- Sa tab na “Pangkalahatan,” mag-scroll papunta sa “Mga smart na feature at pag-personalize sa iba pang produkto ng Google.”
- Para i-on o i-off ang pagbabahagi ng data para sa iba pang produkto, lagyan ng check o i-uncheck ang kahon.
- Mag-scroll pababa at i-click ang I-save ang Mga Pagbabago.