Ekspertong gabay sa paggawa ng Ad Grants account

I-set up ang pagsubaybay sa conversion

Ang pagsubaybay sa conversion ay isang libreng tool na nagpapakita sa iyo kung ano ang nangyayari pagkatapos mag-interact ng isang tao sa mga ad mo – kung siya man ay nag-donate, may binili sa iyong charity shop, tumawag sa linya mo ng suporta, nag-sign up para sa iyong newsletter, nag-sign para maging boluntaryo, o nag-download ng app mo. Kapag may taong nagkumpleto ng pagkilos na tinukoy mo bilang mahalaga, tinatawag na mga conversion ang mga nakumpletong pagkilos na ito. 

Patakaran sa pagsubaybay sa conversion ng Google Ad Grants

Nangangailangan ang patakaran ng Google Ad Grants ng aktibo at tumpak na pagsubaybay sa conversion. 

Sumubaybay sa kahit 1 conversion lang kada buwan 

Ang isa sa mga uri ng conversion sa ibaba ay dapat mai-set up tulad ng inilarawan at kapag aktibo ang account, dapat madagdagan ng kahit 1 conversion lang kada buwan para makasunod sa aming patakaran. 

Sumubaybay ng mga makabuluhang pagkilos 

Puwedeng idagdag sa iyong account ang mga uri ng conversion gaya ng oras na ginugol sa site o mga pagbisita sa homepage, pero dapat ay hindi ito kasama sa “Mga Conversion” at ginagamit nito ang kategoryang ‘Iba pa.’

Kung mataas ang iyong rate ng conversion, pakikumpirmang dahil ito sa malakas na performance para sa makabuluhang conversion.

Depende sa uri ng layuning gusto mong subaybayan, iba ang pag-set up, kaya ang unang hakbang sa pag-set up ng pagsubaybay sa conversion ay ang pagpili ng iyong layunin. Batay sa pagkilos na gusto mong subaybayan, lumaktaw papunta sa kaugnay na seksyon sa ibaba.

Subaybayan ang transaksyon sa pera 

Subaybayan ang anumang transaksyon sa pera sa iyong site o sa isang third party na platform ng pagbabayad mula sa mga donasyon, benta ng ticket, benta ng charity shop, booking ng event na batay sa bayarin, bayad sa serbisyo, appointment, paglago ng membership hanggang sa mga pag-sign up sa inisyatiba ng fundraising.
 
Piliin ang iyong mas gustong pag-set up sa sumusunod na tatlong pinakasikat na paraan para magtatag ng pagsubaybay.

Mag-import ng mga transaksyon mula sa Google Analytics (inirerekomenda)

1. I-set up ang Google Analytics at gumawa ng mga layunin

Mag-set up ng mga layunin sa Analytics para makita ang mga sukatan tulad ng bounce rate, karaniwang tagal ng session, at mga page sa bawat session para sa iyong mga campaign sa Ad Grants na hindi maa-access sa Google Ads. 

  1. I-install ang Google Analytics o mag-sign in sa isang kasalukuyang account. Gamitin ang parehong admin login para sa iyong Google Ads account at Google Analytics account mo. 
  2. I-set up ang isa sa mga sumusunod:
    • Ecommerce para makita ang data ng transaksyon
    • Layunin ng destinasyonna sumusubaybay sa page ng kumpirmasyon sa pagbabayad
    • Pagsubaybay ng event sa button ng kumpirmasyon sa huling yugto ng pagbabayad kung ididirekta mo ang mga tao sa isang third party na tagaproseso ng pagbabayad at hindi mo makuha ang kumpirmasyon o bumalik ang halaga
  3. I-link ang iyong Google Ads account at Analytics account. 

2. I-import sa Google Ads ang mga layunin sa Google Analytics

Kapag nakagawa ka na ng mga layunin sa Google Analytics, i-import ang mga ito sa iyong Google Ads account para magamit ang data ng conversion para i-optimize ang account mo.

  1. Mag-sign in sa iyong Google Ads account. Mag-sign in gamit ang username na ginamit mo para gawin ang iyong Ad Grants account sa Bahagi 1.

  2. Sa kanang sulok sa itaas, i-click ang tool icon , at sa ilalim ng "Sukat," i-click ang Mga Conversion.

  3. I-click ang button na plus .

  4. Piliin ang I-import, piliin ang Google Analytics, pagkatapos ay i-click ang Magpatuloy.

  5. Piliin ang layunin o transaksyong nakakatugon sa mga sumusunod na kinakailangang gusto mong i-import, pagkatapos ay i-click ang I-import at magpatuloy.

  6. I-click ang Tapos na.

Kapag na-import mo na ang iyong mga layunin sa Analytics, i-edit ang mga ito para ma-save ang mga sumusunod na setting.

  1. I-click ang pangalan ng na-import na layunin na gusto mong i-edit.

  2. Sa kanang sulok sa ibaba, i-click ang I-edit ang Mga Setting.

  3. I-click ang Kategorya. Piliin ang "Pagbili/Benta" sa dropdown para sa pagkilos na conversion na nag-uulat ng transaksyong may halaga ng pera.

  4. I-click ang Halaga. Gamitin ang setting na “Gamitin ang halaga mula sa Analytics” kapag tumpak mo nang naitatag ang pagsubaybay sa halaga sa Analytics. I-deselect/piliin ang “Gamitin ang parehong currency tulad ng sa Analytics.”

  5. I-click ang Bilang. Piliin ang “Bawat” na pinakamainam para sa mga transaksyon kapag ang bawat conversion ay malamang na magdagdag ng halaga para sa iyong nonprofit. Ang “Isa” ay pinakamainam para sa mga lead, gaya ng form ng pag-sign up sa iyong website, kapag isang conversion sa bawat pag-click ng ad lang ang malamang na magdagdag ng halaga para sa iyong organisasyon.

  6. I-click ang Palugit ng conversion. Piliin sa drop-down kung gaano katagal susubaybayan ang mga conversion pagkatapos ng pakikipag-ugnayan sa ad. Inirerekomenda ang 90 araw para makuha ang mas mahahabang cycle ng pagbili, tulad ng mga donasyon.

  7. I-click ang Palugit ng view-through na conversion. Piliin sa drop-down kung gaano katagal susubaybayan ang mga view-through na conversion. Inirerekomenda ang 30 araw para makuha ang mas mahahabang cycle ng pagbili, tulad ng mga donasyon.

  8. I-click ang Isama sa “Mga Conversion.” Piliin ang “Oo” para isama ang pagsubaybay para sa mga transaksyon sa pera sa iyong column ng pag-uulat na "Mga Conversion" at gamitin ang data na ito para maimpluwensyahan ang diskarte mo sa Smart Bidding.

  9. I-click ang Modelo ng attribution at pumili ng naaangkop na modelo. Inirerekomenda namin ang “Time decay.”

  10. I-click ang I-save para sa bawat seksyon at Tapos na sa ibaba ng window.

Gamitin ang pagsubaybay sa conversion ng Google Ads para sa iyong website

Bagama't inirerekomenda naming gumawa ng mga layunin sa Google Analytics at i-import ang mga ito sa Google Ads. Puwede mo ring direktang gawin ang mga ito sa tool na Google Ads sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga sumusunod na hakbang. 

  1. Mag-sign in sa iyong Google Ads account gamit ang username na ginamit mo para gawin ang Ad Grants account mo sa Bahagi 1.

  2. Sa kanang sulok sa itaas, i-click ang tool icon , at sa ilalim ng "Sukat," i-click ang Mga Conversion.

  3. I-click ang button na plus .

  4. Piliin ang Website.

  5. Sa tabi ng “Pangalan ng conversion,” maglagay ng pangalan para sa conversion na gusto mong subaybayan, gaya ng “Isang beses na donasyon,” “Buwanang donasyon,” “Pagbili ng ticket,” “Pagbili sa online store.” Matutulungan ka nitong makilala ang pagkilos na conversion sa ibang pagkakataon sa mga ulat ng conversion.

  6. Sa tabi ng “Kategorya,” piliin ang Pagbili/Benta sa dropdown.

  7. Sa tabi ng "Halaga," piliin kung paano susubaybayan ang halaga ng bawat conversion.

    • Piliin ang “Gumamit ng iba't ibang halaga para sa bawat conversion” kung ang kabuuang halaga ay posibleng iba sa bawat pagkakataong mangyayari ang parehong conversion, hal. kung sinusubaybayan mo ang mga pagbili sa mga produkto o ticket na may iba't ibang presyo. Sa ibang pagkakataon, kapag idinagdag mo ang iyong tag ng pagsubaybay sa conversion, kakailanganin mong i-customize ang iyong tag para masubaybayan ang mga halagang partikular sa transaksyon.

    • Piliin ang “Gamitin ang iisang halaga para sa bawat conversion” kung plano mong mag-set up ng maraming pagkilos na conversion para sa bawat transaksyon at ang bawat transaksyon ay sumusubaybay ng partikular na halaga. Halimbawa, mag-set up ng pagkilos na conversion na may halagang Php500 kung may taong nagbigay ng donasyong Php500 sa pamamagitan ng pagsubaybay sa pagbisita sa page ng kumpirmasyon: www.example.com/thankyou10. Para masubaybayan ang isang donasyong nagkakahalagang Php1,000, dapat mag-set up ng pangalawang pagkilos na conversion na may halagang Php1,000 para masubaybayan ang isang pagbisita sa page ng kumpirmasyon: www.example.com/thankyou20.

  8. Sa tabi ng “Bilang,” piliin ang “Bawat,” na pinakamainam para sa mga transaksyon kapag ang bawat conversion ay malamang na magdaragdag ng halaga para sa iyong nonprofit. Ang “Isa” ay pinakamainam para sa mga lead, gaya ng form ng pag-sign up sa iyong website, kapag isang conversion sa bawat pag-click ng ad lang ang malamang na magdagdag ng halaga para sa iyong organisasyon.

  9. I-click ang Palugit ng conversion. Piliin sa drop-down kung gaano katagal susubaybayan ang mga conversion pagkatapos ng pakikipag-ugnayan sa ad. Inirerekomenda ang 90 araw para makuha ang mas mahahabang cycle ng pagbili, tulad ng mga donasyon.

  10. I-click ang Palugit ng view-through na conversion. Piliin sa drop-down kung gaano katagal susubaybayan ang mga view-through na conversion. Inirerekomenda ang 30 araw para makuha ang mas mahahabang cycle ng pagbili, tulad ng mga donasyon.

  11. I-click ang Isama sa “Mga Conversion.” Piliin ang “Oo” para isama ang data para sa mahalagang pagkilos na conversion na ito na sumusubaybay sa mga transaksyon sa pera sa iyong column ng pag-uulat na "Mga Conversion" at gamitin ito para maimpluwensyahaan ang diskarte mo sa Smart Bidding.

  12. I-click ang “Modelo ng attribution” at pumili ng naaangkop na modelo. Inirerekomenda namin ang “Time decay.”

  13. I-click ang Gawin at magpatuloy.

Makakakita ka na ngayon ng screen na nagpapakitang nagawa mo na ang iyong pagkilos na conversion. Sundin ang mga tagubilin sa Hakbang 2 para ma-set up ang iyong tag. Kailangang maipatupad ang tag para maituring na kumpleto ang pagsubaybay sa conversion at kwalipikadong ma-activate ang iyong account.

Mag-import ng mga transaksyon mula sa third party na platform (hal. Paypal, Classy, Ticketmaster).

Kung gumagamit ka ng third party na tagaproseso ng pagbabayad, i-import ang mga layuning iyon sa Google Ads. Makipag-ugnayan sa iyong tagaproseso para sa suporta, o bisitahin ang aming Help Center para sa gabay kung gumagamit ka ng Classy, Frontstream Artez, o Blackbaud Luminate.

Pagsubaybay sa halaga ng mga lead

Kung sinusubaybayan mo ang isang lead at may kumpiyansa ka sa end value sa iyong nonprofit, idagdag ang halagang iyon at gamitin ang kategoryang "Pagbili/Benta." 

Subaybayan ang isang pag-sign up, user ng serbisyo, lead, isinumiteng form, o pag-download ng mahalagang dokumento

Subaybayan ang anumang makabuluhang pagkilos na isinagawa sa iyong site. Kapag nakumpleto na ang pagkilos, dapat ay marating ng user ang isang page ng kumpirmasyon o pasasalamat. Subaybayan ang page na ito gamit ang pagsubaybay sa web page. Kung wala kang page ng kumpirmasyon, subaybayan ang pag-click sa action button. 
May mga karagdagang kakayahan sa pagsubaybay ang Google Analytics. Sa Analytics lang available, hindi sa Google Ads, ang kakayahang subaybayan ang pakikipag-ugnayan sa panonood sa isang video sa YouTube o pag-click sa isang button gamit ang Pagsubaybay ng event. Kung nag-i-import mula sa Analytics, puwede ka ring makinabang sa mga sukatan—tulad ng Bounce Rate, Avg. na Tagal ng Session, at Mga Page/Session—sa iyong tab na Mga Google Ads Campaign at tab na Mga ad group sa Analytics. 

Gamitin ang Google Analytics para subaybayan ang page ng pasasamalat o pag-click sa isang button

1. I-set up ang Google Analytics at gumawa ng mga layunin

Mag-set up ng mga layunin sa Analytics para makita ang mga sukatan tulad ng bounce rate, karaniwang tagal ng session, at mga page sa bawat session para sa iyong mga campaign sa Ad Grants na hindi maa-access sa Google Ads. 

  1. I-install ang Google Analytics o mag-sign in sa isang kasalukuyang account. Gamitin ang parehong admin login para sa iyong Google Ads account at Google Analytics account mo. 

  2. I-set up ang isa sa mga sumusunod:
  3. I-link ang iyong Google Ads account at Analytics account. 

2. I-import sa Google Ads ang mga layunin sa Google Analytics

Kapag nakagawa ka na ng mga layunin sa Google Analytics, i-import ang mga ito sa iyong Google Ads account para magamit ang data ng conversion para i-optimize ang account mo.

  1. Mag-sign in sa iyong Google Ads account. Mag-sign in gamit ang username na ginamit mo para gawin ang iyong Ad Grants account sa Bahagi 1.

  2. Sa kanang sulok sa itaas, i-click ang tool icon , at sa ilalim ng "Sukat," i-click ang Mga Conversion.

  3. I-click ang button na plus .

  4. Piliin ang I-import, piliin ang Google Analytics, pagkatapos ay i-click ang Magpatuloy.

  5. Piliin ang layunin o transaksyong nakakatugon sa mga sumusunod na kinakailangang gusto mong i-import, pagkatapos ay i-click ang I-import at magpatuloy.

    • Tiyaking ang layuning subaybayan ang isang online na transaksyon ay isang Layunin ng destinasyon na sumusubaybay sa isang pagbisita sa page ng kumpirmasyon.

    • Kung wala kang page ng kumpirmasyon, o kung ididirekta mo ang mga tao paalis ng iyong site para kumpletuhin ang pagkilos at hindi maibabalik ang kumpirmasyon, mag-set up ng Pagsubaybay ng event at subaybayan ang isang pag-click sa button ng huling yugto ng pagsusumite. Ang mga event ay mga pakikipag-ugnayan ng user sa content na puwedeng subaybayan nang hiwalay sa pag-load ng web page o screen. Ang mga pag-download, pag-click sa ad sa mobile, gadget, elementong Flash, elementong naka-embed sa AJAX, at pag-play ng video ay mga halimbawa ng mga pagkilos na puwede mong subaybayan bilang Mga Event.

  6. I-click ang Tapos na.

Kapag na-import mo na ang iyong mga layunin sa Analytics, i-edit ang mga ito para ma-save ang mga sumusunod na setting.

  1. I-click ang pangalan ng na-import na layunin na gusto mong i-edit.

  2. Sa kanang sulok sa ibaba, i-click ang I-edit ang Mga Setting.

  3. Sa tabi ng “Kategorya,” piliin ang Pag-sign up o Lead depende sa pagkilos na conversion. Tandaan: Huwag piliin ang Pagbili/Benta maliban na lang kung sumusubaybay ka ng valid na halaga ng pera para sa pagkilos na iyon.

  4. Sa tabi ng “Bilang,” piliin ang “Isa,” na karaniwang pinakamainam para sa mga pag-sign up at lead, kapag isang conversion para sa bawat pag-click sa ad lang ang malamang na magdaragdag ng halaga para sa iyong organisasyon. Sa ilang mas bihirang kaso, ang “Bawat” ay posibleng maging mas mainam, kapag ang bawat conversion ay malamang na magdaragdag ng halaga para sa iyong nonprofit.

  5. I-click ang Palugit ng conversion. Piliin sa drop-down kung gaano katagal susubaybayan ang mga conversion pagkatapos ng pakikipag-ugnayan sa ad. Inirerekomenda ang 90 araw sa maraming sitwasyon kapag tumutugma iyon sa oras na kinakailangan para gawing tagasuporta o user ng serbisyo ng iyong nonprofit ang isang bisita.

  6. I-click ang Palugit ng view-through na conversion. Piliin sa drop-down kung gaano katagal susubaybayan ang mga view-through na conversion. Inirerekomenda ang 30 araw para makuha ang mas mahahabang cycle ng conversion, tulad ng para sa mga pag-sign up ng volunteer.

  7. I-click ang Isama sa “Mga Conversion.” Piliin ang “Oo” para isama ang data para sa mahalagang pagkilos na conversion sa iyong column ng pag-uulat na "Mga Conversion" at gamitin ito para maimpluwensyahan ang diskarte mo sa Smart Bidding.

  8. I-click ang Modelo ng attribution at pumili ng naaangkop na modelo. Inirerekomenda namin ang “Time decay.”

  9. I-click ang I-save para sa bawat seksyon at Tapos na sa ibaba ng window.

Mag-import ng mga layunin mula sa third party na platform sa pagsubaybay 

Kung gumagamit ka ng third party na platform sa pagsubaybay para sumubaybay ng mga layunin, posible kang makapag-import ng mga layunin sa Google Ads. Makipag-ugnayan sa iyong platform sa pagsubaybay para malaman ang higit pa.  

Bisitahin ang aming Help Center para sa gabay kung gumagamit ka ng Classy, Frontstream Artez, o Blackbaud Luminate.

Subaybayan ang engagement sa content ng iyong website

Gumamit ng Google Analytics o third party na programa sa pagsubaybay para masubaybayan ang mga signal sa engagement ng website.  

Gumamit ng Google Analytics para sa madaling i-set up na mga layunin sa engagement 

Inirerekomenda namin ang Mga Smart Goal mula sa Google Analytics. Gumagamit ang Mga Smart Goal ng machine learning para suriin ang maraming signal tungkol sa iyong mga session sa website para malaman kung alin sa mga iyon ang pinakamalamang na magresulta sa mga conversion. May nakatakdang marka sa bawat session, kung saan ang "pinakamainam" na mga session ay ginagawang Mga Smart Goal. Ilang halimbawa ng mga signal na kasama sa modelo ng Mga Smart Goal ang Tagal ng session, Mga page sa bawat session, Lokasyon, Device, at Browser.

Inirerekomenda naming magdagdag ng isa pang layunin sa Lead, Pag-sign up, o Pagbili/Benta kasama ng Mga Smart Goal.

Kung mas kaunti sa 250 pag-click sa nakalipas na 30 araw ang makukuha ng naka-link na Google Ads account, made-deactivate ang Mga Smart Goal hanggang sa dumami ulit at maging 500 o higit pa ang mga pag-click. 

Mga Tagubilin:

  1. Mag-enable ng Smart Goal.

  2. Pagkatapos mag-enable ng Smart Goal sa Analytics, i-import ito sa Google Ads kasama ng isa pang layunin para matiyak na may mase-secure kang kahit 1 conversion lang kada buwan kapag nagsimulang maghatid ang iyong account. 

Huwag isama sa Mga Conversion ang layuning "Mga Page/Screen sa bawat session" at "Tagal"

Ang mga layunin ng Google Analytics na “Mga Page/Screen sa bawat session” at “Tagal” ay dapat hindi kasama sa “Mga Conversion” sa iyong Google Ads account at dapat gamitin ang kategoryang "Iba pa."

Subaybayan ang mga tawag sa hotline o linya ng suporta

Subaybayan kapag may tumawag sa iyo mula sa isang numero ng telepono sa mga ad mo o mula sa numero ng telepono sa iyong website, o kapag nag-click sila sa numero ng telepono mo sa iyong mobile website. Matuto pa tungkol sa pagsubaybay sa conversion ng tawag sa telepono.

Mga Tagubilin:

Kinakailangan sa Ad Grants.

Minimum na 30 segundong haba ng tawag

Subaybayan kapag nag-install ang isang customer ng iyong app o nakakumpleto siya ng isang in-app na pagkilos

Subaybayan kapag may nag-install ng iyong app o nakakumpleto ng isang in-app na pagkilos, gaya ng donasyon o pag-sign up, pagkatapos mag-click sa ad mo. Matuto pa tungkol sa pagsubaybay sa conversion sa mobile app.

Mga Tagubilin:

Mga Tip

Gamitin ang Google Tag Manager para magdagdag o mag-edit ng mga tracking code 

Ang Google Tag Manager ay isang system ng pamamahala ng tag (TMS) na nagbibigay-daan sa iyong mag-update ng mga tracking code at nauugnay na fragment ng code na sama-samang tinatawag na mga tag sa website o mobile app mo sa mabilis at madaling paraan. Kapag naidagdag na ang maliit na segment ng code ng Tag Manager sa iyong proyekto, ligtas at madali kang makakapag-deploy ng mga configuration ng tag ng analytics at pagsukat mula sa isang user interface na nakabatay sa web.

Sumubaybay ng maraming conversion pero subaybayan ang iyong rate ng conversion

Gusto mo bang subaybayan ang maraming uri ng mga conversion mula sa listahan sa itaas? Mag-set up lang ng ibang pagkilos na conversion para sa bawat natatanging layuning gusto mong subaybayan. Halimbawa, makakapag-set up ka ng isang pagkilos na conversion para sa mga donasyon sa iyong website, at ng isa pa para subaybayan ang mga tawag mula sa mga ad mo.

Sa Google Ads, may ilang conversion na puwedeng hindi isama sa "Mga Conversion" at pagtingin lang, at ang iba naman ay puwedeng isama sa "Mga Conversion" at gamitin para sa mga signal ng strategy sa Smart Bidding. Tiyaking tanging ang mga pinakamakabuluhang pagkilos lang ang kasama sa "Mga Conversion." Ang isang magandang indicator ay kung ang Conv. Rate ay mas mataas sa 15%, Kung gayon, pag-isipang hindi isama ang ilang pagkilos sa Mga Conversion, tulad ng layunin sa engagement.

I-swap ang kontrol para sa mas madaling pamamahala gamit ang Mga Smart Campaign

Nagbibigay sa iyo ang expert mode ng Google Ads ng ganap na kontrol sa mga ad campaign mo. Ang alternatibo ay ang pag-set up ng Mga smart campaign. Makakatipid ka ng oras sa mga smart campaign gamit ang mga naka-automate na setting at hindi mapapailalim ang iyong account sa Mga kinakailangan sa performance at pagsubaybay sa conversion ng Ad Grants

 

Sundin ang gabay sa pag-activate ng Google Ad Grants para i-set up ang iyong Smart campaigns account para sa mga naka-automate na insight sa performance at minimal na kasalukuyang pamamahala.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8425338654828526019
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false