Mag-set up ng tumpak at aktibong pagsubaybay sa conversion

 

Nangangailangan ang patakaran ng Google Ad Grants ng aktibo at tumpak na pagsubaybay sa conversion. . Gamitin ang iyong maaasahang data ng conversion para makita kung anong mga keyword, ad, at campaign ang naghahatid sa iyo ng mga bisita na kumikilos sa site mo, at i-optimize ang iyong account tungo sa pagpapalago ng mga makabuluhang resultang ito.

Ano ang pagsubaybay sa conversion? 

Ang pagsubaybay sa conversion ay isang libreng tool na nagpapakita sa iyo kung ano ang nangyayari pagkatapos mag-interact ng isang tao sa mga ad mo – kung siya man ay nag-donate, may binili sa iyong charity shop, tumawag sa linya mo ng suporta, nag-sign up para sa iyong newsletter, nag-sign para maging boluntaryo, o nag-download ng app mo. Kapag may taong nagkumpleto ng pagkilos na tinukoy mo bilang mahalaga, tinatawag na mga conversion ang mga nakumpletong pagkilos na ito. 

Bakit mainam na mag-install ng pagsubaybay sa conversion? 

Makuha ang pinakamagandang return sa iyong badyet sa Ad Grants sa pamamagitan ng pagsubaybay sa mga resulta. Kasama sa mga benepisyo ang: 

  • Tingnan kung aling mga keyword, ad, ad group, at campaign ang pinakamahusay sa paghimok ng mahalagang aktibidad.
  • Maunawaan ang iyong return on investment (ROI) at gumawa ng mas mahuhusay na pasya tungkol sa paggastos ng badyet mo sa Ad Grants. 
  • Gumamit ng mga diskarte sa Smart Bidding, tulad ng I-maximize ang Mga Conversion, na awtomatikong nag-o-optimize ng iyong mga campaign ayon sa mga layuning naitakda mo, at magagawa nitong lampasan ang maximum na CPC na nakatakda bilang program rule para sa mga campaign ng manual na pag-bid. 
  • Tingnan kung ilang customer ang posibleng nakikipag-ugnayan sa iyong mga ad sa isang device o browser at nagko-convert sa isa pa. Puwede mong tingnan ang cross-device, cross-browser, at iba pang data ng conversion sa iyong column ng ulat na "Lahat ng conversion."

Tingnan kung mayroon kang mga pagkilos na conversion at kung nagre-record ka ng mga conversion 

  1. Mag-sign in sa iyong Google Ads account.
  2. I-click ang Mga Campaign sa panel ng navigation sa kaliwa.
  3. Piliin ang hanay ng petsa na Nakaraang 30 araw sa kanang bahagi sa itaas.
  4. Tingnan ang row sa ibaba ng talahanayan ng mga resulta na "Kabuuan: Account" at ang column na "Mga Conversion." Kung hindi lumabas ang column na "Mga Conversion," i-click ang Mga Column sa itaas ng talahanayan at idagdag ang "Mga Conversion."
  5. Kung may 0 conversion para sa nakaraang 30 araw, dapat mong tukuyin kung alin sa mga sumusunod na isyu ang umiiral. 
  6. Mag-click sa icon na Mga Tool sa panel sa itaas. Sa ilalim ng column na Pagsukat, i-click ang Mga Conversion.
    1. Kung walang nakalistang pagkilos na conversion, i-set up ang pagsubaybay sa conversion.
    2. Kung walang pagkilos na conversion pero sa ilalim ng "Status" ang iyong mga pagkilos na conversion ay:

I-set up ang pagsubaybay kung wala kang pagkilos na conversion

Nangangailangan ang patakaran ng Google Ad Grants ng aktibo at tumpak na pagsubaybay sa conversion. Gamitin ang iyong maaasahang data ng conversion para makita kung anong mga keyword, ad, at campaign ang naghahatid sa iyo ng mga bisita na kumikilos sa site mo, at i-optimize ang iyong account tungo sa pagpapalago ng mga makabuluhang resultang ito.

Gamit ang pagsubaybay sa conversion ng Google Ads, makikita mo kung gaano kaepektibong humahantong ang iyong mga pag-click sa ad sa mahahalagang aktibidad ng bisita sa website, gaya ng mga pagbibigay ng donasyon, pagbili, pagtawag sa telepono, pag-download ng app, pag-sign up sa newsletter, at marami pa. Depende sa uri ng conversion na iyong sinusubaybayan, ang proseso ng pag-set up ay iba, kaya ang unang hakbang sa pag-set up ng pagsubaybay sa conversion ay ang pagpili ng iyong layunin.

Batay sa pagkilos na gusto mong subaybayan, laktawan ang kaugnay na seksyon sa ibaba.

  • Subaybayan ang transaksyon sa pera

  • Subaybayan ang bagong pag-sign up, user ng serbisyo, lead, isinumiteng form, o pag-download ng mahalagang dokumento

  • Subaybayan ang pakikipag-ugnayan sa content ng iyong website

  • Subaybayan ang mga tawag sa hotline o linya ng suporta

  • Subaybayan kapag nag-install ang isang customer ng iyong app o nakakumpleto ng isang in-app na pagkilos

Tandaan

Kailangang i-set up ang kahit man lang isa sa mga uri ng conversion sa ibaba gaya ng inilalarawan at kapag aktibo ang account, kailangang makakuha ng kahit man lang 1 conversion bawat buwan para makasunod. Posibleng idagdag sa iyong account ang mga uri ng conversion na hindi nakalista sa ibaba, pero dapat huwag isama ang mga ito sa “Mga Conversion” at gamitin ng mga ito ang kategoryang ‘Iba pa.’

 

Lumipat sa mga Smart campaign para sa mabilis at madaling pag-set up, kaunting patuloy na pamamahala, at mga naka-automate na insight sa performance. Makakatipid ka ng oras at ang iyong account ay hindi mapapailalim sa mga kinakailangan ng Ad Grants sa performance at pagsubaybay sa conversion. Sundin ang gabay sa pag-enroll ng Google Ad Grants para i-set up ang iyong account.

Subaybayan ang transaksyon sa pera

Maraming posibleng anyo ang mga transaksyon sa pera. Subaybayan ang mga donasyong natanggap, benta ng ticket, benta ng mga produkto ng online charity shop, fee based booking para sa mga event, serbisyo, appointment, paglago ng membership, at mga pag-sign up sa mga fundraising na inisyatiba.

Patakaran: Tiyaking gagamitin ng lahat ng transaksyon sa pera ang kategoryang "Pagbili/Benta." 

Gamitin ang Google Analytics at subaybayan ang mga halaga ng transaksyon

Tip

Inirerekomenda namin ang pag-install ng Google Analytics, pag-link ng mga account, at pag-set up ng pagsubaybay ng layunin o ng Ecommerce para makita ang data ng transaksyon. Bukod sa pag-import ng layunin at mga transaksyon ng Analytics sa Pagsubaybay sa Conversion ng Google Ads, makikita mo rin ang mga sukatan ng Analytics—tulad ng Bounce Rate, Avg. na Tagal ng Session, at Mga Page/Session—sa iyong mga tab ng Mga Google Ads Campaign at mga Ad group.

  1. Mag-sign in sa iyong Google Ads account. Mag-sign in gamit ang username na ginamit mo para gawin ang iyong Ad Grants account sa Bahagi 1.

  2. Sa kanang sulok sa itaas, i-click ang tool icon , at sa ilalim ng "Sukat," i-click ang Mga Conversion.

  3. I-click ang button na plus .

  4. Piliin ang I-import, piliin ang Google Analytics, pagkatapos ay i-click ang Magpatuloy.

  5. Piliin ang layunin o transaksyong nakakatugon sa mga sumusunod na kinakailangang gusto mong i-import, pagkatapos ay i-click ang I-import at magpatuloy.

    1. Kung hindi mo ginagamit ang Ecommerce, tiyaking ang layuning sumusubaybay sa isang online na transaksyon ay isang Layunin sa destinasyon na sumusubaybay sa isang pagbisita sa page ng pagkumpirma ng pagbabayad.

    2. Kung idinidirekta mo ang mga tao palabas ng iyong site para kumpletuhin ang transaksyon sa pamamagitan ng isang third party na tagaproseso ng pagbabayad at hindi makabalik sa iyo ang kumpirmasyon o halaga, i-set up ang Pagsubaybay ng event sa huling yugto na button na Mag-donate o Bumili.

    3. Inirerekomenda namin ang paggamit ng Ecommerce at pag-import ng Mga Transaksyon. Dahil sinusubaybayan ng Mga Transaskyon ang lahat ng transaksyon sa pera sa iyong site, iwasang mag-import ng iba pang layuning sumusubaybay rin ng mga halaga kabilang ang Mga Transaksyon dahil posible itong humantong sa pag-duplicate ng pagbibilang.

    4. I-click ang Tapos na.

Kapag na-import mo na ang iyong mga layunin sa Analytics, i-edit ang mga ito para ma-save ang mga sumusunod na setting.

  1. I-click ang pangalan ng na-import na layunin na gusto mong i-edit.

  2. Sa kanang sulok sa ibaba, i-click ang I-edit ang Mga Setting.

  3. I-click ang Kategorya. Piliin ang "Pagbili/Benta" sa dropdown para sa pagkilos na conversion na nag-uulat ng transaksyong may halaga ng pera.

  4. I-click ang Halaga. Gamitin ang setting na “Gamitin ang halaga mula sa Analytics” kapag tumpak mo nang naitatag ang pagsubaybay ng halaga sa Analytics. I-deselect/piliin ang “Gamitin ang parehong currency tulad ng sa Analytics.”

  5. I-click ang Bilang. Piliin ang “Bawat” na pinakamainam para sa mga transaksyon kapag ang bawat conversion ay malamang na magdagdag ng halaga para sa iyong nonprofit. Ang “Isa” ay pinakamainam para sa mga lead, gaya ng form ng pag-sign up sa iyong website, kapag isang conversion sa bawat pag-click ng ad lang ang malamang na magdagdag ng halaga para sa iyong organisasyon.

  6. I-click ang Palugit ng conversion. Piliin sa drop-down kung gaano katagal susubaybayan ang mga conversion pagkatapos ng pakikipag-ugnayan sa ad. Inirerekomenda ang 90 araw para makuha ang mas mahahabang cycle ng pagbili, tulad ng mga donasyon.

  7. I-click ang Palugit ng view-through na conversion. Piliin sa drop-down kung gaano katagal susubaybayan ang mga view-through na conversion. Inirerekomenda ang 30 araw para makuha ang mas mahahabang cycle ng pagbili, tulad ng mga donasyon.

  8. I-click ang Isama sa “Mga Conversion.” Piliin ang “Oo” para isama ang pagsubaybay para sa mga transaksyon sa pera sa iyong column ng pag-uulat na "Mga Conversion" at gamitin ang data na ito para maimpluwensyahan ang diskarte mo sa Smart Bidding.

  9. I-click ang Modelo ng attribution at pumili ng naaangkop na modelo. Inirerekomenda namin ang “Time decay.”

  10. I-click ang I-save para sa bawat seksyon at Tapos na sa ibaba ng window.

Opsyon 2) Gamitin ang pagsubaybay sa conversion ng Google Ads para sa iyong website

Kung ayaw mong mag-install ng Google Analytics, at may kakayahan kang magproseso ng mga pagbabayad sa iyong site, at magagawa mong i-edit ang site mo para magdagdag ng tracking code ng conversion, na tinatawag na “tag,” sumubaybay sa isang pagbisita sa page ng pagkumpirma ng pagbabayad gamit ang pagsubaybay sa page ng destinasyon sa pamamagitan ng Google Ads.

  1. Mag-sign in sa iyong Google Ads account. Mag-sign in gamit ang username na ginamit mo para gawin ang iyong Ad Grants account sa Bahagi 1.

  2. Sa kanang sulok sa itaas, i-click ang tool icon , at sa ilalim ng "Sukat," i-click ang Mga Conversion.

  3. I-click ang button na plus .

  4. Piliin ang Website.

  5. Sa tabi ng “Pangalan ng conversion,” maglagay ng pangalan para sa conversion na gusto mong subaybayan, gaya ng “Isang beses na donasyon,” “Buwanang donasyon,” “Pagbili ng ticket,” “Pagbili sa online store.” Matutulungan ka nitong makilala ang pagkilos na conversion sa ibang pagkakataon sa mga ulat ng conversion.

  6. Sa tabi ng “Kategorya,” piliin ang Pagbili/Benta sa dropdown.

  7. Sa tabi ng "Halaga," piliin kung paano susubaybayan ang halaga ng bawat conversion.

    • Piliin ang “Gumamit ng iba't ibang halaga para sa bawat conversion” kung ang kabuuang halaga ay posibleng iba sa bawat pagkakataong mangyayari ang parehong conversion, hal. kung sinusubaybayan mo ang mga pagbili sa mga produkto o ticket na may iba't ibang presyo. Sa ibang pagkakataon, kapag idinagdag mo ang iyong tag ng pagsubaybay sa conversion, kakailanganin mong i-customize ang iyong tag para masubaybayan ang mga halagang partikular sa transaksyon.

    • Piliin ang “Gamitin ang parehong halaga para sa bawat conversion” kung plano mong mag-set up ng maraming pagkilos na conversion para sa bawat transaksyon at ang bawat transaksyon ay sumusubaybay sa partikular na halaga. Halimbawa, mag-set up ng pagkilos na conversion na may halagang $10 kung may taong magbigay ng $10 na donasyon sa pamamagitan ng pagsubaybay ng pagbisita sa page ng pagkumpirma: www.example.com/thankyou10. Para masubaybayan ang isang donasyong nagkakahalagang $20, dapat mag-set up ng pangalawang pagkilos na conversion na may halagang $20 para masubaybayan ang isang pagbisita sa page ng pagkumpirma: www.example.com/thankyou20.

  8. Sa tabi ng “Bilang,” piliin ang “Bawat,” na pinakamainam para sa mga transaksyon kapag ang bawat conversion ay malamang na magdaragdag ng halaga para sa iyong nonprofit. Ang “Isa” ay pinakamainam para sa mga lead, gaya ng form ng pag-sign up sa iyong website, kapag isang conversion sa bawat pag-click ng ad lang ang malamang na magdagdag ng halaga para sa iyong organisasyon.

  9. I-click ang Palugit ng conversion. Piliin sa drop-down kung gaano katagal susubaybayan ang mga conversion pagkatapos ng pakikipag-ugnayan sa ad. Inirerekomenda ang 90 araw para makuha ang mas mahahabang cycle ng pagbili, tulad ng mga donasyon.

  10. I-click ang Palugit ng view-through na conversion. Piliin sa drop-down kung gaano katagal susubaybayan ang mga view-through na conversion. Inirerekomenda ang 30 araw para makuha ang mas mahahabang cycle ng pagbili, tulad ng mga donasyon.

  11. I-click ang Isama sa “Mga Conversion.” Piliin ang “Oo” para isama ang data para sa mahalagang pagkilos na conversion na ito na sumusubaybay sa mga transaksyon sa pera sa iyong column ng pag-uulat na "Mga Conversion" at gamitin ito para maimpluwensyahaan ang diskarte mo sa Smart Bidding.

  12. I-click ang “Modelo ng attribution” at pumili ng naaangkop na modelo. Inirerekomenda namin ang “Time decay.”

  13. I-click ang Gawin at magpatuloy.

Makakakita ka na ngayon ng screen na nagpapakitang nagawa mo na ang iyong pagkilos na conversion. Sundin ang mga tagubilin sa Hakbang 2 para ma-set up ang iyong tag. Kailangang maipatupad ang tag para maituring na kumpleto ang pagsubaybay sa conversion at kwalipikado ang iyong account para ma-activate.

Opsyon 3) Kung gumagamit ka ng isang third party na platform para iproseso ang mga transaksyong sinimulan sa iyong site (hal. PayPal, Classy, Ticketmaster).

Kung gumagamit ka ng third party na tagaproseso ng pagbabayad, i-import ang mga layuning iyon sa Google Ads. Makipag-ugnayan sa iyong tagaproseso para sa suporta, o bisitahin ang aming Help Center para sa gabay kung gumagamit ka ng Classy, Frontstream Artez, o Blackbaud Luminate.

Pagsubaybay sa halaga ng Mga Lead

Kung sinusubaybayan mo ang isang lead at kampante ka sa end value sa iyong nonprofit, idagdag ang halagang iyon at gamitin ang kategoryang "Pagbili/Benta."  

Subaybayan ang bagong pag-sign up, user ng serbisyo, lead, isinumiteng form, o pag-download ng mahalagang dokumento

Subaybayan ang anumang mahalagang pagkilos na gagawin sa iyong site na makabuluhan sa organisasyon mo. Halimbawa: isang pag-sign up bilang boluntaryo, pag-sign up bilang user ng serbisyo, pag-sign up sa newsletter, pledge o lagda sa petisyon, pag-book ng appointment, kahilingan para sa higit pang impormasyon, o pag-download ng isang dokumento. Kapag nakumpleto ang pagkilos, makakarating dapat ang user sa isang page ng pagkumpirma o pasasalamat. Subaybayan ang page na ito gamit ang pagsubaybay sa webpage. Kung wala kang page ng pagkumpirma, subaybayan ang pag-click ng button. 

Opsyon 1) Gamitin ang Google Analytics para subaybayan ang isang pagtingin sa page ng pagkumpirma, o pag-click ng isang button

Tip

 
Inirerekomenda namin ang pag-install ng Google Analytics, pag-link ng mga account, at pag-set up ng pagsubaybay ng layunin para subaybayan ang pagtingin sa isang page ng pagkumpirma. Sa Analytics lang available, hindi sa Google Ads, ang kakayahang subaybayan ang engagement sa panonood sa isang video sa YouTube o pag-click sa isang button gamit ang Pagsubaybay ng event. Kung nag-i-import mula sa Analytics, puwede ka ring makinabang sa mga sukatan—tulad ng Bounce Rate, Avg. na Tagal ng Session, at Mga Page/Session—sa iyong mga tab na Mga Google Ads Campaign at Ad groups. 
  1. Mag-sign in sa iyong Google Ads account. Mag-sign in gamit ang username na ginamit mo para gawin ang iyong Ad Grants account sa Bahagi 1.

  2. Sa kanang sulok sa itaas, i-click ang tool icon , at sa ilalim ng "Sukat," i-click ang Mga Conversion.

  3. I-click ang button na plus .

  4. Piliin ang I-import, piliin ang Google Analytics, pagkatapos ay i-click ang Magpatuloy.

  5. Piliin ang layunin o transaksyong nakakatugon sa mga sumusunod na kinakailangang gusto mong i-import, pagkatapos ay i-click ang I-import at magpatuloy.

    • Tiyaking ang layuning subaybayan ang isang online na transaksyon ay isang Layunin ng destinasyon na sumusubaybay sa isang pagbisita sa page ng kumpirmasyon.

    • Kung wala kang page ng pagkumpirma, o kung idinidirekta mo ang mga tao palabas ng iyong site para kumpletuhin ang pagkilos at hindi maibalik ang pagkumpirma, mag-setup ng Pagsubaybay ng event at subaybayan ang pag-click sa button ng huling yugto ng pagsumite. Ang Mga Event ay mga pakikipag-ugnayan ng user sa content na maaaring subaybayan nang hiwalay sa pag-load ng web page o screen. Ang mga pag-download, pag-click sa ad sa mobile, gadget, elementong Flash, elementong naka-embed sa AJAX, at pag-play ng video ay mga halimbawa ng mga pagkilos na puwede mong subaybayan bilang Mga Event.

  6. I-click ang Tapos na.

Kapag na-import mo na ang iyong mga layunin sa Analytics, i-edit ang mga ito para ma-save ang mga sumusunod na setting.

  1. I-click ang pangalan ng na-import na layunin na gusto mong i-edit.

  2. Sa kanang sulok sa ibaba, i-click ang I-edit ang Mga Setting.

  3. Sa tabi ng “Kategorya,” piliin ang Pag-sign up o Lead depende sa pagkilos na conversion. Tandaan: Huwag piliin ang Pagbili/Benta maliban na lang kung sumusubaybay ka ng valid na halaga ng pera para sa pagkilos na iyon.

  4. Sa tabi ng “Bilang,” piliin ang “Isa,” na karaniwang pinakamainam para sa mga pag-sign up at lead, kapag isang conversion para sa bawat pag-click sa ad lang ang malamang na magdaragdag ng halaga para sa iyong organisasyon. Sa ilang mas bihirang kaso, ang “Bawat” ay posibleng maging mas mainam, kapag ang bawat conversion ay malamang na magdaragdag ng halaga para sa iyong nonprofit.

  5. I-click ang Palugit ng conversion. Piliin sa drop-down kung gaano katagal susubaybayan ang mga conversion pagkatapos ng pakikipag-ugnayan sa ad. Inirerekomenda ang 90 araw sa maraming sitwasyon kapag tumutugma iyon sa oras na kinakailangan para gawing tagasuporta o user ng serbisyo ng iyong nonprofit ang isang bisita.

  6. I-click ang Palugit ng view-through na conversion. Piliin sa drop-down kung gaano katagal susubaybayan ang mga view-through na conversion. Inirerekomenda ang 30 araw para makuha ang mas mahahabang cycle ng conversion, tulad ng para sa mga pag-sign up ng volunteer.

  7. I-click ang Isama sa “Mga Conversion.” Piliin ang “Oo” para isama ang data para sa mahalagang pagkilos na conversion sa iyong column ng pag-uulat na "Mga Conversion" at gamitin ito para maimpluwensyahan ang diskarte mo sa Smart Bidding.

  8. I-click ang Modelo ng attribution at pumili ng naaangkop na modelo. Inirerekomenda namin ang “Time decay.”

  9. I-click ang I-save para sa bawat seksyon at Tapos na sa ibaba ng window.

Opsyon 2) Gamitin ang pagsubaybay sa conversion ng Google Ads para sa iyong website

  1. Mag-sign in sa iyong Google Ads account. Mag-sign in gamit ang username na ginamit mo para gawin ang iyong Ad Grants account sa Bahagi 1.

  2. Sa kanang sulok sa itaas, i-click ang tool icon , at sa ilalim ng "Sukat," i-click ang Mga Conversion.

  3. I-click ang button na plus .

  4. Piliin ang Website.

  5. Sa tabi ng “Pangalan ng conversion,” maglagay ng pangalan para sa conversion na gusto mong subaybayan, tulad ng “pag-sign up sa newsletter.” Makakatulong ito sa iyo na matukoy ang pagkilos na conversion na ito sa ibang pagkakataon sa mga ulat sa conversion.

  6. Sa tabi ng "Kategorya," piliin ang Lead, Pag-sign up o Iba pa sa dropdown. Huwag piliin ang Pagbili/Benta maliban na lang kung sumusubaybay ka sa isang valid na halaga ng pera para sa pagkilos na iyon.

  7. Sa tabi ng “Halaga,” piliin kung paano susubaybayan ang halaga ng bawat conversion.

    • Okay lang na piliin ang "Huwag gumamit ng halaga."

    • Bilang kahalili, piliin ang “Gamitin ang parehong halaga para sa bawat conversion” kung gusto mong gumamit ng mga halaga ng conversion na magkatulad kung sumusubaybay ka sa maraming pagkilos na conversion. Makakakuha ka ng mga hiwalay na halaga sa ganoong paraan, sabihin na nating para sa mga tawag sa telepono o mga pag-sign up. Kapag nakikita ang mga hiwalay na halaga, nagbibigay-daan ito para sa mga kapaki-pakinabang na paghahambing ng dalawang magkaibang pagkilos na conversion. Kung ang inilalaan mong halaga sa tawag ay $5 at sa pag-sign up ay $20, nangangahulugan ito na mas pinapahalagahan mo ng apat na beses ang mga pag-sign up ng higit kaysa sa mga tawag. Ang iba pang mga halimbawa ng mga pagkilos na maaaring gawin ng mga bisita na maaaring mahalaga sa iyong nonprofit: mga pagsumite ng form, kahilingan para sa impormasyon tungkol sa pag-aampon ng alagang hayop, mga lead para sa donasyon ng kotse, mga kahilingan sa callback o paghahanap para sa lokasyon ng iyong nonprofit.

    • Kung gusto mong gamitin ang seleksyong “Gumamit ng ibang halaga para sa bawat conversion” kung ang kabuuang halaga ay posibleng maiba sa bawat pagkakataong maganap ang parehong conversion, sumangguni sa seksyon 1 na “Subaybayan ang isang transaksyon sa pera” para tumpak na mag-set up pagkilos kaugnay ng pera.

  8. Sa tabi ng “Bilang,” piliin ang “Isa,” na karaniwang pinakamainam para sa mga pag-sign up at lead, kapag isang conversion para sa bawat pag-click sa ad lang ang malamang na magdaragdag ng halaga para sa iyong organisasyon. Sa ilang mas bihirang kaso, ang “Bawat” ay posibleng maging mas mainam, kapag ang bawat conversion ay malamang na magdaragdag ng halaga para sa iyong nonprofit.

  9. I-click ang Palugit ng conversion. Piliin sa drop-down kung gaano katagal susubaybayan ang mga conversion pagkatapos ng pakikipag-ugnayan sa ad. Inirerekomenda ang 90 araw sa maraming sitwasyon kapag tumutugma iyon sa oras na kinakailangan para gawing tagasuporta o user ng serbisyo ng iyong nonprofit ang isang bisita.

  10. I-click ang Palugit ng view-through na conversion. Piliin sa drop-down kung gaano katagal susubaybayan ang mga view-through na conversion. Inirerekomenda ang 30 araw para makuha ang mas mahahabang cycle ng conversion, tulad ng para sa mga pag-sign up ng volunteer.

  11. I-click ang Isama sa “Mga Conversion.” Piliin ang “Oo” para isama ang data para sa mahalagang pagkilos na conversion sa iyong column ng pag-uulat na "Mga Conversion" at gamitin ito para maimpluwensyahan ang diskarte mo sa Smart Bidding.

  12. I-click ang Modelo ng attribution at pumili ng naaangkop na modelo. Inirerekomenda namin ang “Time decay.”

  13. I-click ang Gawin at magpatuloy.

Makakakita ka na ngayon ng screen na nagpapakita kung paano mo nagawa ang iyong pagkilos na conversion. Sundin ang mga tagubilin sa Hakbang 2 para ma-set up ang iyong tag. Kailangang maipatupad ang tag para maituring na kumpleto ang pagsubaybay sa conversion at kwalipikado ang iyong account para ma-activate.

Subaybayan ang engagement sa content ng iyong website

Kung hindi ka pa nagsusukat ng mga conversion, ang Mga Smart Goal sa Google Analytics ay isang madaling paraan para gamitin ang iyong mga pinakamahusay na session bilang mga conversion. Gumagamit ang Mga Smart Goal ng machine learning para suriin ang maraming signal tungkol sa iyong mga session sa website para malaman kung alin sa mga iyon ang pinakamalamang na magresulta sa mga conversion. May nakatakdang marka sa bawat session, kung saan ang "pinakamainam" na mga session ay ginagawang Mga Smart Goal. Ang ilang halimbawa ng mga signal na kasama sa modelo ng Mga Smart Goal ay tagal ng Session, Mga page sa bawat session, Lokasyon, Device, at Browser.

Para malaman ang mga pinakamainam na session, nagtatakda ang Mga Smart Goal ng limitasyon sa pamamagitan ng pagpili sa tinatayang nangungunang 5% ng trapiko sa iyong site na nanggagaling sa Google Ads. Sa oras na maitakda ang limitasyong iyon, inilalapat ito ng Mga Smart Goal sa lahat ng iyong session sa website.

Mga Tagubilin:

  1. Mag-enable ng Smart Goal.

  2. Pagkatapos mag-enable ng Smart Goal sa Analytics, i-import ito sa Google Ads.

Tandaan

Para masukat ang engagement sa iyong online na content, inirerekomenda ang Mga Smart Goal. Gayunpaman, kung gusto mong subaybayan ang isang pagtingin sa isang pangunahing page na hindi page ng pagkumirma, tiyaking sinusubaybayan mo ang isang page na nagpapahiwatig na nakumpleto ng user ang isang pagkilos, at hindi ang pinakamadalas na bisitahing page o ang homepage. Para sa mga tagubilin, sundin ang mga hakbang sa ilalim ng “Subaybayan ang isang bagong pag-sign up, user ng serbisyo, lead, isinumiteng form, o pag-download ng mahalagang dokumento.”

Halimbawa, kung wala kang form na “Makipag-ugnayan sa amin” sa iyong site o kung hindi mo magamit ang Pagsubaybay ng Event para masubaybayan ang isang pag-click ng button na “Makipag-ugnayan sa amin,” puwede mong subaybayan ang isang pagbisita sa page na “Makipag-ugnayan sa amin” na naglalaman ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan bilang conversion.

Hindi pinapayagan ang mga layunin ng Google Analytics na “Mga page/Mga screen bawat session” at “Tagal.” Kung gusto mong gamitin ang mga ito, huwag isama ang mga ito sa “Mga Conversion.”

Subaybayan ang mga tawag sa hotline o linya ng suporta

Subaybayan kapag may tumawag sa iyo mula sa isang numero ng telepono sa mga ad mo o mula sa numero ng telepono sa iyong website, o kapag nag-click sila sa numero ng telepono mo sa iyong mobile website. Matuto pa tungkol sa pagsubaybay sa conversion ng tawag sa telepono.

Mga Tagubilin:

Kinakailangan sa Ad Grant

Minimum na 30 segundong haba ng tawag

Subaybayan kapag nag-install ang isang customer ng iyong app o nakakumpleto siya ng isang in-app na pagkilos

Subaybayan kapag may nag-install ng iyong app o nakakumpleto ng isang in-app na pagkilos, gaya ng donasyon o pag-sign up, pagkatapos mag-click sa ad mo. Matuto pa tungkol sa pagsubaybay sa conversion sa mobile app.

Mga Tagubilin:

Tip: Subaybayan ang maraming uri ng conversion

Gusto mo bang subaybayan ang maraming uri ng mga conversion mula sa listahan sa itaas? Mag-set up lang ng ibang pagkilos na conversion para sa bawat uri ng conversion na gusto mong subaybayan. Halimbawa, makakapag-set up ka ng isang pagkilos na conversion para sa mga donasyon sa iyong website, at ng isa pa para subaybayan ang mga tawag mula sa mga ad mo.

Kung sinusubaybayan mo ang maraming pagkilos na conversion, hal. kung nag-i-import ka ng mga layunin mula sa Analytics at gumawa rin ng mga conversion sa Google Ads, tiyaking hindi binibilang ng mga ito ang parehong pagkilos. Gamitin ang setting na “Isama sa ‘Mga Conversion’” para piliin kung aling conversion ang isasama sa iyong column ng pag-uulat na “Mga Conversion.” Matuto pa.

Mas gusto ng naka-automate na pamamahala ng campaign?

Lumipat sa mga Smart campaign para sa mabilis at madaling pag-set up, kaunting patuloy na pamamahala, at mga naka-automate na insight sa performance. Makakatipid ka ng oras at ang iyong account ay hindi mapapailalim sa mga kinakailangan ng Ad Grants sa performance at pagsubaybay sa conversion. Sundin ang gabay sa pag-enroll ng Google Ad Grants para i-set up ang iyong account.

Kung may status na ""Walang kamakailang conversion," "Hindi na-verify," o "Hindi aktibo ang tag" ang iyong pagkilos na conversion

Kung nakakatanggap ka ng sapat na mga click at mukhang malabong may hindi nakapagkumpleto ng pagkilos; tingnan ang iyong tag ng pagsubaybay sa conversion. Kung wala kang conversion dahil walang sapat na trapiko mula sa iyong mga ad; magdagdag ng isa pang layunin na medyo mas mataas sa funnel ng conversion at tumutukoy na interesado ang isang user sa pag-convert. Halimbawa, magdagdag ng bagong pag-sign up sa newsletter.  

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17215384992826189893
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false