Gabay sa Pagsubaybay sa Conversion ng Ad Grants

Ang pagsubaybay sa conversion ay isang libreng tool na nag-uulat tungkol sa mga gustong pagkilos na ginagawa ng mga bisita sa iyong website pagkatapos nilang mag-interact sa mga ad mo. Sinusukat ng mga pag-click ang trapiko at sinusukat naman ng mga conversion ang halaga.  Kabilang sa mga halimbawa ng mga layunin sa conversion ang mga monetaryong pagkilos, tulad ng mga pagbibigay ng donasyon, pagbili, pagbebenta ng ticket, bayarin sa membership, pati na rin mga hindi monetaryong pagkilos, tulad ng mga pag-sign up sa email, pag-sign up bilang boluntaryo, bagong pagkumpleto ng membership form, pagsusumite ng kahilingan para sa impormasyon, pagtawag sa iyong organisasyon, o panahong ginugol sa pagbabasa ng content sa website mo. 

Iniaatas ng patakaran sa Ad Grants na ang mga account na nagawa simula Enero 2018 at ang mga account na gumagamit ng mga conversion-based na Smart Bidding strategy ay magpatupad ng valid na pagsubaybay sa conversion, gaya ng inilalarawan sa ibaba. 

Paano masubaybayan ang makabuluhang aktibidad sa iyong website:

Tukuyin kung aling tool sa pagsubaybay ang gagamitin (source ng conversion)

Sumubaybay gamit ang isang tag mula sa iyong Ad Grants account o mag-import ng mga layunin mula sa Google Analytics

Nasusubaybayan ang isang conversion sa pamamagitan ng pagdaragdag ng code sa iyong site at nati-trigger ito ng isang bisitang nakikipag-engage sa mga page o content kung saan nilagay ang code. May dalawang pangunahing opsyon na gumagamit ng libreng tool sa Google: puwede kang gumamit ng alinman sa tag ng pagsubaybay sa conversion ng Google Ads o mga na-import na layunin mula sa Google Analytics.

Inirerekomenda naming gamitin ang Google Analytics. Kung wala ka pang tracking code ng conversion sa iyong website, inirerekomenda naming gamitin ang Google Analytics.
 
Kung may Google Analytics na ang site mo at kampante ka sa iyong web-tracking-code setup, kakailanganin mo lang gumawa ng Mga Layunin at i-import ang mga ito sa Ad Grants account mo.

Tukuyin ang iyong layunin (pagkilos na conversion)

Pumili ng makabuluhang pagkilos na conversion

Ipinapakita dapat ng mga pagkilos na susubaybayan mo sa iyong site ang mga layunin ng iyong organisasyon. Mula sa listahan sa ibaba, pag-isipang pumilli sa lahat ng pagkilos na nagsasaad na may bisita ng website na nag-engage sa organisasyon mo. 

Mga opsyon sa Layunin sa Google Analytics (i-import sa iyong Ad Grants account)

Mga tinatanggap na uri ng layunin sa Google Analytics

Layuning Destinasyon

Rekomendasyon: Subaybayan ang isang bisita na nakakakita ng URL ng page na 'salamat,' na naaabot lang kapag may kumumpleto ng makabuluhang pagkilos sa iyong site. 

Hindi pinapayagan: Hindi puwedeng gamitin ang iyong homepage o ang isang madalas bisitahing webpage bilang landing page para sa isang Destination URL na layunin, dahil ang bilang ng conversion mo ay hindi magpapakita ng malaking pagkakaiba sa iyong mga pag-click. Kung wala kang page na 'salamat,' gumamit na lang ng Smart Goal.

Smart Goal

Rekomendasyon: Gumamit ng Mga Smart Goal kung wala kang susubaybayang layuning Destinasyon. May madaling paraan para makatulong ang system na tukuyin ang mga pinakamahalagang pagbisita bilang mga conversion (ibig sabihin, pagbibilang ng 'conversion' kapag may bumisita sa iyong site na pasok sa nangungunang 5% na may pinakamagandang kalidad na trapiko. Natutukoy ito gamit ang mga signal tulad ng Tagal ng session, Mga page sa bawat session, Lokasyon, Device at Browser). 

Event

Rekomendasyon: Kung may button ka sa iyong site na gusto mong subaybayan kapag na-click ito, gamitin ang Pagsubaybay ng event, hal. Kung mayroon kang button na "makipag-ugnayan sa amin" na napupunta sa isang popup widget at hindi sa isang partikular na page na ''makipag-ugnayan sa amin,' gamitin ang pagsubaybay ng event para sumubaybay. Dahil hindi mo magagamit ang layuning Destinasyon sa ganitong pagkakataon, puwede mo na lang subaybayan ang pag-click ng button. 

Tiyaking i-import sa AdWords ang iyong mga layunin sa Google Analytics pagkatapos mong gawin ang mga ito.  

Mga opsyon sa pagkilos na conversion sa Google Ads 

Website

Rekomendasyon: Ilagay ang code sa isang page na 'salamat' na naaabot lang ng isang bisita kapag kumumpleto siya ng makabuluhang pagkilos sa iyong site. 

Hindi pinapayagan: Hindi puwedeng gamitin ang iyong homepage o ang isang madalas bisitahing webpage bilang landing page para sa isang Conversion sa website, dahil ang bilang ng conversion mo ay hindi magpapakita ng malaking pagkakaiba sa iyong mga pag-click. Kung wala kang page na 'salamat,' i-install ang Analytics at gamitin na lang ang Mga Smart Goal

App

Rekomendasyon: Kung magpo-promote ka ng mga mobile app, puwede kang gumamit ng pagsubaybay sa conversion na makakatulong sa iyong makita kung gaano kaepektibong humahantong sa mga pag-install ng app at in-app na aktibidad ang mga pag-click sa ad mo. 

Tawag sa telepono (Tandaan: availability sa bansa)

Rekomendasyon: Kung mahalaga sa iyong organisasyon ang mga tawag sa telepono, puwede kang gumamit ng pagsubaybay sa conversion para matulungan kang makita kung gaano kaepektibong humahantong sa mga pagtawag sa telepono ang mga pag-click sa ad mo. 

​Piliin ang naaangkop na kategorya ng conversion

Patakaran sa Ad Grants: Dapat gamitin ang kategorya ng conversion na Pagbili/Benta para sa anumang conversion na batay sa pera, hal.  Mga pagbibigay ng donasyon, pagbebenta ng mga produkto, bayarin sa membership o pagbebenta ng ticket. 

Gumagamit ka man ng pagsubaybay sa conversion sa iyong Ad Grants account o kung nag-i-import ka ng Mga Layunin sa account mo mula sa Google Analytics, gamitin ang talahanayan ng reference na ito para piliin ang kategorya para sa iyong conversion. 
Gumagamit ka man ng pagsubaybay sa conversion sa iyong Ad Grants account o kung nag-i-import ka ng Mga Layunin sa account mo mula sa Google Analytics, gamitin ang talahanayan ng reference na ito para piliin ang kategorya para sa iyong conversion. 

Kategorya ng Conversion

Mga layunin sa conversion ng nonprofit
Pagbili/Benta 
  • Mga Donasyon
  • Mga Pagbili
  • Mga benta sa membership
  • Mga pagbebenta ng ticket 
Pag-sign up 
  • Pag-sign up bilang boluntaryo
  • Pag-sign up sa email / newsletter
  • Pagsagot sa form para sa bagong membership
  • Libreng pagpaparehistro ng account
  • Pag-sign up sa event
Lead
  • Mga pag-download ng impormasyon
  • Mga pag-click para tumawag
  • Pag-click para mag-email 
  • Mga pag-click sa mga social account
  • Mga pagsusumite ng form na makipag-ugnayan sa amin
  • Mga pag-click sa button na makipag-ugnayan sa amin
Pagtingin sa isang pangunahing page
  • Pagbisita sa page na makipag-ugnayan sa amin kung wala kang form o button na “Makipag-ugnayan sa amin”
  • Mga layunin sa tagal ng oras sa site
  • Mga layunin sa mga page sa bawat session
  • Panonood ng mga video
Iba pa
  • Iba pa

Magtakda ng mga halaga ng conversion 

Magtakda ng mga halaga para sa mga conversion mo para masubaybayan mo kung aling mga uri ng campaign ang pinakaepektibo

Hindi lahat ng conversion ay pantay-pantay — mas may halaga ang ilan sa iyong mga layunin kumpara sa iba. Kung magtatalaga ka ng mga halaga sa iyong mga conversion, matatantiya mo ang kabuuang halagang inihahatid ng iyong mga ad para sa iba't ibang uri ng conversion, sa halip na ang bilang lang ng mga conversion. Pagkatapos, magagawa mong tukuyin at pagtuunan ang mga conversion na may pinakamalaking halaga.

[Inirerekomenda] Gumamit ng iba't ibang halaga para sa bawat conversion

Posibleng mag-iba ang halaga na partikular sa transaksyon tuwing mangyayari ang parehong uri ng conversion. Halimbawa, kung tumatanggap ka ng mga donasyon online, posibleng nagkakahalaga ng $25 ang isang conversion sa donasyon, habang nagkakahalaga ng $100 ang isa pa. Puwede mong subaybayan ang mga natatanging halaga para sa bawat conversion para sa maraming uri ng conversion, tulad ng:

  • Mga Donasyon
  • Mga Pagbili 
  • Mga bayarin sa membership
  • Mga pagbebenta ng ticket 
  • Iba pang monetaryong layunin

Kung ipinapakita ng website mo ang mga partikular na halaga ng bawat conversion at hindi napupunta ang iyong site sa hiwalay na page ng pasasalamat para sa bawat conversion; gamitin ang pagsubaybay ng Ecommerce ng Google Analytics o ang Halaga ng conversion na partikular sa transakyon ng AdWords para subaybayan ang mga dynamic na halaga. 

Inirerekomenda naming piliin mo ang "Bawat" sa iyong mga setting sa pagbibilang ng conversion kung ganito ang sitwasyon, para mabilang ang bawat donasyon kahit na mula sa parehong tao, sa halip na sa unang donasyon lang mula sa taong iyon.

Sa ibaba, makakakita ka ng mga step-by-step na tagubilin para sa kung paano subaybayan ang mga natatanging halaga sa ilan sa mga pinakasikat na platform ng donasyon:

Gamitin ang parehong halaga para sa bawat conversion:

Kung hindi naka-set up ang iyong website para magpakita ng natatanging bilang ng benta o halaga ng donasyon, o kung mayroon lang itong libreng text box na daragdagan ng halaga ng donasyon, gamitin na lang ang average mong halaga. 

Halimbawa, kung napupunta sa parehong page na ‘salamat’ ang lahat ng donasyon at alam mong $20 ang average na online na donasyon, puwede mong itakda ang iyong average na halaga sa $20 para sa lahat ng pagbisita sa page na ‘salamat.’

Para magbago ng halaga ng conversion, sundin ang mga hakbang na ito:

  1. Mag-sign in sa iyong Google Ads account.
  2. Sa kanang sulok sa itaas ng iyong account, i-click ang tool icon.
  3. Sa ilalim ng "Pagsukat," i-click ang Mga Conversion.
  4. I-click ang pangalan ng pagkilos na conversion na gusto mong baguhin.
  5. I-click ang I-edit ang mga setting.
  6. I-click ang Halaga.
  7. Piliin ang “Gamitin ang parehong halaga para sa bawat conversion”
  8. Ilagay ang currency at average na halaga ng bawat donasyon sa mga opsyon sa drop down.
  9. I-click ang I-save.
  10. I-click ang Tapos na. 

Itakda ang bilang ng iyong conversion

Tiyaking binibilang mo nang tumpak ang bawat makabuluhang pagkilos

Subaybayan kung paano mo binibilang ang mga conversion batay sa uri ng conversion na iyong sinusubaybayan. Puwede mong piliing bilangin ang bawat conversion na nangyayari pagkatapos ng pag-click, o isang conversion lang na nangyayari pagkatapos ng isang pag-click.

Gamitin lang ang bawat kapag may karagdagang halaga na idinaragdag sa karagdagang conversion. Halimbawa, ang pag-sign up ng isang bisita para mangasiwa ng dalawang charity race pagkatapos ng iisang pag-click sa ad ay isang bagay na gugustuhin mong subaybayan bilang 2 conversion, kaya piliin ang bawat

Kung walang gagawing karagdagang halaga, piliin ang isa. Halimbawa, kung dalawang beses ida-download ng iisang tao ang parehong content, gugustuhin mo lang itong subaybayan bilang 1 conversion, kaya piliin ang isa.

Kapag napagpasyahan mo na ang pinakamainam na paraan para bilangin ang mga conversion na iyong nagawa, i-adjust ang mga setting sa pagbibilang.

Tukuyin ang palugit ng iyong conversion

Isama ang lahat ng conversion na nangyayari sa loob ng naaangkop na time frame

Ang isa pang opsyon para mag-customize kapag nagse-set up ng pagsubaybay sa conversion ay ang iyong palugit ng conversion. Puwede mong i-adjust ang time frame, o palugit, kung kailan gusto mong bilangin ang conversion mula sa isang taong nag-click sa iyong ad. 


Nakatakda sa “30 araw” ang default na palugit, na nangangahulugang masusubaybayan mo ang mga conversion na nangyari sa loob ng 30 araw ng pag-click sa iyong ad.

Inirerekomendang pinakamahuhusay na kagawian: Pahabain ang iyong palugit ng conversion para sa mga pagkilos na mas matagal na pag-isipan (tulad ng malalaking donasyon o mas matatagal na pagboboluntaryo)
 
Kadalasang mas mahahaba ang cycle ng conversion ng mga nonprofit para kumilos pagkatapos malaman ang tungkol sa isang organisasyon, lalo na sa mga donasyon, kaya pag-isipang itakda ang palugit sa maximum nito na "90 araw."

​Magsama lang ng mga macro at lower funnel na pagkilos sa "Mga Conversion"

Tiyaking gumagamit ng nauugnay na impormasyon ang mga naka-automate na tool

Itinatakda ng setting na ito kung anong mga pagkilos na conversion ang kasama para gamitin ng mga naka-automate na feature.

Para sa mga strategy sa smart bidding tulad ng Pag-maximize ng Mga Conversion, ang lahat ng conversion kung saan "oo" ang "Isama sa mga conversion" ay isasama para gumawa ng mga desisyon sa pag-bid ang system. Ang default na setting ay magsama, pero puwede mong piliing huwag isama ang ilang layunin sa conversion na hindi ganoon kahalaga sa iyong organisasyon.

Piliin ang "oo" sa "Isama sa mga conversion" para sa mga conversion kung saan gusto mong mag-bid nang mas mataas ang mga conversion-based smart bidding strategy. 

Tukuyin kung aling modelo ng attribution ang gagamitin mo

Tukuyin kung gaano kalaking credit ang naka-attribute sa bawat pag-click bago ang isang conversion

Bago ang isang conversion, posibleng maghanap ang isang tao nang maraming beses at mag-interact sa maraming ad mula sa parehong advertiser. Nagbibigay-daan sa iyo ang mga modelo ng attribution na pumili kung gaano kalaking credit ang makukuha ng bawat pag-click para sa mga conversion mo. Puwede mong i-attribute ang credit sa unang pag-click, huling pag-click, o kumbinasyon ng maraming pag-click ng customer.

Inirerekomendang pinakamahuhusay na kagawian: Pag-isipang gumamit ng isang modelo ng attribution bukod sa huling pag-click

Inirerekomenda naming gamitin ang Time Decay (tinatawag ding Waterfall model). Nagbibigay ito ng halaga sa mga distribusyon nang may mas malaking naka-allocate sa huling interaction. Halimbawa, kapag may 4 na pag-click sa mga ad bago ang isang conversion, ang bawat pag-click ay makakakuha ng bahagi ng mga conversion, hal. 0.4, 0.3, 0.2 at 0.1.  

Gamitin ang data ng iyong conversion para turuan ang smart bidding

Ang mga Ad Grantee na gumagamit ng mga naka-automate na conversion-based bidding strategy, tulad ng Pag-maximize ng Mga Conversion, Target na CPA at Target na ROAS, ay makakapag-bid nang mas mataas sa $2.00 na limitasyon ng programa sa pag-bid.

Mahalaga ang tumpak na pagsubaybay sa conversion kaya gumagamit ng mga tumpak na insight ang mga strategy sa smart bidding para mag-bid nang mas mataas para sa mahahalagang pag-click sa iyong organisasyon.

Itakda ang iyong strategy sa pag-bid sa Pag-maximize ng Mga Conversion o Pag-maximize ng Mga Halaga ng Conversion

Gumamit ng strategy sa Smart Bidding na nakabatay sa conversion at hayaan ang system na mag-bid nang mas mataas para sa isang audience na mas malamang na kukumpleto ng iyong mga online na layunin. 

Ang Ad Grants ay may limitasyong $2 na Cost-per-click (CPC) pero para matulungan ang mga Grantee na manghikayat ng higit pang makabuluhang bisita puwedeng malampasan ang CPC na ito para sa mga strategy sa Smart Bidding na nakabatay sa conversion.

  1. Mag-sign in sa iyong Google Ads account.
  2. Sa menu ng page sa kaliwa, i-click ang Mga Campaign.
  3. Piliin ang campaign na gusto mong i-edit.
  4. I-click ang Mga Setting sa menu ng page para sa campaign na ito.
  5. Buksan ang Pag-bid at pagkatapos ay i-click ang Baguhin ang strategy sa pag-bid.
  6. Piliin ang Pag-maximize ng Mga Conversion, Pag-maximize ng Mga Halaga ng Conversion, Target na CPA, o Target na ROAS mula sa drop-down na menu. Inirerekomenda namin ang Pag-maximize ng Mga Conversion. 
  7. I-click ang I-save.

 Pag-troubleshoot ng Pagsubaybay sa Conversion 

Patakaran sa Ad Grants: Gagamitin lang dapat ang pagsubaybay sa conversion para sa pag-uulat ng mga valid na conversion kada buwan.

 

Kung nagre-record ka ng hindi karaniwang mababang bilang o walang conversion

Kung ginagamit mo ang tag ng conversion ng Google Ads

I-verify na gumagana ang iyong tag ng conversion: Mag-navigate para makita ang iyong mga conversion at tingnan ang column na “Status ng Pagsubaybay.” Mag-hover sa symbol ng pagmemensahe na ‘Pag-record ng Mga Conversion’ para tukuyin ang iyong status. Sundin ang mga hint para matugunan ang isyu. Tingnan: Suriin ang iyong tag ng pagsubaybay sa conversion.

I-verify na nasa tamang lugar ang code / tag: Pagkatapos mong ma-click ang bawat conversion na naidagdag mo, makakakita ka ng tab na tinatawag na Mga Webpage, na inililista ang mga URL ng mga page kung saan ka sumusubaybay ka ng mga conversion. Ito ang mga page kung saan mo idinagdag ang iyong tag ng conversion. Bisitahin ang mga URL na ito at gamitin ang Google Tag Assistant para makita kung mayroong anumang isyu sa code.

Kung mukhang gumagana nang maayos ang lahat pero nagre-record ka ng 0 conversion:

  • Tiyaking nakopya at na-paste mo ang code sa iyong site mismo. 

  • Tingnan kung may iba pang application at/o plugin na nakakaabala sa code. 

  • Magkamukha ang code ng remarketing at code ng conversion kaya tiyaking hindi nahalo ang mga ito sa proseso.

Kung gumagamit ka ng Mga Layunin sa Google Analytics 

Tingnan: Hindi sumusubaybay ng mga layunin ang Analytics

 

Kung nagre-record ka ng hindi karaniwang malaking bilang ng conversion o mataas na rate ng conversion

I-adjust ang setting ng iyong pagbibilang: Mag-navigate sa seksyong Mga Conversion sa Google Ads at tingnan ang column na Rate ng Pag-uulit. Kung mukhang mataas ang rate ng pag-uulit para sa alinman sa mga conversion mo, i-adjust ang setting ng pagbibilang. 
Alisin ang mga duplicate na tag sa iyong site: gamitin ang Google Tag Manager, isang tool ng Google para matulungan kang madaling mag-update ng mga tag ng website, para mas madalang na aksidenteng mabilang ang parehong conversion nang higit sa isang beses.
Alisin ang pagsubaybay sa conversion ng AdWords sa mga madalas bisitahing page: Kung gusto mong sumubaybay sa mga content-based na layunin sa awareness at edukasyon, gamitin na lang ang mga uri ng layunin na Tagal o Mga page/Mga screen bawat session. Kung gusto mong subaybayan ang mga pageview o karaniwang path ng website, tingnan ang Google Analytics.

 

Mga Gabay

 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8297094660508076329
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false