Palitan ang laki ng font, kulay, at higit pa ng isang ebook

Puwede mong palitan ang naka-display na kulay ng karamihan sa mga ebook. Para sa ilang ebook, puwede mo ring palitan ang laki ng font, kulay, at espasyo ng linya.

Palakihin ang font

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Play Books app Play Books.
  2. Magbukas ng aklat.
  3. Depende sa aklat:
    • I-tap ang itaas ng screen. Pagkatapos ay i-tap ang mga opsyon sa Display Mga opsyon sa pagpapakita at pagkatapos ay Text at pagkatapos ay Lakihan ang font Magdagdag.
    • Mag-pinch pabukas para mag-zoom in.

Tip: Kung nakatakda ang iyong view sa Mga orihinal na page, puwede mong mapanatili ang katulad na laki ng font sa ibang pagkakataon. I-on ang "Tandaan ang zoom" sa Mga opsyon sa display.

Palitan ang istilo ng font, alignment, at espasyo

Tip: May mga aklat na hindi nag-aalok ng ganitong mga opsyon.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Play Books app Play Books.
  2. Magbukas ng aklat.
  3. I-tap ang itaas ng screen at pagkatapos ay Mga opsyon ng display Mga opsyon sa pagpapakita at pagkatapos ay Text.
  4. Magbago ng setting:
    • Istilo ng font: Mag-tap ng typeface.
    • Espasyo ng linya: I-tap ang Dagdagan ang espasyo ng linya Magdagdag o Bawasan ang espasyo ng linya Magdagdag
    • Alignment ng text : I-tap ang Default, Kaliwa, o I-justify.

Palitan ang layout ng page

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Play Books app Play Books.
  2. Magbukas ng aklat.
  3. I-tap ang itaas ng screen at pagkatapos ay Mga opsyon ng display Mga opsyon sa pagpapakita at pagkatapos ay Text.
  4. Sa ilalim ng “Layout ng page,” piliin ang gusto mong format.
    • Auto: Depende sa orientation at laki ng screen ng iyong device, awtomatikong nakatakda ang layout.
    • 1 page: Magpakita ng isang page sa bawat pagkakataon.
    • 2 page: Magpakita ng 2 page sa bawat pagkakataon.

Tip: May mga aklat na hindi nag-aalok ng opsyon bukod sa layout na isang page.

Baguhin ang kulay at liwanag

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Play Books app Play Books.
  2. Magbukas ng libro.
  3. I-tap ang itaas ng screen at pagkatapos ay Mga opsyon sa display Mga opsyon sa pagpapakita at pagkatapos ay Liwanag.
  4. Baguhin ang kulay o liwanag:
    • Para mas paliwanagin ang screen, i-drag ang scale ng liwanag.
    • Para palitan ang scheme ng kulay, i-tap ang Light, Sepia, o Dark.

Tip:  Kung babaguhin mo ang tema ng iyong telepono, babaguhin nito ang kulay sa Play Books. Halimbawa, kung babaguhin mo ang mga setting ng iyong telepono at gagawin mo itong Madilim na tema, gagamitin din ng Play Books app ang madilim na scheme ng kulay.

Mas padaliin ang pagbabasa sa gabi

Sa paglubog ng araw, unti-unting fini-filter ng Night Light ang asul na ilaw mula sa iyong screen. Pinapalitan ang asul na ilaw ng warm at amber na ilaw. I-on ito nang isang beses at palaging mag-a-adjust ang Night Light sa perpektong setting.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Play Books app Play Books.
  2. Magbukas ng aklat.
  3. I-tap ang itaas ng screen And then Mga opsyon sa display Mga opsyon sa display And then Liwanag.
  4. I-on ang Night Light sa Pagbabasa.

Tip: Puwede mo ring i-on ang Night Light mula sa mga setting ng iyong telepono. Kung gagamitin mo ang Night Light para sa iyong telepono, gagamitin din ng Play Books app ang Night light sa pagbabasa.

Kung makakaranas ka ng mga isyu sa dilaw na screen, pumunta sa Ayusin ang mga problema sa paggamit ng Google Play Books.

Ipakita ang iyong pag-usad sa pagbabasa

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Play Books app Play Books.
  2. Magbukas ng aklat.
  3. Para ipakita ang iyong istatistika sa pagbabasa, mag-tap saanman sa page.
    • Para itago ang iyong mga istatistika, mag-tap pa nang dalawang beses.
    • Para pumili ng numero ng page, mag-tap sa itaas na kalahati ng page, at gamitin ang slider na lalabas sa ibaba.

Mabilis na magpalipat-lipat ng page

  1. Sa iyong mobile device, buksan ang Google Play Books app Play Books .
  2. Buksan ang aklat.
  3. I-tap ang gitna ng page.
  4. Para magpalipat-lipat ng page: 
    • Mag-swipe pakaliwa o pakanan.
    • Gamitin ang slide bar sa ibaba ng screen.
  5. Para bumalik sa panimulang page, sa progress bar, i-tap ang thumbnail ng page.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
14987228108383313439
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
84680
false
false