Ano ang Google Play
Serbisyo ang Google Play na tumutulong sa iyong maghanap ng mga app, laro, pelikula, aklat, magazine, o ibang digital na content ("Content"). Puwede mong gamitin ang Google Play para mag-browse, maghanap, mag-download, gumamit, magrenta, o bumili ng Content. Kapag nag-download, gumamit, nagrenta, o bumili ka ng Content sa o gamit ang Google Play sa European Economic Area (nagbayad ka man para sa Content na iyon o hindi), papasok ka sa hiwalay na kontrata kasama ang Google Commerce Limited.
Content sa Google Play
Nagmumula ang content na mahahanap mo sa Google Play sa Google mismo at sa mga third-party na provider gaya ng mga developer ng app, studio ng pelikula, at publisher ng aklat at balita (“Mga Provider”). Posibleng mga propesyonal o hindi propesyonal na entity ang Mga Provider na ito. Posibleng itigil ang pagbibigay ng content ng Mga Provider sa Google Play anumang oras alinsunod sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google Play, halimbawa, kung malaman namin na lumalabag ito sa aming mga patakaran sa content o lumalabag ito sa mga naaangkop na batas.
Pagbili
Puwede kang bumili ng Content sa Google Play gamit ang mga available na paraan ng pagbabayad na idinagdag mo sa iyong Google Account. Para matuto pa, tingnan ang aming mga tinatanggap na paraan ng pagbabayad sa Google Play dito.
Makikita mo ang presyo ng pagbili o pagrenta, kung naaangkop, para sa isang item sa page ng mga detalye ng item na iyon, pati na rin sa dialog ng pagbili bago mo tapusin ang pagbili. Makakatanggap ka rin ng resibo sa email pagkatapos ng pagbili. Puwede kang matuto pa tungkol sa pagsusuri sa iyong history ng order at tungkol sa aming mga patakaran kaugnay ng mga refund sa Google Play.
Paghingi ng suporta
Hindi nag-aalok ang Google ng anumang komersyal na garantiya o katiyakan tungkol sa Content sa Google Play, at hindi nito pinapahina ang legal na garantiya ng pagsunod. Gayunpaman, kapag nag-install ka ng app sa pamamagitan ng Google Play, puwede kang makipag-ugnayan sa developer para sa suporta. Puwede kang matuto pa tungkol sa kung paano makipag-ugnayan sa developer. Kapag bumili ka ng aklat, pelikula, o app mula sa Google Play, puwede ka ring direktang makipag-ugnayan sa Google para sa suporta gamit ang button na Makipag-ugnayan sa amin, o sa play-eu-support@google.com.
Para matuto tungkol sa kung paano mag-withdraw, magkansela, o magsauli ng binili sa Google Play para humiling ng refund, pakitingnan ang aming patakaran sa mga refund at Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google Play.
Hindi nanghihimasok ang Google sa mga di-pagkakasundo na posibleng direktang mayroon ka sa mga Mga Provider at hindi ito nagmumungkahi ng mga solusyon para sa paglutas ng mga di-pagkakasundo sa pagitan mo at ng Mga Provider.
Ranking at pagpapakita ng content
Layunin namin sa Google Play na magpakita ng Content na sa tingin namin ay ikasisiya mong gamitin o bilhin. Para gawing kawili-wili at kapaki-pakinabang ang Google Play sa mga user hangga't posible, naiimpluwensiyahan ang layout, listing, at pagsasaayos ng content sa Google Play ng kasikatan, kalidad, at kaugnayan ng Content, pati na rin ng iyong mga naunang pakikipag-ugnayan at pagbili sa Google Play at iba pang serbisyo ng Google.
Posibleng ayusin din ng Google Play ang Content sa mga grupo batay sa mga salik tulad ng mga katangian ng app (hal. kung “multiplayer” game ang app), kasikatan (hal. mga kategoryang “Mga Nangungunang Chart”), at dami ng pagbili (hal. mga kategoryang “Nangunguna sa Dami ng Kita” at “Pinakamabenta”).
Kapag ginagamit mo ang functionality ng paghahanap, sinusubukan ng Google Play na magpakita ng nauugnay na Content sa pamamagitan ng pagtukoy sa hinahanap mo (hal. isang partikular na app o kategorya ng mga app) at pagpapakita ng mga resultang pinakamainam na tumutugon sa iyong query sa paghahanap. Ang mga pangunahing salik na nakakaapekto sa ranking ng mga resulta ng paghahanap ay ang kaugnayan ng bawat Content sa iyong query sa paghahanap, ang kalidad ng experience sa app ng bawat Content (para lang sa mga app at laro), at kung paano nakipag-ugnayan ang mga user sa bawat Content sa Google Play o pagkatapos ma-install ang Content. Isinasaalang-alang din ng Google Play kung may kaugnayan at naaangkop ang app para sa malawakang audience kapag nagra-rank ng mga resulta ng paghahanap.
Posible ring magpakita ang Google Play ng mga naka-personalize na rekomendasyon gamit ang impormasyong nakolekta namin (tulad ng mga dati nang na-install na app) para maghatid ng mga inirerekomendang app sa cluster na “Para sa Iyo.”
Naghahatid din minsan ang Google Play ng mga advertisement para sa content na available sa Google Play, kung saan binabayaran ng advertiser ang Google. Palaging malinaw na mamarkahan ang mga ad sa Google Play gamit ang label na tulad ng "mga ad" o "naka-sponsor." Bagama't magagawa ng mga advertiser na magbayad para mas maipakita sa area para sa pag-advertise, walang makakabili ng mas mahusay na placement sa mga resulta ng paghahanap sa Play. Bukod pa rito, ipinapakita lang ang mga ad kung may kaugnayan ang mga ito sa mga termino para sa paghahanap na inilagay mo. Ibig sabihin, makikita mo lang ang mga ad na talagang kapaki-pakinabang para sa iyo.
Nangongolekta ang Google ng kabayaran sa serbisyo mula sa Mga Provider batay sa pagbebenta ng mga app at laro sa Google Play o sa loob ng mga app at laro.
Mga Review sa Google Play
Nagsasama ang Google Play ng mga review ng user sa content na available sa platform. Ang mga review ay posibleng direktang nagmumula sa mga user ng Google o sa mga third party na nagbibigay ng mga review ng user sa Google. Hindi namin binabayaran ang mga user para sa mga review, at pinagbabawalan din namin ang aming mga developer na bayaran ang mga user para sa mga review.
Gumagamit kami ng iba't ibang paraan, mula sa mga naka-automate na tool hanggang sa mga taong tagasuri at external na ulat, para tukuyin at alisin ang mga review na posibleng lumalabag sa aming mga patakaran. Gayunpaman, posibleng may makita kang ilang review sa Google Play na hindi nakakatugon sa aming mga pamantayan at hindi sumasalamin sa mga tunay na experience ng user.
Kapag nagsumite ang mga user ng Google Play ng mga review para sa mga laro o app, tinitiyak naming totoong na-install ng mga user na iyon ang mga pinag-uusapang laro o app. Dapat ay na-install na ng mga user ang mga app at laro kung saan puwede silang magsumite ng review.
Gayunpaman, hindi nagsasagawa ang Google ng mga pagsusuri para kumpirmahin na binili ng mga user ng Google Play na gumawa ng mga review para sa mga aklat, pelikula, o serye ang mga pinag-uusapang aklat, pelikula, o serye bago isumite ang kanilang mga review.
Hindi rin sinusubaybayan ng Google ang mga review na hindi galing sa mga user ng Google Play at ibinibigay sa Google ng mga third-party na provider. Sa gayon, hindi namin makukumpirma na galing sa mga consumer na totoong bumili o nag-install ng Content na tinutukoy ang mga nasabing review.
Aabisuhan namin ang mga user kung tatanggihan namin ang isang review maliban na lang kung makatuwiran kaming naniniwalang ang paggawa nito ay makakasira sa seguridad ng Google at pagsunod sa mga patakaran ng Google Play. Ang mga review ng mga user sa Google Play ay karaniwang naa-access hanggang sa i-delete ng user na nagsulat ng review ang review o ang kanyang Google Account, o hindi na available sa Google Play ang app, laro, aklat, o iba pang content na pinag-uusapan.