Magbasa ng comics gamit ang Bubble Zoom sa Google Play Books

Para mas mapadali ang pagbabasa ng comics, puwede mong palakihin ang mga speech bubble at i-expand ang iyong comic para sumakto ito sa buong screen. Available ang Bubble Zoom sa mga nakolektang volume ng Marvel at DC sa English at ilang sikat na comics sa Japanese.

Mahalaga: Hindi available ang Bubble Zoom sa computer.

Panoorin ang video na ito para makita kung paano gumagana ang Bubble Zoom.

Alamin kung may Bubble Zoom ang isang comic book

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Play Books app Play Books.
  2. Maghanap ng comic.
  3. I-tap ang comic.
  4. Hanapin ang banner na: "Bahagi ng tech preview ng Bubble Zoom" o ang icon ng Bubble Zoom .

I-on o i-off ang Bubble Zoom

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Play Books app Play Books.
  2. Magbukas ng comic na gumagamit ng Bubble Zoom.
  3. I-tap ang gitna ng page.
  4. Sa itaas, i-tap ang Mga opsyon sa display Mga opsyon sa displayat pagkatapos ay I-zoom at pagkatapos ay i-on o i-off angBubble Zoom.
Kung io-off mo ang Bubble Zoom, io-off ito sa lahat ng comics sa device na iyon.

Mag-zoom in at magpalipat-lipat sa mga speech bubble

Para magpalipat-lipat sa mga speech bubble, tiyaking nasa full-screen mode ka.

  • Pumunta sa susunod: Mag-swipe pataas at pagkatapos ay i-tap ang kanang bahagi ng screen, o pindutin ang button na hinaan ang volume.
  • Bumalik: Mag-swipe pababa at pagkatapos ay i-tap ang kaliwang bahagi ng screen, o pindutin ang button na laksan ang volume.
  • Palakihin ang isang text bubble: Mag-double tap ng speech bubble.

Huminto sa paggamit ng button ng volume para magpalipat-lipat sa mga speech bubble

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Play Books app Play Books .
  2. Sa ibaba, i-tap ang Home at pagkatapos ay Mga Setting ng Play Books at pagkatapos ay Gamitin ang volume key para lumipat ng page.
  3. Piliin ang Huwag kailanman, at huwag mag-zoom in sa mga speech bubble.

Ayusin ang mga problema sa Bubble Zoom

Hakbang 1: Tingnan kung gumagamit ang comic ng Bubble Zoom
  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Play Books app Play Books.
  2. Maghanap ng comic.
  3. I-tap ang comic para mapunta sa page ng detalye.
  4. Hanapin ang banner na: "Bahagi ng tech preview ng Bubble Zoom."

Kung available ang Bubble Zoom pero hindi ito gumagana, subukan ang mga hakbang para ayusin ang mga isyu sa pag-load ng aklat. Kung hindi iyon gagana, pumunta sa hakbang 2.

Hakbang 2: Tingnan kung gumagana ang Bubble Zoom
  1. Sa iyong Android phone o tablet, pumunta sa isang page na may mga speech bubble.
  2. I-tap ang screen, mag-swipe pataas o pababa, o pindutin ang volume key.
    • Kung lumaki ang bubble, gumagana ang feature.
    • Kung hindi ito lumaki, pumunta sa hakbang 3.
Hakbang 3: Tingnan kung naka-on ang Bubble Zoom
  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang comic na gumagamit ng Bubble Zoom.
  2. I-tap ang gitna ng page.
  3. I-tap ang Mga opsyon sa display Mga opsyon sa displayat pagkatapos ay i-on ang Bubble Zoom.
Hakbang 4: Makipag-ugnayan sa Google
  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang comic kung saan hindi gumagana ang Bubble Zoom.
  2. Kung hindi ito gumagana sa isang partikular na page, pumunta sa page na iyon.
  3. I-tap ang gitna ng page.
  4. I-tap ang Higit pa Higit paat pagkatapos ay Feedback at pagkatapos ay Magpadala ng Feedback.
  5. Ilarawan ang iyong isyu at i-tap ang Ipadala Ipadala.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17786990641812545085
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
84680
false
false