Sumali sa isang pamilya sa Google

Kapag sumali ka sa isang grupo ng pamilya, makakapagbahagi ka ng mga serbisyong pampamilya sa Google sa hanggang 5 miyembro ng pamilya.
Mahalaga: Kasama sa 5 miyembro ng pamilya ang mga miyembro ng pamilya na naimbitahang sumali sa iyong pamilya pero hindi pa natanggap ang kanilang imbitasyon.

Paano gumagana ang mga grupo ng pamilya

Kapag sumali ka sa isang grupo ng pamilya, puwede mong gawin ang mga sumusunod:

  • Gamitin ang paraan ng pagbabayad ng pamilya: Dapat magtakda ang manager ng iyong pamilya ng paraan ng pagbabayad ng pamilya para magawa mong gamitin ito sa mga pagbili sa Google Play.
  • Gamitin ang mga serbisyong pampamilya: Gumamit ng o mag-subscribe sa mga serbisyong pampamilya gaya ng Google One, Google Play Family Library, o plan ng pamilya sa YouTube Premium. Limitado lang ang magiging access ng mga batang wala pang 13 taong gulang (o wala pa sa naaangkop na edad sa kanyang bansa) sa ilang feature ng YouTube. Para maghanap ng mga serbisyong available sa iyong pamilya, pumunta sa g.co/YourFamily

Sumali sa isang grupo ng pamilya

Kung may nag-imbita sa iyong sumali sa kanyang pamilya, makakatanggap ka ng email o text message na naglalaman ng imbitasyon mo. Sundin ang mga tagubilin sa imbitasyon para sumali sa grupo ng pamilya.

Anong impormasyon ang nakikita ng mga miyembro ng pamilya tungkol sa isa't isa

Kapag sumali ka sa isang pamilya, puwedeng makita ng mga miyembro ng iyong pamilya ang pangalan, larawan, at email address mo.

Dahil responsibilidad ng manager ng pamilya mo ang paraan ng pagbabayad ng pamilya, makakatanggap sila ng mga resibo para sa anumang bagay na binili mo gamit ang paraan ng pagbabayad ng pamilya.

Magagawa iyong ng mga miyembro na makita ang content na idinaragdag sa Family Library mo.

Kung magkakahati ang iyong pamilya sa isang membership sa Google One, makikita ng mga miyembro ng pamilya mo kung gaano kalaking storage ang iyong nagamit. Hindi ibinabahagi ang mga file mo sa iyong pamilya. Alamin kung paano simulan o pahintuin ang pagbabahagi sa iyong pamilya sa Google One.

Mga kinakailangan para sa pagsali sa isang pamilya

Para makasali sa isang grupo ng pamilya, dapat ay:

  • Mayroon kang Google Account. Hindi ka makakasali sa isang pamilya gamit ang Google Account mula sa iyong trabaho, paaralan, o iba pang organisasyon.
  • Nakatira ka sa bansa kung saan nakatira ang manager ng pamilya.
  • Hindi ka bahagi ng iba pang grupo ng pamilya.
  • Hindi lumipat ng grupo ng pamilya sa nakalipas na 12 buwan

Umalis sa o lumipat ng grupo ng pamilya

Bago ka makalipat ng grupo ng pamilya, kailangan mo munang umalis sa kasalukuyang grupong kinabibilangan mo.
Ano ang mangyayari kapag umalis ka sa iyong grupo ng pamilya
  • Isang beses kada 12 buwan ka lang puwedeng lumipat ng pamilya. Kung aalis ka sa isang grupo ng pamilya at sasali ka sa isang bagong grupo ng pamilya, hindi ka makakasali sa iba pang grupo ng pamilya sa loob ng 12 buwan. Nalalapat lang ang 12 buwang panuntunan kung gumagamit ka ng binabayarang subscription sa Google, gaya ng Google One o YouTube Premium.
  • Hindi ka makakabili gamit ang paraan ng pagbabayad ng pamilya. Puwede pa ring singilin ang anumang nakabinbing pagbili.
  • Mawawalan ka ng access sa Family Library sa Google Play, at sa anumang item na idinagdag ng mga miyembro ng pamilya.
  • Aalisin ang anumang pagbiling idinagdag mo sa Google Play Family Library, at mawawalan ng access sa mga iyon ang mga miyembro ng iyong pamilya.
  • Kung magkakahati ang iyong pamilya sa isang membership sa Google One at ikaw ang manager ng Google One plan, hihinto ang mga miyembro ng pamilya mo sa paggamit sa iyong nakabahaging storage. Kung may mauubusan ng storage, mananatiling ligtas ang kanilang mga file, pero hindi na sila makakapag-store ng mga bagong bagay. Matuto pa tungkol sa kung ano ang nangyayari kapag naubusan ng espasyo ang mga tao.
    • Mawawalan din ng access ang iyong pamilya sa mga karagdagang benepisyo ng miyembro at mga eksperto sa Google.
  • Kung magkakahati ang iyong pamilya sa isang membership sa Google One at iba ang manager ng Google One plan, mawawalan ka ng access sa nakabahagi niyang storage, mga karagdagang benepisyo ng miyembro, at mga eksperto sa Google.
  • Mapapanatili mo ang iyong Google Account, at ang anumang content na binili mo gamit ang paraan ng pagbabayad ng pamilya.
Umalis sa iyong grupo ng pamilya
Mahalaga: Kung isa kang manager ng pamilya, hindi ka puwedeng umalis sa iyong grupo ng pamilya.

Mobile o web browser

  1.  Bisitahin ang page na Ang iyong pamilya sa Google.
  2. Piliin ang Menu Menu at pagkatapos ay Umalis sa grupo ng pamilya at pagkatapos ay Umalis sa grupo.
Mahalaga: Kung na-set up mo ang iyong pamilya sa iba't ibang produkto ng Google (Play store, Family Link, Google One), puwede mo ring iwan ang iyong pamilya sa mga produktong iyon sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubilin sa ibaba.

Play Store app

  1. Buksan ang Play Store app Google Play.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang icon ng profile at pagkatapos ay Mga Setting at pagkatapos ay Pamilya at pagkatapos ay Pamahalaan ang mga miyembro ng pamilya.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Umalis sa grupo ng pamilya at pagkatapos ay Umalis sa grupo.
  4. I-type ang iyong password, pagkatapos ay i-tap ang Kumpirmahin.

Family Link app

Mahalaga: Sa ilang partikular na lugar lang available ang Family Link. Para makuha ang Family Link, mag-sign up sa g.co/YourFamily.

  1. Buksan ang Family Link app Family Link.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu Menu at pagkatapos ay Pamahalaan ang pamilya.
  3. Sa "Umalis sa grupo ng pamilya," piliin ang Umalis sa grupo ng pamilya.
  4. I-type ang iyong password.
  5. I-tap ang Kumpirmahin.

Google app​

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google One app Google One.
  2. I-tap ang Menu at pagkatapos Mga Setting at pagkatapos Pamahalaan ang mga setting ng pamilya.
  3. I-tap ang Pamahalaan ang grupo ng pamilya
  4. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Umalis sa grupo ng pamilya at pagkatapos ay Umalis sa grupo.
  5. I-tap ang Kumpirmahin.

Google One app (iPhone at iPad)

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google One app Google One.
  2. I-tap ang Menu at pagkatapos Mga Setting at pagkatapos Mga setting ng pamilya at pagkatapos Pamahalaan ang mga miyembro ng pamilya sa Google.
  3. Kung hiniling, mag-sign in sa iyong Google account.
  4. I-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Umalis sa grupo ng pamilya at pagkatapos Umalis sa grupo.
  5. Ilagay ang iyong password.
  6. I-tap ang Kumpirmahin.

I-troubleshoot ang mga problema

Problema sa aking imbitasyon 

Nagamit na ang imbitasyon

Naglalaman ang bawat imbitasyon ng natatanging link sa pag-sign up na isang beses lang puwedeng gamitin.

Kung ipapasa mo ang iyong imbitasyon sa ibang tao, magagamit niya ang natatangi mong link para sumali sa grupo ng pamilya.

Kung ginamit mo ang iyong imbitasyon sa ibang Google Account, puwede kang umalis sa grupo ng pamilya at humiling ng panibagong imbitasyon na gagamitin sa iba mo pang email address.

Nag-expire na ang imbitasyon

Mag-e-expire sa loob ng dalawang linggo ang mga imbitasyong sumali sa isang pamilya.

Kung nag-expire na ang iyong imbitasyon, makipag-ugnayan sa manager ng pamilya at hilingin sa kanyang padalhan ka ng bagong imbitasyon.

Nakakuha ako ng error

Nagkakaproblema sa pagsali sa grupo ng pamilya

  • Paglipat ng pamilya: Isang beses kada 12 buwan ka lang puwedeng lumipat ng pamilya.
  • Paghihigpit sa bansa: Kailangan ay nakatira ka sa bansa kung saan nakatira ang iyong manager ng pamilya.

Na-disable ang iyong grupo ng pamilya

Kailangang bumisita ng iyong manager ng pamilya sa myaccount.google.com para ma-restore ang kanyang account.

Kabilang ka na sa isang grupo ng pamilya

Isang grupo ng pamilya lang ang puwede mong salihan sa bawat pagkakataon. Kung gusto mong sumali sa ibang grupo ng pamilya, kailangan mong umalis sa iyong kasalukuyang grupo ng pamilya, pagkatapos ay sumali sa bagong pamilya.

Na-delete ng aking manager ng pamilya ang aming grupo ng pamilya

Kung ide-delete ng iyong manager ng pamilya ang grupo ng pamilya ninyo:

  • Hindi ka makakabili gamit ang paraan ng pagbabayad ng pamilya. Posible pa ring singilin ang anumang nakabinbing pagbili.
  • Mawawalan ka ng access sa Google Play Family Library at sa anumang item na idinagdag ng mga miyembro ng pamilya.
  • Aalisin ang anumang pagbiling idinagdag mo sa Google Play Family Library, at mawawalan ng access sa mga iyon ang mga miyembro ng iyong pamilya.
  • Kung magkakahati ang iyong pamilya sa isang membership sa Google One at ikaw ang manager ng plan sa Google One, hihinto ang mga miyembro ng pamilya mo sa paggamit sa iyong nakabahaging storage. Kung may mauubusan ng storage, mananatiling ligtas ang kanilang mga file, pero hindi na sila makakapag-store ng mga bagong bagay. Matuto pa tungkol sa kung ano ang nangyayari kapag naubusan ng espasyo ang mga tao.
    • Mawawalan din ng access ang iyong pamilya sa mga karagdagang benepisyo ng miyembro at mga eksperto sa Google.
  • Kung magkakahati ang iyong pamilya sa isang membership sa Google One at iba ang manager ng plan sa Google One, mawawalan ka ng access sa nakabahagi niyang storage, mga karagdagang benepisyo ng miyembro, at mga eksperto sa Google.
  • Mapapanatili mo ang iyong Google Account, at ang anumang content na binili mo gamit ang paraan ng pagbabayad ng pamilya.

Tandaan: Isang beses sa isang taon ka lang makakalipat ng grupo ng pamilya. Kung sasali ka sa, o gagawa ka ng, bagong grupo ng pamilya, hindi ka makakasali sa isa pa sa loob ng 12 buwan.

true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12096841239492525194
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
84680
false
false