Mag-redeem ng digital na kopya ng Blu-ray o DVD na pelikulang binili mo

Kapag bumili ka ng pelikula sa Blu-ray o DVD, posibleng kwalipikado kang mag-redeem ng digital na kopya ng pelikula. Hindi mo kailangang magdagdag ng paraan ng pagbabayad, dahil walang singil para sa digital na kopya.

Hindi available sa lahat ng bansa ang ilang produkto at feature. Matuto pa tungkol sa kung ano ang available sa iyong bansa.

Hakbang 1: Mag-sign in o gumawa ng Google Account

Mahalaga: Mag-sign in sa Google Account kung saan mo gustong idagdag ang digital na kopya ng iyong pelikula. Pagkatapos mong ma-redeem ang digital na kopya, hindi mo na ito maililipat sa ibang account.
  1. Sa isang Android phone, buksan ang Google Play Store app Google Play.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong Larawan sa profile.
  3. Piliin ang account na gusto mong gamitin.

Hakbang 2: Gamitin ang pampromosyong code para makakuha ng Google Play code para sa iyong pelikula

Makukuha mo lang ang digital na koypa ng parehong pelikulang binili mo sa DVD o Blu-ray. Magiging katulad din ng digital na kopya ang kalidad ng iyong DVD o Blu-ray na kopya, kaya kung bumili ka ng DVD na may SD na kalidad, nasa SD rin ang iyong digital na kopya.

Mahalaga: Mare-redeem mo lang ang iyong pampromosyong code sa bansa kung saan mo binili ang iyong DVD o Blu-ray. Kung aalis ka ng bansa at bumili ka ng DVD o Blu-ray na may digital na kopya, tiyaking ire-redeem mo ang digital na kopya bago ka umalis sa bansang iyon.

Hanapin sa DVD o Blu-ray na pelikula ang mga tagubilin sa pag-redeem sa iyong digital na kopya. Kung may pampromosyong code ka, sundin ang mga hakbang sa ibaba: 

  1. Depende sa kung saan mo nakuha ang iyong pelikula, buksan ang kanilang site sa pag-redeem. Tingnan ang mga site sa pag-redeem para sa iba't ibang partner.
  2. Sa website, ilagay ang pampromosyong code na nakuha mo sa iyong DVD o Blu-ray.
  3. Sa ibaba, makikita mo ang Result: Google Play Code xxxxxx.
  4. Kopyahin ang code para i-redeem sa Google Play Store.

Hakbang 3: Kunin ang iyong pelikula sa Google Play

  1. Buksan ang Google Play app Google Play.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang icon ng profile.
  3. I-tap ang Mga pagbabayad at subscription at pagkatapos ay I-redeem ang gift code.
  4. Ilagay ang code.
  5. I-tap ang I-redeem.

Tip: Isang beses mo lang puwedeng i-redeem ang pampromosyong code.

Hakbang 4: Panoorin ang iyong pelikula

Kapag naidagdag na ang iyong pelikula sa library mo sa Google Play, mapapanood mo ito sa ilang paraan. Alamin kung saan mo puwedeng panoorin ang iyong mga pelikula at palabas.

Mag-ayos ng mga problema kung saan hindi ka makapag-redeem ng digital na kopya ng iyong Blu-ray o DVD

Kung nagkakaroon ka ng mga isyu kapag sinusubukan mong i-redeem ang iyong pampromosyong code para sa Google Play code, makipag-ugnayan sa naaangkop na partner para sa tulong.

Partner Impormasyon ng suporta
Disney

United States at Canada: https://redeemdigitalmovie.com/
Japan: http://www.digitalcopyplus.jp/help/

HBO

United States: http://www.hbodigitalhd.com/

20th Century Fox https://www.foxmovies.com/
Paramount http://www.paramountdigitalcopy.com/support
Universal https://www.uphe.com/contact-support
Sony Pictures https://redeem.sonypictures.com/
Warner Bros. https://digitalredeem.warnerbros.com/
Lions Gate https://movieredeem.com/
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17372834804485071885
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
84680
false
false