Suporta sa currency para sa Brazilian Real at mga kinakailangang buwis

Ikinagagalak naming ianunsyong nagdagdag kami ng suporta sa currency para sa Brazilian Real (BRL). Ngayong sinusuportahan na ang BRL, puwede nang magtakda ng mga presyo at mag-alok ng mga item ang mga developer gamit ang BRL. Makakatanggap na rin ng mga payout sa BRL ang mga Brazilian na developer.

Sa halip na makakita ng mga presyo sa U.S. Dollars (USD) sa Google Play, makakabili na ang mga customer mula sa Brazil ng mga app at in-app na produkto gamit ang BRL.

Tandaan: Mapepresyuhan mo pa rin ang iyong mga application sa iba pang sinusuportahang currency ng mga mamimili.

Kung isa kang developer sa Brazil at mga libreng app na walang in-app na pagbili lang ang pina-publish mo, wala kang kailangang gawin.

Kung isa kang developer sa Brazil at kasalukuyang nagpa-publish o nagbabalak na mag-publish ng mga bayad na app o app na may in-app na pagbili, lubos naming inirerekomenda na basahin ang impormasyon sa ibaba tungkol sa pag-migrate sa iyong Developer account para gumamit ng BRL. Awtomatikong gagamitin ng mga bagong Developer account sa Brazil ang BRL bilang kanilang default na currency.

Mga kinakailangang buwis para sa mga merchant

Para sumunod sa batas ng Brazil, simula Nobyembre 4, 2014, ang mga merchant na nag-aalok ng content sa Brazil na tumatanggap ng mga bayad sa anumang currency bukod sa Brazilian Real (BRL) ay magkakaroon ng kinakailangang 25% tax withheld para sa mga pagbili ng mga customer na nasa Brazil. Ipapadala ang buwis na ito sa pamahalaan ng Brazil.

Kung isa kang merchant sa Brazil, inirerekomenda namin na i-migrate mo ang iyong account para makatanggap ng mga payout sa BRL.

Tumingin ng halimbawa
Bago ang kinakailangang withheld na buwis mula sa mga pagbili ng content sa Brazil Pagkatapos ng kinakailangang withheld na buwis (25%) mula sa mga pagbili ng content sa Brazil

Kung ipagpapalagay na 1 USD ang presyo ng app

Payout ng developer pagkatapos ang hating 70/30: 70 sentimos

  • Halimbawa: 1 USD * 0.7 = $0.70

Kung ipagpapalagay na 1 USD ang presyo ng app

Kinakailangang buwis: 1 USD * 0.25 = $0.25

Payout ng developer pagkatapos ng hating 70/30 at kinakailangang buwis (25%):

  • Halimbawa: (1 USD * 0.7) - 0.25 = $0.45

Alinsunod sa batas, kinakailangan ang buwis na ito para sa lahat ng merchant na tumatanggap ng mga payout sa anumang currency maliban sa Brazilian Real (BRL) at awtomatiko itong ikakaltas sa mga payout ng developer. Hindi pinapahintulutan ng batas ng Brazil ang pagbabayad sa Brazilian Reais sa labas ng Brazil. Para mabayaran sa Brazilian Reais, dapat na mayroon kang isang bank account na nasa Brazil.

I-migrate ang iyong Developer account (nalalapat sa mga developer sa Brazil)

Kung isa kang developer sa Brazil na nag-aalok ng mga may bayad na app o app na may mga in-app na pagbili, mahigpit kang pinapakilos na ilipat ang mga currency sa BRL. Kung isa kang Brazilian developer at magpapatuloy sa paggamit ng USD bilang currency ng iyong payout, magtatakda ng 25% na buwis para sa mga pagbili ng mga Brazilian customer mula sa iyong mga payout.

Hakbang 1: Gumawa ng bagong account

Una, tiyaking naka-sign out ka sa anumang dati nang Google account. Pagkatapos, gumawa ng bagong Google account at mag-sign up para sa isang Google Play Developer account.

Bago mag-sign up, tiyaking naka-sign out ka sa iyong kasalukuyang Developer account. Puwede kang mag-sign up para sa isang bagong Developer account sa play.google.com/apps/publish/signup.

Mahalaga: Kapag gumawa ka ng bagong Developer account, dapat kang magbayad para sa pagpaparehistro gamit ang isang lokal na paraan ng pagbabayad na may billing address na nasa loob ng Brazil.

Hakbang 2: Ilipat sa iyong bagong account ang mga app

Tiyaking natutugunan ang mga sumusunod na kundisyon, pagkatapos ay makipag-ugnayan sa aming team ng suporta para ilipat ang iyong mga kasalukuyang app, data ng app, at history ng pagbabayad sa bagong account mo:

Para humiling ng paglilipat, suriin ang impormasyon at isumite ang iyong kahilingan sa paglilipat sa ibaba:

Humiling ng paglilipat

Kapag nailipat na ang iyong mga app, kakanselahin ng aming team ng suporta ang orihinal mong account at ire-refund ang bayarin sa pagpaparehistro. Kapag naproseso na ang refund para sa iyong orihinal na account, hindi ka na makakapag-sign in sa Play Console gamit ang orihinal mong Developer account.

Tandaan: Hindi puwedeng ilipat ang mga balanse ng merchant sa panibagong account. Ang anumang matitirang balanse sa account na gumagamit ng USD ay babayaran sa pangkaraniwang cycle ng pagbabayad. Patuloy mo pa ring maa-access ang iba pang mga serbisyo ng Google, kasama ang mga pinansyal na ulat para sa orihinal mong Google Play Developer account.

Hakbang 3: Tingnan at itakda ang mga presyo ng iyong mga app sa bago mong Developer account

Narito kung paano tingnan at itakda ang mga presyo para sa iyong mga app sa bagong Developer account mo.

  1. Gamit ang iyong bagong account, mag-sign in sa Play Console mo.
  2. Pumili ng app.
  3. Sa kaliwang menu, i-click ang Presensya sa Store > Pagpepresyo at pamamahagi.
  4. Itakda ang mga presyo sa BRL para sa mga customer mula sa Brazil.
  5. I-save ang iyong mga pagbabago.

Mga madalas itanong

Isa akong Brazilian na developer. Bakit ko kailangang i-migrate ang orihinal kong account?

Kailangan mong i-migrate ang iyong orihinal na account dahil hindi na susuportahan ang mga Developer account sa Brazil na gumagamit ng US Dollars (USD).

Ang mga account na gumagamit ng BRL ay makakatanggap ng mga payout sa BRL at samakatuwid ay hindi mapapailalim sa 25% withholding tax na ipinapataw ng Brazilian Central Bank. Bukod pa rito, may kakayahan ang mga account na gumagamit ng BRL na magtakda ng lokal na pagpepresyo sa 65 bansa.

Paano kung hindi ako nakabase sa Brazil?

Tanging mga Developer account na nakabase sa Brazil lang ang kailangang ma-migrate sa mga bagong account na gumagamit ng BRL.

Ang tanging pagbabago para sa mga developer na hindi nakabase sa Brazil ay ang ikakaltas na 25% buwis mula sa mga payout para sa mga pagbili ng mga customer mula sa Brazil. Ang buwis na ito ay kinakailangan ng batas at ipapadala sa mga awtoridad sa buwis ng Brazil.

Puwede ba akong mag-opt out sa pag-withhold ng buwis?

Alinsunod sa batas, ang 25% buwis para sa mga pagbili ng mga customer mula sa Brazil ay nalalapat sa lahat ng developer na tumatanggap ng mga payout sa anumang currency maliban sa Brazilian Real (BRL).

Dahil kinakailangan ang buwis, ang tanging paraan para mag-opt out sa buwis ng Brazil ay ang alisin ang iyong app sa pagpapamahagi sa Brazil.

Kung mga libreng app lang ang mayroon ako, kailangan ko bang mag-migrate?

Kung mga libreng app lang (na walang mga in-app na pagbili) ang mayroon ka, hindi mo kailangang mag-migrate. Mananatiling available ang mga libre mong app.

Gayunpaman, kung gusto mong mag-alok ng mga bayad na app o in-app na pagbili sa hinaharap, kakailanganin mong i-migrate ang iyong account.

Kapag na-migrate ko ang aking account, makakatanggap ba ako ng refund para sa ibinayad ko sa pagpaparehistro ng Developer?

Kapag matagumpay na natapos ang iyong pagma-migrate at nakatanggap ka ng email ng kumpirmasyon, magpoproseso kami ng refund sa iyong credit card para sa iyong bayarin sa pagpaparehistro ng account.

Pagkatapos maproseso ang refund, posibleng tumagal ng ilang araw ng negosyo bago ipalabas ng iyong card ang credit sa iyong account.

Ano ang mangyayari sa perang kikitain ko pagkatapos kong mag-migrate sa isang bagong Merchant account?

Kung magma-migrate ka sa isang bagong account, matatanggap mo ang pera sa iyong umiiral nang account sa susunod na buwanang cycle ng pagbabayad kasama ng anumang payout sa hinaharap na kikitain sa iyong bagong account.

Halimbawa, kung tumatanggap ka ng mga payout sa simula ng bawat buwan, matatanggap mo ang panghuling pagbabayad para sa account na iyon sa simula ng Nobyembre.

Pagkatapos ng pag-migrate, mawawala ba sa akin ang anumang impormasyon tungkol sa aking mga app?

Pagkatapos mong i-migrate ang iyong mga app sa isang bagong account, maima-migrate din ang iyong mga rating, review, na-download, history sa pagbabayad at iba pang impormasyon ng app. Hindi mo mawawala ang anumang umiiral nang impormasyon mula sa iyong Developer account.

Makipag-ugnayan sa suporta

Kung may iba ka pang tanong, makipag-ugnayan sa aming team ng suporta.

Makipag-ugnayan sa suporta

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11403714881497396973
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
92637
false
false